Sina Simeon
“HANGGANG ngayon ho ba kapitan, wala pa ring balita kung sino ang pumatay kay ate?” tanong ni tito Juanito sa aming punong baranggay. Sa maraming pagkakataon, nandito na naman kami sa barangay hall. Nakikibalita ukol sa kung ano na ang lagay ng imbestigasyon ng kaso ni tita.
“Walang nakakita sa mga nangyari kaya nahihirapan ang mga kapulisan na matiyak kung sino ang salarin. Magta-tatlong Linggo na ang kasong ito. Baka sa kakulangan ng ibidensiya at saksi, kinalulungkot ko mang sabihin… baka mabasura lang ito,” sagot ni Kapitan.
Malutong na sampal ng katotohanan ang gumawad sa aming mga pisngi, katotohanang mayaman lang ang may karapatang humawak sa batas. May napansin lang ako kay Kapitan, mukhang hindi siya humingi ng tulong sa alagad ng batas para gumawa ng imbestigasyon. Katulad noong nangyari sa palayan namin, binigyan niya lang kami ng ayuda upang itigil na namin ang pag-usisa sa tunay na pangyayari, pero ang isang ito, ibang usapan na.
“Tang-ina!” Hindi maiwasan ni tito na mapura nang dahil sa galit. Malakas niyang nahampas ang lamesa ni Kapitan. Nagbigay ito ng pagkagulat sa mga naririto ngayon.
“Ikalma mo ang sarili mo, Juanito. Hindi iyan makatutulong sa sitwasyon ngayon,” sabi ni tita Lita sa asawa at hinimas ang likod nito.
“Kapitan, hinihingi namin ang buong tulong mo. Kahit ngayon lang, paki-usap,” pagmamakaawa ni nanay rito. Nakaupo lang ako sa isang sulok at nag-iisip ng tamang gagawin. Ayaw kong makisabay sa bugso ng damdamin ng aking pamilya gayong alam namin na suntok sa buwan upang maaabot ang hustisyang pinakainaasam namin.
‘Kailangan kong gumawa ng sariling imbestigasyon.’
“Makakaasa kayo. Patuloy rin namin ginagawa ang obligasyon namin. Sa oras na magkaroon ako ng balita, agad kong ipaparating sa inyo,” sagot ni Kapitan. Umalis na kami ng pamilya ko sa lugar na ito. Kami na ang suki ng baranggay, nakahihiya na.
Sa naging aksyon ni Kapitan kanina sinasabi lang no’n sa akin, hindi siya maaasahan.
“Simula nang bumalik muli si Catripia dito sa atin, kung ano-anong kasamaan na naman ang dinudulot niya!” Nagulat ako sa winika ni tita Lita habang palabas kami. Napansin ko ang panlalaki ng mata nanay rito ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
“Baka naman nagkataon lang po. Ang buti po kaya ng loob ni Donya Catripia,” katwiran ko sa kanila.
“Mag-iingat ka, anak.” Bigkas pa ni nanay bago ako tuluyang magpaalam. Ngumiti ako rito. Alam kong walang mangyayaring masama sa akin. Sila ang mag-ingat kay Sina. Masasakal ko sila, baka ngayon pa lang ako maging violente.
TUMUNGO ako ng mansyon upang gawin ang trabaho ko. Masaya ako sa pagbabalik ko dahil wala si manang Carmen. Sira na ang araw ko at ayaw kong mas sirain niya pa ito. Pumasok na ako sa mansyon dahil mukha namang walang tao. Siguro, nagpapahinga si nay Wena sa quarters nila. Ala-una na rin kasi ng hapon.
“Sina? Long time no see, my Sina!” Nabungaran ko agad ang mukha ni Vince nang maihayag ko ang paa ko pagpasok sa bakuna ng mansyon.
“Hoy, Vince! Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong. Hindi ko na siya nakausap simula noong libing ni tita. Nakalimutan ko namang itanong sa kaniya kung ano ang relasyon niya kay Donya noong nakita ko sila sa mall.
“This is the house of my aunt. At ikaw? Anong ginagawa mo rito? Ahm… I guest ikaw iyong bagong katulong nila? Tama ba?”
Magka-mag-anak pala sila. Akala ko ay may intimate relationship na namamagitan sa kanilang dalawa. Siguro, si Donya ang parati niyang nababanggit na tita niyang nanggaling sa abroad? Ang liit talaga ng mundo.
Tumango ako sa kaniya.
“Ang cute naman ng katulong nila, tita! Simula ngayon, dito na ako uuwi para parati kitang nakikita.” Siya nga si Vince.
“Nakita ko nga kayo no’n sa mall. Hindi ko naman alam na si donya Catripia pala ang tita mo,” pag-amin ko at nag-umpisa kaming maglakad papasok sa tanggapan ng bisita.
“Really?” Napabaling siya sa akin.
“Yes. Nagulat nga ako. Ang akala ko, girlfriend mo si Donya,” nahihiyang wika ko nang katotohanan.
“You’re funny, Sina ko! That’s why I fell for you,” napangisi siya. “Ginawa mo pang sugar mami ko si tita! Hahaha!”
“Hoy, sorry hindi ko naman alam.”
“Okay.”
“Walang pasok no, kaya bakasyon ka muna rito!?” Ngayon ay narating na namin ang living room ng mansyon. “Ayusin mo nga ang damit mo, para kang basurero.” Lumapit ako sa kaniya at inayos ang plain white T-shirt na suot niya. Ngayon ko lang nakita ang suot niyamg nakapahalang ang kuwelyo. Parang bata sa kalye.
“Basurerong guwapo?” Kumindat pa siya sa akin.
“Baliw!” tagong kilig na saad ko. “Bakit nga pala parang walang tao ngayon sa mansyon? Ang tahimik, I mean, tahimik naman talaga pero ang alam ko, si manang Carmen lang ang aalis.”
“Yup. Walang tao ngayon. Tayo lang dalawa.” Kinabahan ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso ko. “We can do everything we want,” saad pa nito gamit ang malat na boses. Nag-iba ang aura niya.
“Vince? Ah-anong ginagawa mo?” Nanginginig kong sagot. Tumingin siya sa mga mata ko na parang may pagnanasa. Biglang tumindi ang kabog ng dibdib ko sa ginagawa niya. “It’s a prank ba ito?”
“Ang bango mo, Sina… matagal na akong nag-iinit na matikman ka.” Naramdam ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko mismo. Maya-maya pa, biglang nabasa ng mainit na laway ang tainga ko, sa gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas.
“Ano bang ginagawa mo Vince!? Trabaho ang pinunta ko rito!” sigaw ko sa kaniya. Ngumisi lang ito sa akin at muli ay inayos ang sarili. Sa inaaksyon niya, parang hindi siya ang Vince na kilala ko, ang kaibigan ko.
“Oh, trabaho naman pala e, adi trabahuhin mo ang katawan ko!?” Bigla niyang hinatak ang kamay ko at napasubsob kaming dalawa sa mahabang sofa. Napadagan ako sa kaniya kaya kitang-kita ko ang kaguwapuhan ng mukha niya. Pero imbis na kilig ang maramdaman ko, bigla akong binalot ng galit.
“I know, you like me too… hindi ka pa lang handa, pero ngayon ay ihahanda na kita.” Bigla niya akong hinalikan, at ninayakap ng mahigpit. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Hindi pa ako handa sa mga ganitong gawain.
“Bitiwan ako, Vince!” Pagpupumiglas ko ngunit tila barado ang tainga niya at walang naririnig ni isa sa sinabi ko.
“Huwag kang magpumiglas. Walang makaririnig at tutulong sa iyo.” Naramdaman ko sa tiyan ko ang matigas na bagay sa ginta niya. “Mahal lang kita Sina, kaya nagagawa ko ito…”
“What is happening here!?”
“Fuvk!” Gulat na binitiwan ako ni Vince nang may biglang sumigaw sa harapan namin. Nakawala ako sa kaniya ngunit nahulog naman ako sa lapag.
“Aray!” Hawak ko ang likod kong may kaunting kirot.
Nakita ko na si mamang Carmen ang nagsalita. Akala ko, si Donya na ito dahil English ang ginamit niyang salita. Siguro ay dahil lang sa gulat. Nakita ko ang nag-aapoy niyang galit sa mga mata na nakatingin sa akin. Mabilis niya akong nilapitan at binigyan ng apat na sampal, tig-dalawa bawat magkabilang pisngi.
“Malandi talaga kayong mga bakla kayo! Pati pamangkin ni Donya ay nililingkis mo!”
Nayanig ang panga ko sa ginawa niya. Nakita kong nakatayo lang ang demohong si Vince. Gulat pa rin siya ngayon dahil sa pagkahuli ni manang sa ginawa niya. Naramdaman ko ang paghapdi ng anit ko ng kaladkarin ako ni manang Carmen sa buhok ko.
“Dapat sa inyong mga inutil na bakla! Kinakalbo nang mapagtanto niyong hindi kayo tunay na babae para maglumandi kung kani-kano… know your limits!”
“Bitiwan niyo po ako manang Carmen. Hindi po….”
“Stop it, manang Carmen!” Narinig kong pagsigaw ni Vince. Dahil sa naka-yuko ako, nakita ko ang apat na paa. Marahil, pinigilan niya ang katulong sa ginagawa nitong p*******t.
“Huwag niyo akong pigilan, sir! Dapat bigyan ang baklang ito ng parusang hindi niya malilimutan upang magtanda. Masyado na silang naging ganap na salot sa lipunan!” Mas tumindi ang pagsabuhot sa akin ni manang. Parang nahahati na sa dalawa ang anit ko. Ramdam ko rin ang ilang hibla ng buhok na nalagas na galing dito. Lumakad siya kaya muli, hinila niya ako na lalong nagpakirot sa sakit.
“Arayyy!” Gusto ko man lumaban ngunit parati akong pinipigilan ng sarili ko. Hindi ko ibig na mawalan ng trabaho.
“I said manang stop!” sigaw na utos ni Vince. Narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay na gawa sa salamin. Kasabay nito ang paggaan ng pakiramdam ng anit ko. Inangat ko ang ulo ko, at dahang-dahang pumatak ang mga luha ko sa mga mata.
“Sir? Gusto…”
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Vince at hinawakan ako. “We both wanted to do it. Huwag kang makialam. Alis!” sigaw ni Vince sa katulong na walang kaluluha. “Touch him again, and you will be thrown at this place!” May kasamang galit ang boses nito. Walang nagawa si manang Carmen at umalis nang naka-yuko . Tila napahiya.
Ayoko harapin si Vince. Kahit tinulungan niya ako ay nasusuklam ako sa pagmumukha niya.
“Sina…sorry…” Nagtangka pa siyang hawakan ako. Ngunit buong lakas kong iniwas ang braso ko. Humarap ako sa kaniya na may poot at sakit.
“Nagawa mo na Vince! Kung mahal mo ako, irerespeto mo ang pagpapatigil ko sa iyo kanina!” Huling salita ko sa kaniya bago umalis sa mansyon nang rumaragasa ang pinong mga butil ng luha sa aking mga mata.
‘I had no idea I have been courting by a demon hidden in an angel face.’