Sina Simeon
“BUSOG na busog ang mga mata ko kagabi, bakla!” nawiwindang na saad sa akin ni Kalay. Naka-uwi na ako galing eskuwela. Ngayon nandito kami sa bukid at nagtatahi ng mga sako na gagamitin sa anihan. Ang tinutukoy niya, iyong tungkol kagabi. Hindi ba’t nag-imunan sila nila Xian, kasama ang mga players ng team. Ewan ko ba kay Kalay, hindi naman siya miyembro, naisipan niya pang sumali sa seleberasyon nang mag-isa.
“Baka naman kaya gan’yan ang ngiti mo, dahil nadiligan ka ng mga fafa no?” sumakay nalang ako sa kanila para malibang na rin. Uso ang salitang dilig ngayon, mga kabataan na nakuha sa social media. Ang sabi pa nga, buti pa ang halaman nadidiligan samantalang ang kanilang lagusan ay nalipasan na ng panahon.
“Ay hindi lang dilig girl, nabaha ang kipay ko kagabi!” makireng saad nito at hinampas sa akin ang saktong nasa lamesa.
“Aray!” Natusok ko tuloy ang daliri ko ng mapurol na karayom. Tinigil ko ang ginagawa ko upang tignan kung napuruhan ba ang darili ko ngunit, hindi naman pala. My guardian angel saved me from the detours of pain.
“Sorry, bakla, hayaan mo na. Alam ko namang mas matigas pa ang braso mo kaysa sa bakal sa paligid. Hindi ka mapupuruhan sa simpleng paghampas ko.” Imbis na mag-alala siya, hinusgahan pa nga ang pisikal kong katangian.
“Dami mo kasing alam. Pahingi na nga lang!” wika ko at kumuha ng chitchiryang gawa sa tsokolate na nabibiling tigsa-sais sa palengke.
“So, ito na nga sis, ang puputi ng katawan nila. Kasi alam mo ba, ito ang mas bonggang ganap! Nagkaroon ng pool party sa likod ng bahay nila Xian at girl mga nagsipag-topless. Sis, umuwi akong babasang-basa ang damit na suot ko kagabi dahil sa sobrang paglalaway,” paglalarawan niya sa kung ano ang nangyari kagabi.
Nakikinig lang ako sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagtatahi. Kailangan nating maging productive habang nakikipagchikahan kasi naniniwala ako na time lost will never be regained. Nakita kong humitit siya ng inuming dala niya. Softdrinks na nakalagay sa supot ng yelo at may straw na kulay asul.
“Tama ang naging desisyon mo na hindi ka sumama dahil habang natutulog ka at nagpapahinga… mayroong mga haliparot ang siyang luminggis kay Xian at nagpakasarap sa katawan nito,” sigaw sa akin ni Kalay habang nanlalaki ang kaniyang dalawang mata.
“Huwag ka namang sumigaw,” pagsaway ko sa kaniya. “Eh ano naman kung may mga babaeng umaaligid kay Xian?” tanong ko pa.
“Hmmmm!”
Naubos na ang inuming bitbit niya at tinapon iyon sa sakong basurahan na nakakabit sa posteng gawa sa puno ng kawayan. Bawal ang pagiging burara rito sa lugar namin at pagtatapon ng kalat sa maling tapunan. Kaya kung mapapansin, malinis sa buong paligid. Maraming mga makukulay na halaman, higit sa lahat, makaka-singhap ka talaga ng sariwang hangin, puwera nalang din sa kausap mo. Minsan ang hininga nila ang ikamamatay mo. Man-made pollution kumbaga.
“Wala lang sa iyo! Huh?” Nagsalita na ulit siya at hinampas ang upuang kahoy.
“Anong wala lang sa akin?” Hindi ko maintindihan ang baklang ito.
“Wala kang gagawin na aksyon? Nalaman mo na may ibang babae ang lalaki mo, nakatunganga ka lang riyan at walang gagawin na kahit ano? Kung ano sa iyo, kinaladkad ko na ang mga babaeng iyon nang matauhan sila sa mga pinaggagawa nila sa buhay! Aba’y sa akin, hindi uubra ang gano’n,” naggugulumaiti niyang tarat.
“Ay talaga palang nahihibang ka na. Iwas-iwasan mo kasi ang pagkain ng mga panis na delata, ayan tuloy ang nagiging epekto sa iyo,” ang sagot ko. “Hindi ko siya gusto no, at hindi niya rin ako gusto kaya free kaming gawin lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa amin. Ang OA mo,” dagdag ko pa.
“Sis, alam ko naman iyan. Ine-train lang kita dahil nakikita ko na sa vision ko na mangyayari ang mga sinabi ko sa iyo ngayong araw. Darating at darating iyan sa buhay mo kaya ngayon pa lang, hinahanda na kitang maging matatag at palaban!” pagwawari niya.
“Bakla, matagal pa iyon, baka mga 10 years from now pa. Saka it’s okay to feel pain kasi nature na nating mga tao iyon. Ang hindi lang okay, iyong magre-revenge ka. You should go, free yourself from the pain and just move on positively,” paliwanag ko sa kaniya.
Tumayo siya at pumalakpak. Ang weird niya talaga.
“Representing the first professional in the Simeon Clan, the one and only. Ms. Sina Simeon!” sigaw ni kalay at binuka pa ang kaniyang dalawang payat na braso na animoy pinakilala sa publiko ang tagumpay ko.
Natawa ako sa ginawa niya. Bukod sa pamilya ko, si Kalay talaga ang sangga’t dikit ko. Parati siyang nandyan sa tabi ko. She’s always here whenever I needed her kaya sobrang grateful ako kay Lord dahil binigyan niya ako ng kaibigang katulad ni Kalay. My source of laughter and headache sometimes.
Lumipas ang mga oras, hanggang sa dumating na sina mama galing sa palengke. Bumili sila ng mga pamatay peste dahil malapit nang anihin ang mga tanim naming palay. Siguro, aabutin nalang ito ng isa at kalahating buwan o even 2 moths. Hindi ako sigurado, pero sana ay huwag bumagyo dahil iyan ang sigurado ako na sisira sa mga palay namin.
“Ako na po ang magtatabi niyan nay,” sinalubong ko sila. Wala naman silang gaanong bibit. Kasama niya si Espirita.
“Salamat anak. Si Vhina nga pala?” ang tanong ni mama.
“Na kina tita Edna po mama. Siya raw po ang magbabantay at naiinip po ata’t walang magawa,” sagot ko kay mama. Pumasok ako sa bahay upang ipasok ang mga napamili niya. Naiwan ko si Kalay na sa labas. Hindi pa naman gabi. Mga hapon pa lang. Hangga’t hindi lumulubog ang araw, hindi uuwi si Kalay sa kanila. Tradisyon na niya ata iyon.
“Ako na ang mag-aayos niyan anak,” ang alok ni mama. “Magpahinga ka na at alam kong kauuwi mo lang rin galing eskuwelahan.” Hindi na ako tumanggi at hinayaan ko na siya sa nais niya. Bumalik na ako sa kubo, upang tapusin na ang pananahi.
“Sis, kanino ba iyong Mansyon na iyan? Kahapon ko lang iyan nakitang nagkaroon ng maraming sasakyan,” ang tanong sa akin ni Kalay sa akin.
“Ay sis. Patay na ang may-ari niyan. Kakauwi lang ata ngayon ng anak nito galing sa ibang bansa. Ayon lang ang alam ko,” sagot ko.
Masaya ako na kahit papaano ay hindi na malungkot tignan ang mansyon dahil may nakatira na rito. Dati kasi, nalulungkot din ako sa tuwing nadadako ang tingin ko sa mansyon. Maganda nga ito pero hindi naman nakararanas ng kasiyahan. May kasabihan nga, aanhin mo ang magarang bahay kung hindi naman ito nababalot ng kasiyahan.
“Patay na ba!? Ah adi tara na, tayo na nalang ang mahinarahan diyan!” sagot nito.
“Bawal!” Nagulat kami sa biglang nagsalita sa likod namin. Bumaling kami ni Kalay rito at nakita naming si tita Asuzulayta ito.
“Bakit po bawal?” ang tanong ko. Ang creepy niya. Bigla-bigla nalang siyang sumusulpot na hindi namin nararamdaman ang presensya niya.
“May madugong kasaysayan ang nakabalot sa mga nakatira sa mansyon na iyan,” ang sagot ni tita at umalis na. May bitbit siyang bayong, siguro ay namitas siya ng mga gulay.
“Kaloka talaga ang tita mo, hanes? Ang sakit niya sa bangs garcia!” Nalokang saad ng friend ko.
“Sinabi mo pa. Pero naniniwala ka ba sa kaniya?” ang tanong ko. Napaisip kasi ako sa sinabi ni tita.
“Huh? Sa mga ganoong tao hindi ako naniniwala, mana pa kung iba ang nagsabi baka maglaro pa ang isip ko sa kung ano ang tunay na nangyari. Zharr!” ang sagot nito.
Sabagay may point siya. Madalas kasi, hindi kapani-paniwala ang mga lumabas na bibig ni tita. Nasaksihan na rin ni Kalay ang ugali ni tita kaya medyo yamot din siya rito.
“Sinagad na naman siguro ang pagpitas sa mga gulay niyo. Kapag kayo ang mamimitas, wala na kayong makuha! Kagigil siya. Akala mo namang fresh. Nag-iisa lang naman sa bahay ang dami-rami niyang kinuha,” pagpuna niya sa bitbit kaninang mga gulay ni tita.
Alam ko na sa gulayan namin siya namitas dahil parati niya namang ginagawa iyon. Kapag sinaway siya, siya pa ang magagalit sa amin kaya hinayaan nalang namin siyang mamitas hangga’t gusto niya. Para tahimik ang buhay. Choose peace over war. Ganoon dapat ang rule ng life.
“Sige na nga, uuwi na ako. Magsasaing pa rin ako,” paalam ni Kalay.
“Mainam pa nga, nang maging mabait at huwaran ka namang miyembro ng pamilya sa pamamahay niyo. Iyong gumagawa ng mga gawaing bahay at nakikiisa sa gawaing pampamilya,” saad ko sa kaniya.
“Hindi ko na talaga ma-reach ang utak mo girl. Ako na ata ang nahihibang kaka-aral mo. Oh God bless sa journey mo ha? Basta kapag na-reach mo na ang stars, huwag mo akong kakalimutan. Bubunsulin talaga kita kapag ginwa mo iyon,” ang pambibiro pa niya bago tuluyang umalis.
Nakatapos naman ako ng ilang sako sa pananahi pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni tita. Gumana tuloy ang malikot na pag-iisip ko. Iyon kaya ang dahilan kung bakit matagal nawalan ng tao sa mansyon? Hay, iwawaksi ko na ngalang ang isiping iyan. Ayokong pasakitin ang ulo ko dahil magre-review pa ako pamaya-maya.
“Anak, sunduin mo na ang kapatid mo sa mga tita mo,” utos sa akin ni mama na nagpatigil sa aking pag-iisip. “Gabi na.”
“Sige po, ma.” Tumayo ako nag-suot ng tsinelas para pumunta sa bahay nina tita Edna. Sana naman, hindi nagloko ang kapatid kong bunso sa kanila.