Sina Alonzo TULOG na si Xion. Hinapon na kami sa galaan. Ngayon ay pauwi na kami. Mabilis lang nang makauwi kami sa bahay. Hindi naman kasi traffic, ito ang pagkakaiba sa City. Nang makauwi ay natulog muna kaming tatlo. Nagising ako na madilim na ang paligid. Nakita kong tulog pa rin ang mag-ama ko. Hindi ko na sila inabala pa sa pagtulog at nagdesisyon na akong bumaba sa kusina upang magluto ng hapunan. Habang nagluluto, napatawag sa akin sa nanay via video call. May voice command ang cellphone ko kaya hindi ko na kailangang hawakan iyon para masagot ko ang tawag. “Hello, nay? Napatawag ka?” Nakita ko ang dalawang kapatid ko na katabi niya. “Anak? Anong ginagawa mo?” ang bungad ni nanay sa akin. Pinakita ko

