"God! What happened?" Iyon agad ang tanong na pumasok sa isip ko ng magising ako. Ang huling ala ala ko ay nasa kwarto pa ako ni Cupid. Pero ngayon nasa kwarto ko na ako. Naalala ko ang ginawa nito sa akin kanina. Hindi ko akalain na gagawin sa akin ng kapatid ko ang ginawa nito kanina. Nakakatakot din pala itong galitin. Napailing nalang ako. Napahawak ako sa sentido ko dahil yata sa gamot na pinaamoy nito sa akin at parang mahilo hilo pa ako. "Cupid!" Tawag ko at pilit na binubuksan ang pintuan ng kwarto. Pero nakalock. "Cupid, open this door! Cupid!" Kinalampag ko pa ang pintuan. "Cupid!" "Ma'am pasensyan na po. Pero bilin po kase ni Sir Cupid hindi kayo pwedeng lumabas." Sagot ng isang maid ni Cupid sa labas ng pintuan. "Manang, please. Palabasin nyo ako dito." Kalampag ko sa pi

