Xian Alonzo
NASA daan ako ngayon nang bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw, nagmumula sa loob ng puno. The surrounding is dark, at walang gaanong dumaraan kaya naman, bukod sa akin, wala nang makaririnig nito.
“Bitiwan mo ako, Vince!”
‘Kilala ko ang boses ng taong iyon.’
Mabilis akong pumasok sa loob ng malalaking puno at sinundan ang pinanggalingan ng tinig. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko para magkaroon ng liwanag ang dinaraanan ko.
“Lemme taste you just once.” Narinig kong bigkas ng isang lalaki gamit ang mapagnasang tinig. Tang-inang lalaking iyon, dito talaga sa kakahuyan? Ang cheap, hindi niya manlang naisip na nag-rent ng comfortable space. Bigla nalang tuloy ako nadismaya.
“Hindi! Bakit ako pa, Vince!? Ang daming iba riyan!? Klimal ka! Alam ko nang sikreto mo!” Shet! I really know that voice. Sa mag oras na ito ay nakaramdam ako ng kakaba. Kailangan kong magmadali. Dahil sa magkakasunod na boses na pinapakawalan nila ay mabilis kong natuntun ang kinalalagyan ng mga ito.
“Someone can’t help you here,” ang wika ng lalaking nakatalikod.
“Nope, you’re wrong,” Tinanlawan ko sila ng flashlight. Pansin ang pagkasilaw sa mga mata nila. Nagdilim ang paningin ko nang makita kong si Sina nga ang inaabuso ng lalaki.
“Xian!?”
“Who are you!?”
“f**k you! Stay away from him!” Mabilis akong lumapit sa kanila at hinatak si Sina. Nakita ko ang galit na rumehistro sa mukha ng lalaki.
“Huwag kang maki-alam dito bro!” Akmang hahawakan nito muli ang kamay ni Sina pero mabilis kong iniwas ito.
“Umalis na tayo rito, Xian.” Tumingin ako kay Sina. Kita ko ang pangamba sa mukha niya.
“Sino ang lalaking ito?” tanong ko sa kaniya.
“I’m Vince and I’m courting him... stay away from us and mind your own business!” Sagot ng lalaki sa akin. Hindi na ako nagtaka na magkakilala sila. Hindi ko alam na may nanliligaw pa lang iba kay Sina.
“f**k you, bro! Find someone who can satisfy your earthly desire, not him!” May itsura rin ang lalaking ito. Sigurado akong marami ring babae at bakla na nagkakagusto sa kaniya. Huwag niyang ipagpilitan ang sarili niya kay Sina. Hindi naman siya gusto.
“Umalis na tayo, Xian, please.”
“Mabuti pa nga. Let’s not consume our time to this pathetic man!” Badyang tatalikod na kami nang hawakan ng lalaking nagpakilalang, Vince ang kamay ko, hinarap ako sa kaniya at matapos ay binigyan ako ng malakas na sapak . Sa ginawa niya ay nabitiwan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Sina.
“Xian!” gulat ni Sina, at hinawakan ang pisngi ko. Ramdam ko na nagkapasa iyon. Pero it's just tiny basic. Tumingin ako kay s**t Vince, ‘Matagal na akong hindi nakikipag-sapakan!’
“You’re f*****g cow!” Lumapit ako sa kaniya. Hindi ako papayag na hindi makaganti kaya naman sinapak ko rin siya. Ang simpleng sapakan ay nauwi sa bugbugan. Pinigilan kaming awatin ni Sina, ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa laki namin at lakas ng pangangatawan.
“You like Sina too, that’s why you act over protecting him!” Binigyan ko siya ng malakas sa suntok sa tiyan niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinalipit iyon sabay suntok sa baba ko. Naramdaman ko ang pagpunit ng aking labi nang makakagat iyon ng ngipin ko.
“Tumigil na kayong dalawaaaaaa!!!” sigaw ni Sina sa amin. Wala kaming naririnig at patuloy lang sa pagbangas ng mukha ng isa't-isa na hindi titigil hangga't wala sa amin ang binabawian ng buhay.
“Kung ayaw niyong tumigil, sige, magpatayan kayong dalawaaaa! Kung iyan ang ikasasaya niyo!!” Ani pa niya. Narinig ko ang paglalakad niya palayo sa amin kaya naman nag-init lalo ang kamay ko at hinampas ko ang ulo ni Vince sa puno. Wala akong pake kung anong mangyari sa kaniya.
“Sina, wait!” Matapos ay hinabol si Sina.
Sina Simeon
“UUWI na ako Xian. Umuwi ka na rin sa inyo. Kaya ko na ang sarili ko,” wika ko kay Xian na hanggang ngayon ay naka-sunod pa rin sa akin. Alam kong tinulungan niya ako pero hindi ko naibigan na lumaban pa siya, sana ay nakinig nalang siya sa akin at umalis na kami.
“Hindi ka man lang ba magte-thank you sa akin? Ngayon lang ako nagka-sugat ng ganito dahil sa pagtulong sa isang tao… at ikaw iyon.”
Huminto ang mga paa ko sa paghabag nang pumasok sa aking kamalayan ang sinabi niya. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang duguan niyang labi, at ilang galos sa mukha, pati na rin mga pasa sa kaniyang maputing braso. Ako ang may kasalanan nito.
“Sorry, Xian. Salamat.” Nakayukong turan ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Na-guilty ako sa pagtataas ko ng boses sa kaniya kanina not realizing na ako ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Gusto niya lang akong ipagtanggol.
Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang mukha ko at inangat ito. “You don’t need to say sorry. I love what I did ‘cause I love you.” Nagyelo ang mga paa ko. Bigla nalang akong naging estatwa sa kintatayuan ko. Totoo ba ang sinasabi niya? Baka naman nakainom lang siya? Hindi ako maka-react, o makausal ng kahit anong salita. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Kumakabog ang dibdib, pero may saya sa aking puso. Unti-unti, hindi ko namalayan na naglapat ang aming mga labi. Nalasahan ko na ang dugo niya. Hindi kagaya ng takang halik sa akin ni Vince, hindi ako umiwas sa halik ni Xian.
Walang sapat na salita akong mahagilap upang ipaliwanag ang halik niya ngunit, pinakabog nito ng matindi ang puso ko. Mahal ko na rin nga ba siya?
Humiwalay ang labi niya sa akin. Binigyan niya ako ng nangungusap na tingin. Nahihiya ako dahil hinayaan ko lamang siyang angkinin ang labi ko. Nakita ko ang paghugit ng kakaibang ngiti sa kaniyang labi, ngiti ng kaliwanagan.
“Mahal mo rin ako!?” nakangisi nitong tanong. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Tumingin ako sa madilim at tahimik na kalye sa kaliwa ko. Pinakinggan ko ang usal ng kapaligaran, banayag ito, mukhang pagpapahiwatig lamang ng pag-sang-ayon sa kung ano ang sinasabi ng puso ko ngayon. Tama ba ang nararamdaman ko? Hindi ba masyadong mabilis?
“Hindi ako babae, Xian...baka naguguluhan ka lang.” Nang matanaw ko ang bulok na dahong bumitiw mula sa sanga ng puno, hindi man ito direktang tumama sa mukha ko, subalit tila sinukluban ako ng mapait na katotohanan. Hindi kami puwede, lalaki siya at bakla ako.
“Ito ang unang beses na tumibok ang puso ko sa kagaya mo. You helped me find my safest sanctuary. With your own smile, it delivers me billions of reasons to be happy.”
“Sina!?” Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil muli, may liwanag na tumama sa mukha namin ni Benjamin.
Jana Simeon
NANG makatulog ang mga bata, bumangon ako sa pagkakahinga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Sina. Nakita ko ang oras. Pasado alas dose y midea nang hating gabi. Hindi maganda ang kutob ko dahil hindi pa siya umuuwi ng ganitong oras. Sa mga nangyayari sa pamilya, hindi ko maiwasan na mag-isip ng mga negatibong bagay. Tumungo ako sa tokador at kinuha ang flashlight, maging ang pamalong arnis sa gilid ng maliit na tibi. Inabot ko rin ang jacket ko dahil may kalamigan ang klima ngayon.
“Nay…” May humawak sa aking kamay. “Saan po kayo pupunta?” si Espririta ito. Maharil umuga ang papag sa pagbalikwas ko kaya naabala siya sa pagtulog.
“Hahanapin ko ang diko Sina mo, hanggang ngayon ay wala pa siya.” Sumilip siya sa silid nang kapatid at tanging bakanteng espasyo lamang ang nakita ng mga mata niya, wala roon si Sina.
“Sasama po…”
“Hindi. Walang kasama si Vhina. Kaya ko nang mag-isa. Basta kapag, dumating ang diko Sina mo. Sabihin mo ay hinahanap ko siya,” habilin ko sa anak ko.
“Gabing-gabi na po. Baka po kung anong mangyari sa inyo sa daan katulad ni tita.” Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Alam ko, tao ang naglalaro sa amin at hindi tadhana.
“Walang mangyayari sa akin, anak.” Kinuha ko ang isang pares ng arnis at binigay ko sa kaniya iyon.
“Ano pong gagawi ko rito?” takang tanong niya habang pinagmamasdan ang kahoy.
“Gawin mong armas. Sige na. Baka magising pa si Vhina. Huwag mong kalimutan na ikandado ang pinto.” Hinalikan ko siya sa noo.
Sa paglabas ko ay sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin. Walang ganoong ilaw sa daan kaya minabuti kong buksan ang flashlight. Wala akong ideya kung saan hahanapin ang anak ko, pero susubukan kong puntahan ang bahay ni Kalay, baka alam niya dahil matalik itong kaibigan ni Sina. Baka nanggaling nandoon ang anak ko.
Narating ko ang harapan ng mansyon. Una pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa muling pagbabalik si Catripia. Tama ang sinabi ni Lita, siguro ay nararapat ko nang patigilin ang anak ko sa pagtatrabaho riyan. Baka sa susunod, siya naman ang madamay. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ayaw ko siyang papasukin sa mansyon, pero sa tuwing gagawin ko iyon ay tila napipipi akong ihayag ang lihim ko.
Binilisan ko ang paglalakad, mabilis lang mawalan ng karga ang baterya at baka sumabay pa ito ngayong gabi. Wala pa akong maging panangglaw sa mabilim na lugar. Umapak ang mga paa ko sa madilim na eksinita, papasok sa kanto nila Kalay. Walang dumaraan, at sobrang tahimik ng paligid. Dahil sa nakasuot ako ng jacket, ay hindi ko maramdaman ang malakas na simoy ng hangin sa banda rito.
Tinanlawan ko ang daan hanggang sa makita ko ang dalawang lalaking magkatabi. Magkalapit ang mukha at tila seryosong nag-uusap. Inaninag ko kung sino ang sila, at nagulat ang mata ko nang makita kong anak ko ang isa. Kasama niya ang lalaking tila hindi maayos ang kasalukuyang itsura, ang anak ni Ignacio, si Xian. Batang ito anong ginagawa nila sa kadiliman ng daan at hating gabi na?
Naramdaman ko ang paggaan ng dibdib ko dahil ayos lang ang anak ko, walang nangyaring masama sa kaniya.
“Sina!?” Malakas na hiyaw ko rito. Lumapit ako sa kanila.
“Nay!?
“Anong nangyari sa iyo, anak?” Lumapit ako kay Xian dahil nakita kong putok ang labi niya at may pasa sa pisngi, mayroon ding galos sa mga braso.
“Napa-trouble lang po, tita Jana,” magalang na sagot ng binata sa akin.
“Anong away!?” Bumaling ako sa anak ko. “Ikaw Sina? Wala ka bang balak umuwi? Kung hindi pa kita hagilapin ay hindi kita matutunton!”
“Ma…”
“Tita…”
Pinutol ko ang sasabihin nila. “Sa bahay na kayo magpaliwanag. Xian, sumama ka sa amin nang magamot ang sugat mo.”