Kabanata III: Ang Pista

1689 Words
Sina Simeon “ANONG sabi ng maraming handa?” Nagulat akong wika ni Kalay habang nag-aayos ako ng mga handa namin ngayong Fiesta rito sa lamesa. Ngayon ang araw ng Pista sa aming baranggay, buti nalang at nakatapos na kami sa mga exams kung kaya't makakapag-enjoy ako ngayon ng walang ina-alalang kahit na ano. Ito ang araw upang mag-saya! Anong sabi? Halina’t mag-saya! “Ano ka ba? Nakaka-gulat ka!” sagot ko sa kanya. Ang aga-aga naman niyang nandito sa amin. Hindi ba siya mag-aayos ng mga handa nila sa kanila? Napansin ko ang suot nitong maikling shorts at sleeveless na kulay berde. Maganda si Kalay, amoy paksiw nga lang ang kanyang katawan at hindi naghihilod kapag naliligo. Charot! “Ang dami naman pala kasing handa. Hindi ako na-inform. Hindi ko expected na maghahanda kayo!” saad nito. May naka-agaw ng pansin niya na isa sa mga handa namin. Tinarget niya iyon at dumukot ng isang pirasong Shanghai. “Hoy, baka mapanis agad iyan ha!” pambibiro ko at mahinang tinampal ang kanyang kamay. “Damot ‘yarn!?” tanong nito habang ninunguya ang Shanghai na inumit niya. Sino ba ang madamot? Ako? Hala siya. “Sis, kinakain mo na't lahat-lahat madamot pa rin? Wala ka bang gagawin sa inyo, ang aga mo rito?” salita ko. Siya nga pala si Kaloy, ang kaibigan kong kakalipat lang dito sa baranggay namin na galing sa Manila, hindi na siya nag-aaral dahil wala rin itong sapat na perang pangtustos at nagtatrabaho na. “Wala na! Tapos na kami kaninang madaling araw pa!” sagot nito. “Maggayak ng handa? Baka mapanis na iyon,” wika ko. Ang aga naman nilang nakaluto. Sa amin ay hindi pa masyadong luto ang ilang karne rito, titimplahan pa iyan ni nanay mamaya. “Gaga! Maghiwa ng karne, hapunan pa ang punta ng mga bisita namin,” sagot nito at kumuha ng basong plastik upang uminom.  Ah tapos na pala silang mag-hiwa, akala ko ay tapos ng mag-luto. “Ilang kilo ba ang karne niyo?” usisa ko. “Tatlong kilo lang Sina. Walang sapat na budget at syaka ang mahal ng kilo ng karne ng baboy ngayon. Imemenudo lang iyon ni lola,” sagot niya. Oo nga, tama siya. Ang mahal ng karne at hindi rin dapat maging masyadong magastos ngayon dahil baka kinabukasan ay wala na kaming makain sapagkat wala ng pambili dahil naubos na ngayong araw. “Ay oo nga pala, manood tayo ng basketball later ha? Daming fafa roon. Mag-e-enjoy ka for sure. Parang banlaw mo na rin iyon kakalublob mo sa pagbabasa!” kinikilig na saad ni Kalay. May kaharutan ding taglay ang isang ito no. Aanhin niya kaya ang fafa? “Sus! Araw ng pasasalamat ngayon sa Patron natin bakla! Hindi upang ipagdiwang ang mga lalaking maglalaro ng basketball mamaya!” pagbasag ko sa pananaginip niya ng gising. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa kanila. “Ang bitter mo! Hindi ka pa naman nagkaka-jowa! Puro ka aral, trabaho at pamilya. Try mo rin ma-engage sa isang relationship, Sina. Paalala lang, you only live once! Syaka nandoon iyong anak ni kapitan!” pangaral nito sa akin habang nililibot ang kanyang paningin sa kabuan ng aming bahay. “Hindi sa pagiging bitter pero wala pa akong time sa ganyan. Alam mo naman ang obligasyon ko bakla. Wala iyan sa lists ko, darating din iyang afam na sinasabi mo,” paliwanag ko. Gusto ko rin naman na magkaroon ng boyfriend na naaayon sa standard ko pero, ang dami ko pang gustong gawin at mukhang wala namang nagkakagusto sa akin. “Sus! Oh siya, magkita nalang tayo mamaya sa Simbahan. Matapos ay samahan mo akong manood ng basketball ha? Wala namang pasok bukas!” pamimilit niya. “Oh sige. Buti nalang at walang pasok kung hindi ay sorry ka! Kahit magtampo ka na sa akin ay hindi kita masasamahan,” prangka kong salita at pagsang-ayon sa kanya. Kilala niya ako na kapag may pasok ay hinding hindi niya ako maaaya kahit saan, puwera nalang kung sobrang mahalaga ng bagay na gagawin niya. Nakita kong dumampot muli siya ng Shanghai. “Isa lang!” wika niya at syaka umalis na. May pahabol pa! Kung mapapansin niyo ay ako lang ngayon dito dahil umalis saglit sila nanay kasama sina Espirita upang magtungo sa bukid. Hindi magkakatabi ang bahay sa amin ngunit dinig ko kahit umaga pa lang ang malalakas na tunog ng mga musikang pang-pista at mamaya ay magkakaroon pa ata ng banda. Music lover talaga ako, at gusto kong mapanood ang singing contest mamaya. Lumabas ako saglit ng bahay upang batiin ng happy fiesta ang mga kamag-anak namin sa tabi-tabi. Isa na sa kultura namin ang magbatian ng happy fiesta at mag-mano. Kagaya lang tuwing pasko at sa tuwing bagong taon. “Tito! Happy fiesta po!” bati ko kay tito nang makasalubong ko s'ya na may dalang kalahating case ng alak. Kinuha ko ang kaliwa niyang kamay at doon ako nagmano. “Happy fiesta rin Sina!” nakangiting bati naman ni tito sa akin. “Handang handa na sa bakbakan mamaya tito Amang ha!” wika ko habang nakatingin sa mga alak na dala niya. Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. “Oo, madalang lang kasing mainom dahil alam mo nang busy sa bukid,” dahilan nito. Naintindihan ko siya kaya dapat ngayon ay magsaya lamang. Ngunit sana ay hindi sila malasing ng tuluyan kasi minsan aminin man natin o hindi ay sa sobrang kalasingan mayroon hindi magandang bagay tayong nagagawa. Pero hindi naman ganoon sila tito. “Hinay-hinay lang tito ah. Baka po masyadong malasing. Magalit pa po si tita Edna, hehe…” pambibiro ko. Si tita Edna ang asawa ni tito Amang. Minsan kasi ay mabunganga ang asawa niya ngunit maalaga at maasikaso rin ito. “Malalaan mamaya at hindi ko masasabi dahil baka mamaya ay magka-sarapan sa pag-inom,” turan nito sa akin. Nagpaalam na si tito dahil magsisibak pa raw ito ng kahoy na gagamiting panggatong sa pagluluto ng mga handa. “Diko!?” Narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin kung kaya’t nilingon ko ang direksyon na pinanggagalingan ng kanyang boses. Alam kong si Espirita iyon. Nang maka-lingon ako ay nakita ko sila nanay na naglalakad papauwi. Buti naman at nakabalik na sila. Hindi na ako naghintay pa at sinalubong ko na sila. “Ayos na ba ang mga handang luto na at mga titimplahan ko pa?” tanong sa akin ni mama nang makarating ako sa kinalalagyan nila. “Oo naman, nay. Maayos na maayos ang disenyo ng ating lamesa. Kung mayroon nga sigurong pa-prize si kapitan ng best in design ng table for fiesta, alam kong top 1 tayo roon at sa atin ang grand prize,” pambibiro ko. Lumabas tuloy sa parteng ito ang pagiging bakla ko. Nagtawanan sila at sabay-sabay kaming naglakad pauwi ng bahay. “Diko, ang ganda kanina ng paglitaw ng araw sa bukid. Buti nalang at naabutan namin iyon,” masayang pagkukwento ni Espirita sa akin. Hala, I missed today’s sunrise pero okay lang iyon. “Sayang! Kung may phone ka lang sana ay nakuhaan mo iyon no,” sagot ko na may halong kaunting panghihinayang sapagkat isa sa mga paborito ko ang panoorin ang araw sa pag-sikat nito. Gustong gusto kasi ng mga mata ko ang sinag na ibinibigay nito sa mundo. “Oo nga, kaso wala e pero mas maganda pa rin ang personal mong nakita, the best!” nakangiti nitong saad. Napansin kong tahimik lang si Vhina at dala-dala na naman nito ang kanyang Barbie doll. Nang makauwi kami ay pinagtatakpan ni nanay ng maayos ang mga handa dahil kami ay tutungo muna sa simbahan. 8 AM ang misa sa umaga at may roon ulit mamayang 6 PM para sa gabi bago magsimula ang mga palabas. Nauna nang maligo sina mama at Vhina, matapos ay sumunod si Espirita at nahuli na ako. Hindi na ako naglagay pa ng kung ano anong sabon sa katawan dahil wala naman akong pambili ng mga gano’n. Hmmm….nang mayari akong maligo ay naka-bihis na ang pamilya ko kung kaya’t maslalo pa akong nagmadali dahil baka mamaya ay wala na kaming maupuan pa sa Misa. Kaming dalawa lang ni nanay ang nakapantalon and t-shirt, samantalang ang dalawa ko namang kapatid na sina Espirita at Vhina ay naka-suot ng dress na bagay na bagay sa kanila. “Ma, saktong sakto ang dress na ibinili mo sa amin sa ukay-ukay. Feeling ko tuloy ay anak mayaman ako ngayon. Hayst! Minsan lang ako maka-pagsuot ng ganito at nakakataas ng self-confidence,” nakangiting saad ni Espirita habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin na nakasabit sa aming dingding. “Oo, akalain mong trenta pesos lang ang halaga ng damit na iyan!” wika ni mama. Oo! Trenta nga lang iyon dahil kasama ako ng bumili siya ng mga susuotin ng dalawa sa fiesta. Kami ni mama ay hindi na bumili ng bago. Hindi naman na kami bata at syaka dagdag gastusin pa iyon kapag nagkataon. Bago kami tuluyang tumungo sa Simbahan ay ni-lock muna ni nanay ang lahat ng pinto gamit ang mga malalaking pako na sinusuot sa isang pang pakong baluktot na nakakabit sa kabilang panig. Ayan ang pambansang lock ng bahay sa aming probinsya.   Malapit lang ang bisita sa bahay namin kung kaya’t naglakad na kami. Sa hindi kalayuan ay pumukaw ng pansin ang apat na magagarang saksakyang papasok sa mansyon na malapit lang sa labasan. Naging sanhi ito upang magkaroon ng panandaliang traffic sa kalsada. “Ang dami naman pong sasakyan!” natutuwang saad ng kapatid kong si Vhina. Ang gagarbo ng mga sasakyan na iyon at sigurado akong isa diyan ang may-ari ng mansyon na ‘yan dahil matagal nang walang naka-tira roon. “Totoo ata ang bali-balita na bumalik daw si Donya Catripia. Siya kaya ang sakay ng mga sasakyang iyan?” narinig kong saad ng isang ale sa may tindahan. Sino ang Catripia na iyon? Tumingin ako kay nanay at napansin kong titig na titig din siya sa mga sasakyan at para bang nagbago bigla ang saya ng kanyang mukha. Sa wakas ay magkakatao na rin ang mansyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD