Chapter 7
Shower room seduction
FIVE YEARS AGO
“If you want to hit on her do it outside this shower room. Don’t take advantage on her while she’s doing her punishment.” his voice is full of authority and since he’s the vice president these dirty pigs had no choice but to back off. Pero imbes na matuwa ako ay parang nabwisit pa ako sa sinabi niya.
He sounded like a responsible guy again who knows how to act proper and it looks like he just gave these pigs a tip on how to get a girl! Punyeta naman.
In some movies that I watched, in this scenario the guy will yelled, “Get your filthy hands off of her! She’s mine!” pero wala. Hindi gano’n ang ginawa niya e. Napaka unromantic naman ng bwisit na ‘to.
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ko habang siya naman ay sumandal sa may mga lockers at pinuod ang bawat galaw ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma conscious! Mukha na akong basang sisiw dahil kanina pa ako naglilinis dito.
Mabuti na lang talaga at may PE kami kanina kaya nadala ko ang damit ko na pang PE kung hindi ay maglilinis ako dito ng nakapalda. Oh well, I don’t really mind showing my skin but cleaning in this shower room while wearing your school uniform will just push these boys to disrespect me. Kung ngayong naka PE na nga ako ay binabastos pa nila ako, what more kung naka palda lang ako.
Unti-unti ng nababawas ang mga lalaki dito at hindi pa rin umaalis si Greg sa pwesto niya. I’m sure he’s guarding me from all these pigs pero hindi pa rin ako dapat na matuwa. Bakit? Kasi lahat ng ginagawa niya ay dahil pinaninindigan niya ang posisyon niya dito. He’s being a mature vice president looking out for a stubborn girl who’s doing her punishment in the boys’ shower room. He’s not doing this because he’s being possessive over me, he’s doing this because he’s the damn vice president of the student council! Walang halong romance, pure trabaho lang. Tangina diba?
“Uy tingan mo nga naman,” napatingin ako doon sa nagsalita at sumilay ang iritasyon saaking mukha nang makita ko si Keira. Kami na lang tatlo ang narito kaya sana ay lumayas na siya para matapos ko na ang trabaho ko. Dadagdag pa siya e.
“Mahilig talagang lumapit ang palay saakin,” hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa sink para linisin ang salamin doon. I can see through the mirror that Keira and Greg are both looking at me. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapalunok dahil sa kagwapuhan ni Greg. His arms are crossed on his chest. Mas lalo tuloy na emphasize ang biceps niya at kitang-kita ko rin ang ugat ng mga braso niya.
Those veins on his arms. That is the most attractive thing that I want from a man’s body. Awtomatiko naman akong nagpatuloy sa paglilinis ko nang tignan niya ako sa mga mata gamit ang salamin.
“Sayang naman nakabihis na ‘ko. Hindi ko tuloy naipakita ang abs ko sa’yo,” pagyayabang ni Keira. I just rolled my eyes. Ang kapal ng mukha nito pasalamat siya ay nagtitimpi akong murahin siya dahil baka madetention nanaman ako. Magkaibigan pa naman sila ng vice president baka pagsabwatan pa ‘ko.
“But if you want a sneak peak I’ll give it to you,” He smirked through the mirror.
“Tsk, Keira. Sa labas na ‘yan. Hindi matatapos ‘yan sa tinatrabaho niya,” awat naman ni Greg. Mabuti naman at umawat pa siya ‘no! Dahil baka lumabas ng may black eye ang kaibigan niya dito.
“Ikaw rin, baka gusto mo nang magbihis na nang makaalis na tayo. May gig pa tayo mamaya.” Nakangising sabi ni Keira.
“Hindi pa ako tapos maligo,” sagot naman ni Greg. Tahimik akong nakikinig sa pag-uusap nila habang sinusulyapan ko sila sa salamin.
“E ba’t naka display ka diyan, gago?”
“Damn, Keira. Will you stop talking and just do your thing? Ang daldal mo. Si Pierre ka ba?” hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa sinabi ni Greg. Tama nga naman siya! Ang daldal ng kaibigan niya.
“Ikaw naman, Fornari. Huwag kang tatawa-tawa diyan. Kanina ka pa diyan sa salamin na ‘yan,” nawala naman ang ngiti ko sa labi at napalitan ng pagkainis. I rolled my eyes at him through the mirror at binilisan ko na ang paglilinis do’n sa salamin.
Si Keira naman ngayon ang tumatawa sa akin. Mapang-asar niya pa akong nginisian sa salamin bago siya tuluyang lumabas.
“Backfired.” Keira teased in his low tone before turning his back and finally making his way out. Inirapan ko siya ng buong tindi kahit na nakatalikod siya. Pesteng ‘to!
Binalot ng katahimikan sa loob nang umalis na si Keira. It was just me and Greg alone in this room. I looked at him through my shoulder at nakita ko na umalis siya sa pagkakasandal niya sa locker.
“Where are you going?” I asked.
“I’m going to continue showering,” sagot niya. May kung anong kalokohan naman ang pumasok sa isipan ko. Gustong-gusto ko talaga kapag naiinis si Greg. Hindi ko alam kung bakit pero lalo kasi siyang nagiging attractive kapag galit at hindi ko maiwasang hindi ma amuse dahil syempre kilala siya sa pagiging kalmado kaya nakaka amuse kapag nakita mo siyang mainis.
I grinned and I faced him. “You’re gonna flaunt your body while I’m here?” I smirked. He just looked at me, confuse.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sakanya at mapang-akit siyang tinignan. “Admit it, Greg. You just want to seduce me,” pang-aasar ko sakanya at nginisian siya.
He laughed mockingly. “Hindi ba ikaw ang mas mukhang nang-aakit sa ating dalawa ngayon?” he fired back. Hindi naman ako nagpatalo at mas lalo ko pa siyang nilapitan. Pinasadahan ko ang bagang niya gamit ang index finger ko at tinitigan ko siya sa mata. Hindi siya nag-iwas ng tingin at parang nanghahamon niya pang sinuklian ang mga pagtitig ko sakanya.
“Are you affected, Garde?” I said in a flirty way at mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Damn I can smell him already. Amoy na amoy ko ang sabon niya sa katawan at ang strawberry mint breath niya. Hindi pa siya tapos sa pagligo niyan pero bakit ang bango na niya? Ang unfair talaga ng mundo.
Nginisian niya ako. “Siguraduhin mong itutuloy mo ‘yan. Hindi ‘yung basta-basta ka na lang lalabas,” he challenged. Para bang pinapaalala niya ‘yong ginawa ko sa loob ng kotse niya. Napalunok naman ako. Wala naman akong balak na gawin kung ano ang ipinapakita kong gagawin ko sakanya. Balak ko lang siyang inisin at ngayon ay tinitira nanaman niya ang ego ko!
“Caught off guard?” he grinned. Sumilay ang iritasyon sa mukha ko at bahagya akong napalayo sakanya.
Siya naman ngayon ang lumapit saakin. Napahakbang ako paatras. Siya naman ngayon itong mukhang nang-aakit at hindi ako tinigilan hanggang sa masandal ako sa basa at malamig na pader. My heart began to pound and the butterflies in my stomach began to go wild. Damn Greg!
I felt his hands on my waist and that sent thousand shivers into my spine. He land his forehead into mine and our nose are touching now. s**t, hindi ako makaisip ng matino kapag ganyan siya. Sobrang gwapo niya at lalo akong naaattract sakanya kapag nag-iiba siya. Pero aatakihin naman yata ako sa puso nito.
He gently touched my lower lip using his index finger. Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang hininga na galing sa bibig niya mula sa labi ko. He’s going to kiss me again and I’m not planning to make any protest. I’ll just let him do anything he wants on my lips. You see the affect of this guy on me? Binabaliw niya ‘ko!
I was waiting for him to kiss me while my eyes are closed but suddenly I felt his warm breath on my ear.
“Maglinis ka na,” he whispered and the weight that I’m feeling suddenly disappeared because he’s now standing few feets away from me while his annoying yet attractive smirk is plastered on his lips.
“Damn you,” iritado kong sabi. I can’t believe he tricked me! Ako dapat ang gagawa sakanya no’n at hindi siya!
“Backfired? Again?” Pang-iinis niya. Ugh! Ikinuyom ko ang aking kamao habang sinasamaan siya ng tingin. Magsama sila ng kaibigan niya!
“You shouldn’t me messing with me, bad girl…” that annoying yet hot smirk still hasn’t left his lips.
“Ugh! Bahala ka na nga!” inis kong sabi at kahit na hindi pa ako tapos ay lumabas na ako ng shower room. I’m so pissed! Nagmukha naman akong tanga sa harapan niya! Bakit ba hindi ako manalo-nalo kapag siya na ang involve? He always win and I always end up losing.
--
“Buti naman umuwi ka pa,” bungad kaagad sa akin ni Olivia na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng magazine may juice pa siya sa center table. Feeling prinsesa.
“Ano namang pakialam mo?” I retorted. Hindi naman ako nagbibigay ng opinyon sa gusto niyang gawin sa buhay niya.
“Ang harsh mo, lil sis,” ngisi niya at ininom ang juice na nasa center table.
“You’re not my sister,” I acknowledged.
“Oh well, sabi mo e.” kibit balikat niyang sabi at nilaro ang extra piercing niya sakanyang ear lobe. “By the way, maligo ka. You look dirty na kasi,” dagdag niya pa at ipinagpatuloy ang pagbabasa. I just rolled my eyes at dumiretso na lang sa kusina. Lalo naman akong nabadtrip nang makita ko si Sandy. Wala na bang gagawin ang mag-inang ‘to kung hindi bwisitin ako?
“God, Davina! Bakit ngayon ka lang umuwi? We’ve been looking for you!” may inis sa tono ng pananalita niya.
“Wala bang iniwang allowance sa akin si Papa?” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at itinanong ko na lang kung binigyan ba ako ng pera ng papa ko. Hindi pa ba sila sanay sa ganito? Uuwi lang ako kapag kailangan ko ng pera. I’ve been doing this since I went back to philippines.
“Manang, paki tuloy na lang itong niluluto ko,” utos niya sa kasambahay at bahagya akong nilapitan.
“Ayaw ka na nga niyang bigyan ng allowance dahil nagagalit na siya sayo. Kinausap ko lang siya kaya please lang Davina huwag mong ubusin ang pasensya ng Papa mo,”
“Wow, thank you. Now can I get my allowance?” sarcastic kong sabi.
She sighed shook her head in disappointment. Maybe she should just stop acting like my mother baka matuwa pa ako.
“Bukas ng gabi ang uwi ng Papa mo galing sa business trip kaya sana pagkatapos mong mag-aral dumiretso ka ng uwi dito,” kumalma din ang boses niya.
“Yeah sure, sure,” wala sa loob kong sagot.
“I’m serious, Davina. Isipin mo naman kaming mga nag-aalala sa’yo dito,” pakiusap niya.
“Edi sabihin mo kay Papa na ibalik niya ‘ko ng New York para ‘wag na kayong mag-alala sakin diba?” pabalang kong sagot. Kung bakit ba kasi ang ayos-ayos ko sa New York kasama ang Mama ko kinuha-kuha pa nila ako dito! They don’t even care about me! Kaya lang sila nagaalburuto ng ganito ay dahil nasa puder nila ako at kapag nagkataon na may nangyaring masama saakin mananagot sila kay Mama!
“Alam mong hindi pwede ‘yang gusto mo.” sagot niya.
“Just give me the money,” sabi ko na lang at baka may masabi pa akong hindi niya magugustuhan.
“Davina, will you stop acting so hard? We’re trying here to reach out for you kaya sana mag effort ka rin na i-reach out kami…”
Tumaas ang isa kong kilay. “Then do yourselves a favor and stop trying! Ano ba ‘to? Outreach program?”
“My God. I don’t know anymore…” she said, massaging her temples.
“I already left it in your room,” she answered with a deep sigh. Walang sabi-sabi ay kaagad ko siyang tinalikuran.
“Kumain ka muna,” dinig ko pang sabi niya pero hindi ko na lang pinansin. She should quit the act. Bakit ba hindi niya na lang ilabas ang tunay niyang kulay kaysa sa umaarte siya na parang may pakialam siya sakin. My God naman. Pinapahirapan pa niya sarili niya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay kaagad akong naligo at nagbihis. I blow dry my hair then I lied on my bed. This bed is more comfortable than the bed that I slept last night. Mura lang kasi ang hotel na pinagstayan ko. Hindi katulad dati na palagi ako sa mamahaling hotel nag che-check in kaya ang bilis maubos ng allowance ko at kapag ubos ang allowance syempre kailangan ko nanamang umuwi sa impyernong ‘to.
Kaya simula ngayon mag ti-tiyaga na muna ako sa mga mura.
Siguro pwede na akong bansagang, “NPA” meaning, “No Permanent Address” paiba-iba kasi ako ng tinutulugan gabi-gabi. I don’t stay in one place because that’ll be easier for them to find me. Hindi rin ako makakuha-kuha ng condo dahil hindi ako makaipon-ipon na sasapat para pangbayad doon. Palagi ko kasing nagagastos.
Minsan nakakapagod din maghanap ng hotel pero mas mabuti na ‘yon kaysa naman sa mag stay ako dito. It feels like I don’t belong in this family. Isa na lang akong bastarda ngayon. Kaya hindi ko maiwasang hindi magalit kay Papa dahil kinuha niya pa ako sa New York. Masaya naman ako do’n kasama si Mama.
Naiinis din ako kay Olivia sa tuwing nakikita ko siya dahil parang ipinapamukha niya saakin na anak ako sa labas. Edi siya na diba. Siya na yung may masayang pamilya. Siya na yung perfect, siya na yung mahal ng magulang niya, siya na lahat.
That’s why I hate this place. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi. They are all against me. My Papa, Sandy, Olivia. It’s a three against one.