Chapter 37 Devious Gio was here in my office now. Naging laman kasi sila ng balita ni Amber simula kagabi. Paano ba naman kasi ay nag ala Adam Levine siya no’ng fashion show at inescortan si Amber sa pagrampa. Dahil do’n ay natabunan ang issue namin ni Greg sa twitter. Pero kahit gano’n pa man ay hindi ko pa rin magawang sermonan si Gio ngayon dahil alam ko sa sarili ko na may nagawa din ako. I speak fluent sarcasm not hypocrisy. “I was expecting you to yell at me, Davina. What happened? Have you lost your voice?” tinaasan niya ako ng kilay. I rolled my eyes at him and let out a deep sigh. “Bakit pa? Nangyari na.” sabi ko na lamang. Nagkibit balikat naman siya sabay nguso. “Knowing you, kahit na nakalipas pa iyan ng ilang linggo ay kung magalit ka

