Aligaga ang pakiramdam ko ngayon dahil bulong bulungan dito ngayon sa oposina ay papalitan na si Mr. Alonso ng kanyang nag iisang anak.
Kinakabahan ako dahil makikita ko na naman siya. Hindi lang makikita kung hindi araw araw ko na siyang makikita at makakasama.
Natatakot ako na baka hindi ko magawa ng mabuti ang trabaho ko ngayon malapit lang siya.
Napasapo ako sa dibdib ko ng hindi ko namamalayan.
"Heart just calm down. It just him." Bulong ko. "Ay! Kabayo!" Tili ko ng gulatin ako ni Yam.
Kapwa ko secretary at ang nag iisang kaibigan ko. Hinampas ko nga siya ng folder na hawak ko.
"Huwag mo nga akong ginugulat! Aatakin ako sa puso sa ginagawa mo!" I hissed at her.
She just laugh at me and shrugged her shoulder like she don't care at all.
"Tense na tense ka kase bakla. Halatang halata ka." Natatawang sabi niya sa akin.
"Halata na bang masyado?" alanganin kong tanong.
"Ay, oo! Dinaig mo pa si Sir Gabriel sa kaba mo. Ikaw ang papalit na CEO?" biro pa nito sa akin.
I made a face.
"Paano ko gagawin iyon kung alam kong malapit na siyang dumating?"
"Chill, it's just pag ibig!" sabi pa nito.
Napasimangot nalang ako sa sinabi nito.
"Ano ito? Title ng movie? Sabunutan kita dyan!" sabi ko dito.
Tinawanan niya lang ulit ako at hinawakan ang dalawang kamay ko at winagwag.
"Just inhale. Exhale." sabi pa nito.
Nang hindi ko siya ginaya ay pinanlakihan niya lang ako ng mga mata.
"Gayahin mo ako." sabi pa nito.
Ginawa ko nalang din ang pinagagawa nito.
"Close your eyes. Then inhale. Exhale. Inhale. Exhale."
Kakapatol ko sa kapraningan ng kaibigan ko ay naabutan kami ni Mr. Alonso.
"Oh, Goodmorning ladies. Mukang tuwang tuwa yata kayo na aalis na ako ah?" Biro pa nito sa amin.
"Naku Sir. Excited na excited si Liway. Makikita na niya ulit ang a-" tinakpan ko agad ang bibig nito bago pa maibunyag ang sekreto ko.
"Naku Sir hindi po. Huwag po kayong nagpapapaniwala dito kay Yam. Hindi po kase siya nakapag agahan." dahilan ko. Tinawanan lang kami nito.
"Liway hija, you don't need to hide it from me. Alam kong may gusto ka sa anak ko." Walang paligoy ligoy na sabi nito sa akin.
"Po?"Nanlalaking mata na tiningnan ko ito.
"Hija, I know how you looked at my son. Infact, gusto kita para sa kanya. Pero ito lang ang ibibilin ko sayo. Huwag na huwag kang papauto sa anak ko." Seryosong sabi nito.
"Hindi naman po kase Sir." dahilan ko pa din.
Pasimpleng kinurot ko sa braso si Yam na ngingisi ngisi lang sa akin.
"Oh,siya siya. Go back to work. Any minute dadating na ang anak ko."
Tumango lang kami ni Yam at nagtuloy tuloy na ito sa private office niya.
"Bakit mo sinabi iyon kay Sir?" Sita ko kay Yam.
"Asus, kung hindi mo pa ako kaibigan. Mabanggit lang ang pangalan ni Sir Gabriel nagniningning na iyang mga mata mo." Dagdag pa nito.
"Yam naman!" Angal ko pa.
"Uy! Nagbablush siya. Saka narinig mo yun. Boto sayo ang Byanan mong hilaw!" Nakataas kilay na sabi pa nito.
"Huwag ka nga" I hissed. She just laugh.
I sighed. Wala na talagang atrasan. Kumpirmado na nga na si Sir Gabriel na ang hahawak ng kompanya. Napatingin ako sa salamin na nasa table ko.
Sino ba naman ang gugustuhin ako? I wore a very thick eye glasses. I have a full bangs. I always bun my hair.
I looked at my dress. Ang haba ng palda ko ay hindi lalagpas sa itaas ng tuhod ko. Kalahati yata ng binti ko ay nakatago. Kulang nalang ay saya ang isuot ko. Pati damit ko ay mahaba. Tago ang leeg at braso ko. I also wear braces.
In this office they called me names. Old lady, Witch, Miss Minchin, Betty Lapea etc. I don't care because they don't know my story. At lalong hindi naman sila ang nagpapasweldo sa akin.
Hindi rin naman ako pinagbabawalan ni Mr. Alonso. Nasanay na rin siguro dahil kulang isang dekada na rin akong nagtatrabaho sa kompanya niya.
Ang kompanya na rin na ito ang nagpatapos sa akin sa kolehiyo kaya malaki ang utang na loob ko sa mag asawang Alonso.
They never judge me based on how I looked and dress. As long as they are satisfied in my work.
Hindi ko maiwasang buksan ang online journal ko. My other source of income.
Dati normal na diary lang ito sa akin. Pero dumami ng dumami ang reader and because of that naging exclusive ang journal ko. I have my own website. Malaki ang kinikita ko dito.
But they don't know my real identity. Kahit ba sabihin ng iba na nakalathala ang buhay ko sa buong mundo. I don't care.
As long as marami akong naiinspired na mga tao. I will continue writing my journey in life.
Specially, my journey to my one and only love.
Dear My Angel,
I don't know what to feel or think right now. I know I should be happy because I will see him again. But I'm scared.
I'm scared that he might not like me, because of my looks. I know I'm not like the other girls that he used to be with.
I am not sexy as coke bottle. Not hot as hell nor gorgeous like the most expensive diamond on earth. But I know that I'm unique.
But who am I fooling around? Myself? A girl like me would never ever be notice of a man like him.
His just like a sky to me. I can always see it but it can't never be touch.
But dreaming is free. So just like the old days. I will just loving him from a distance. And always dreaming and hoping that someday he will notice me.
I sighed. My chest tighten because of it. Reality strike. No one would ever love me.
____________
I'm still sleepy going to the precious company of my father.
This is the day that I will be handling it. Ipapakilala na niya ako sa buong board na magiging kapalit niya.
Kahit na pinoproblema ko pa ang alaga ko kung paano mapapasaludo ulit ay uunahin ko muna ang kalayaan ko.
Hahayaan ko lang ang Papa ko sa kung anong gustong mangyari nito sa ngayon. Pero nasa akin pa rin ang huling halakhak.
Pagpasok ko palang sa building ay binati na agad ako ng mga empleyado.
Nginingitian ko lang sila. At ang mga babaeng empleyado ni Papa ay kinikindatan ko. Mukang hindi naman ako lugi. Makakapaglibang naman siguro ako dito kahit papaano.
Napapangisi nalang ako pag nakikita kong mamatay matay sa kilig ang mga ito.
Girls will always be girls. Napailing nalang ako.
Hindi ko naman itinatanggi na kung magpalit ako ng babae ay para lang akong nagpupunas ng tissue sa bibig.
Hindi ko naman sila masisisi dahil sa totoo lang gwapo talaga ako at kahit masakit aminin kamuka ko ang Papa ko.
My father is one fourth Filipino one fourth Spanish and the other half is Canadian. And I got his blue eyes. And I hate it!
Pero ngayon hindi ako makadiskarte sa mga babae because of my condition.
Two weeks na akong walang s*x life. And it freaks me out! And creep me out at the same time. Ginagawa ko naman ang lahat ng treatment na ibinigay sa akin ng doctor. Pero wala pa rin hanggang ngayon na nangyayari.
Napapailing nalang ako na pumasok sa office ni Papa. Sakop ng office nito ang isang buong floor ng building.
Napakunot ako ng noo ng mapansin ko ang dalawang secretary nito na binati ako.
I looked at them for a while. From head to toe. The one is okay. But the other one. Napahilot ako sa mata ko. Ang sakit tingnan nito sa suot na saya at naka turtle neck pa ito na long sleeve. She was also wearing a very thick eye glasses.
Napangiwi nalang ako at dumiretcho na sa office ng Papa ko. Nang pumasok ako ay matama na agad siyang nakatingin sa akin.
"You're late again Son." His still the same. Poker face.
"Come on, Pa. Chill. Kahit late pa ako ng ilang oras ako naman na ang bagong boss ng kompanyang ito." Nakangisi kong sabi.
"Oh, whatever Alfonso." winasiwas pa nito ang isang kamay.
Nagkibit balikat lang ako at umupo sa visitor chairs nito. Napangiwi na naman ako ng tawagin ni Papa ang dalawa niyang secretaries at pinapasok ito sa loob.
"Ms. Bartolome and Ms. Enriquez. Kilala nyo naman na sigurong dalawa ang anak ko, hindi ba?" Tanong nito sa dalawa.
Tumango ang mga ito. Nahuli kong nakatingin sa akin ang tinawag ni Papa na Ms. Enriquez. The lady with the Maria Clara outfit. Napangisi ako ng magiwas ito ng tingin sa akin. A certified virgin.
"Ms. Enriquez introduced yourself to my son." nakangising utos ng Papa ko dito.
"S-Sir?" Ulit nito kay Papa.
Sinenyasan lang ito ni Papa kaya nagsalita.
"I'm L-liwayway M-Magdalena Enriquez. I will be your executive secretary. I'm the one handling your meeting and commitments. While Ms. Bartolome here will be the one incharge in handling your papers and phone calls."
Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita. Napahilot ako sa sentido ko ng makita ko na nakasuot din ito ng braces.
"Pa, I don't want to be rude. But pwede bang mag palit nalang sila ng pwesto?" Tanong ko agad kay Papa.
Tiningnan niya lang ako. At pinalabas na agad ang dalawa niyang secretaries.
"What do you mean by that Alfonso?"
"Isn't clear. I don't want her to be my executive secretary. Looked at her. She's. She's." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko because I can't find a right word for it.
"She's okay. But not really. She look like an old lady na kulang sa sex."
"Gabriel Alfonso!" My father hissed at me.
"What?" Maang kong baling dito.
"You don't know her. Kulang isang dekada na dito si Liway na nagtatrabaho and she was really efficient when it comes to work. Hindi naman siya ang haharap sa mga clients and investors kung hindi ikaw. She's just beside you taking some notes." Paliwanag sa akin ni Papa.
"That's it Pa. Makikita siya ng mga clients and investors. Ang sakit niya sa matang tingnan. Look-"
Pinutol ni Papa ang iba ko pang sasabihin ng dumadagundong nitong boses.
"Gabriel! Ganyan ka ba pinalaki ng Mama mo? Don't judge a person based on how they looks!" Napailing pa ito.
"Hindi magugustuhan ng Mama mo ang mga naririnig niya tungkol sa paborito niyang empleyado ko."
"What? Paborito ni Mama ang kalahi ni Betty Lapea?" Pang iinis ko pa kay Papa.
"Gabriel Alfonso Alonso Jr.!" Dumadagundong ang boses ni Mama sa phone na naroon.
Napamaang akong nakatingin kay Papa. He just grinned at me and leaned on his seat.
"Hindi kita tinuruan na mang mata ng kapwa mo! Ano itong pinagsasasabi mo ngayon!?"
Napangiwi ako sa tinis ng boses ni Mama. Sinamaan ko lang ng tingin ang magaling kong Ama. Naisahan ako nito. Alam na si Mama ang kahinaan ko. Sukat at kanina pa pala nakikinig sa usapan naming mag ama sa kabilang linya si Mama.
"Ma, I didn't mean to say those word. Pero did you see her? She look like an old lady." Katwiran ko pa.
"So? Anong masama sa suot niya. Baka pag nakita mo ang tunay na si Liway tumulo ang laway mo." sabi pa ni Mama.
"Ma, walang lalaki ang tutulo ang laway pag ganyang itsura ang makikita."
"Oh, huwag kang magsalita ng tapos Alfonso. Baka kainin mo lahat ng sinabi mo." singit ni Papa.
"Huwag kang sumingit sa usapan namin ng anak mo Alfonso Senior." sabi ni Mama kay Papa.
"Oh, sorry Honey!"
"Gabriel, gusto ko si Liwayway lang ang executive secretary mo at siya lang rin ang pinagkakatiwalaan ko. Ayokong maakit akit mo ang secretary ng Papa mo. Naku Gabriel malilintikan ka talaga sa akin!"
"Ma, what's the thrill in this office kung walang babae?" Hirit ko pa.
"Gabriel I'm serious here!" My mother hissed.
"Okay honey, just calm down." Singit ulit ni Papa.
"Naku pagsabihan mo iyang anak mo Gabriel Alfonso Alonso Sr."
Nakita kong napangiwi nalang si Papa ng banggitin nito ang pangalan niya. Iiling iling akong lumabas ng office niya. Because I hate to hear those sweet words from my father. Kinikilabutan ako.
Kakamot kamot ako sa ulo ng lapitan ko si Liwayway.
"Damn! Liwayway? What kind of name is that?" Bulong ko.
"Liway right?" Tanong ko dito ng makalapit ako.
Sunod sunod itong tumango. Napangiwi na naman ako.
"Just guide me where is the conference room. I want the meeting to start. ASAP!" Tumango ulit ito.
"And you!" turo ko sa katabi nito. "What's your name?"
"Yam nalang po Sir"
"Just tell him na sumunod nalang sa conference." tumango ito.
"And you!" turo ko kay Liway.
Napapitlag ito. Siguro ay nagulat. Napahilot na naman ako sa mga mata ko.
"Let's go to the conference room. Now!"
Gusto kong matawa ng mataranta ito bigla. Ow, I have an idea. Mukang hindi naman ako maiinip dahil may mapapaglibangan naman ako kahit papaano. Iyon ay ang tarantahin ang paboritong secretary ng Mama ko.
________________
I'm signing some papers ng makareceive ako ng video call from Emperor.
In on ko agad ang malaking tv screen sa office ni Papa at doon ay agad kong nakita ang seryosong muka ng kaibigan ko.
"Yow!" Nakangising bati ko.
Hindi pa man ito nakakasagot ay tumatawag naman si Hermes. Kaya sinagot ko rin.
"Anong meron?" Tanong agad nito sa amin. Inginuso ko si Emperor.
"I want you to two to full some string." Bungad nito agad.
Umayos ako ng upo at sumeryoso. Hindi hihingin ng tulong sa amin ang Emperador kung hindi seryosong bagay. It was something.
"What is it?" Sabay naming tanong ni Hermes.
"Cassandra already revealed herself in front of the media. And now she was already the flavor of the month. I want you Gab to minimize the issue. Alam kong hindi natin mawawala ang issue. Just minimize it. And you Hermes to protect her private information. You know what I mean."
Agad kong binuksan ang laptop na nasa table ko at tiningnan ang sinasabi nito.
I sighed. "What is she thinking?" Seryosong tanong ko.
"I don't know. Hindi ko pa siya nakakausap. That was happened last night on her fashion show. And now, sabi ng mga body guards ko pinagkakaguluhan si Cassandra sa botique niya."
"Sabagay, kahit sinong reporter magkakainterest sa buhay niya. She's gorgeous and sexy. Plus the fact that she is single." pang aasar ko kay Simon.
"She's not single! I'm going to be her boyfriend!" he hissed.
"When?" Asar ko pa rin.
Nakita kong napailing nalang si Hermes.
"Soon!" He hissed.
"Baka kamo basted ka na naman!"
Nakatikim lang ako ng katakot takot na mura dito na tinawanan ko lang . Kahit kailan napakapikon nito. Napakaikli ng pasensya nito.
"And one more thing Gabriel. Tell the press that I am her boyfriend. f**k you!" Sabi pa nito.
"Oo na. Oo na." Sabi ko nalang ng matigil ito.
"Hermes, I'm counting on you. And please bring some security on her house and in her shop. I want her to be safe." Bilin nito kay Hermes.
"Considered it done Emperor." sagot ni Hermes.
"Iba na yata yan Emperor!" Hirit ko pa.
"f**k off Gab! I'm counting on the two of you." iyon lang at bigla nalang itong nawala.
"Hermes, what got into his head this past few weeks?" Di ko maiwasang itanong kay Hermes.
"Can't you see. The Emperor is inlove with that lady."
"Weh?" Sabi ko pa. Hermes just made a face.
"If you don't want to believe it then don't. Wala naman pumipigil sayo." Masungit na sabi nito.
"Chill. Nagsalita ka nga ng mahaba napakasungit mo naman. Kulang ka sa s*x noh? O kulang ka sa pagkain?" Sabi ko pa dito.
"Gago!" And he gave me a middle finger at nawala na rin sa screen.
I sighed. I need to do what the Emperor wants.
Nagtataka lang ako ngayon. As far as I remembered. He is not serious with that woman. He's just thrill about the idea na may tumangi sa kanyang babae. But now. Looking at him. He will do everything for her. I think Emperor got into a big mess.
I called my secretary at wala pa man ilang segundo ay pumasok na ito.
Napahawak nalang ako sa nuo ko. Kahit ilang linggo ko ng hawak ang kompanya ng Papa ko ay hindi ako masanay sanay sa get up nito. Pero buti nalang at naka slack na ito hindi katulad dati na kulang nalang ay saya ang isuot.
Sinabi ko dito ang mga dapat gawin at kung sino ang dapat kausapin. Tumango tango naman ito at isinusulat lahat ng bilin ko sa hawak nitong notes.
"Would that be all Sir?" Tanong nito sa akin.
"Yes, you may go now!" sabi ko dito.
Tumalikod naman agad ito pero pagkatalikod niya ay nahulog ang ballpen na hawak nito. Hindi ko sinasadya na sundan ng tingin ang galaw nito pero napatingin ako sa pwetan niya.
Gusto kong mapasipol when I noticed her sexy ass. May maganda naman pala sa babaeng ito at hindi lahat ng bagay ay masakit sa mata.
Napatayo pa ako ng pakiramdam ko ay nabubuhay ang alaga ko. Napabalik ako ng tingin sa tinitingnan ko hanggang sa makalabas ito.
"Putcha! Bakit mukang siya pa?" I hissed to myself.
Sa dinami rami ng babae bakit mukang siya pa yata?
Maghapon kong pinaasikaso ang itinawag kanina ni Simon. Agad agad na presscon para kay Cassandra. Hindi pwedeng baliin ang utos ng mahal na pinuno.
Napagod lang ang tenga ko sa kakatawag ng mga taong alam kong makakatulong dito. Si Liway naman lahat ang pinag asikaso ko. Kasama nito ang executive assistant ni Simon na si Arthuro at pati secretary ni Tita Corset.
Napangisi nalang ako sa isipan ko ng na iimagine ko ang itsura ngayon ng paboritong secretary ni Mama. Haggard na haggard. Hindi na masama at may libangan ako.
Nang hindi ako makatiis. I went out of my office to have a surprise visit in every department. Napakunot nuo pa ako ng makita kong punong puno ng bulaklak ang table ni Liway.
I shrugged my shoulders. Siguro sa isang secretary ko at inilagay lang sa table ni Liway. Sinong matinong tao naman ang magbibigay ng bulaklak sa babaeng kalahi ni Betty Lafia?
Napabaling ang atensyon ko ng mapadaan ako sa HR department ng mukang hindi ako napansin ng mga ito na dumating.
May pinagkakaguluhan kase ang mga ito. Pasimple akong lumapit at inagaw ang cellphone na hawak nito.
"Sino ba-" hindi na natuloy ng may ari ng cellphone ang magsalita ng makita ako.
"K-kyo pala Sir!" kandautal na sabi nito sa akin.
"Hindi ako ito. Konsensya mo lang." I smirked.
Napalunok ito at nagyuko ng ulo. Nagsiayos naman ang iba pa nitong mga kasama.
"Anong pinagkakaguluhan nyo sa dis oras ng trabaho? Pinaswesweldo ba kayo ng kompanyang ito para magchismisan?" Kunot na kunot nuo na tanong ko.
"No, Sir!" Sabay sabay na sagot ng mga ito.
Ayokong ayoko pa naman sa lahat iyong mga tamad at wala namang ginagawa. When it comes to work I was very damn serious about it.
"That's it! So what is the meaning of this?" Saka ko itinaas ang phone na hawak ko.
Walang nagtangkang sumagot sa mga ito.
"Speak!" Dumadagundong ang boses ko sa buong department.
"Walang magsasalita? Okay, madali naman akong kausap. All of you are fired!"
"Sir, huwag naman po. Tinitingnan lang po namin iyong picture. Hindi po kase kami makapaniwala na si Liway-"
"Liway? My Maria Clara na secretary?" Lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo ko.
"Yes, Sir." sabi ng Head ng HR.
"What about her?"
"Nandyan po sa cellphone ko." turo nito sa cellphone na hawak ko
Ibinigay ko iyon dito at may pinindot lang ito ay ibinigay na sa akin.
Kunot na kunot naman ang nuo ko ng tingnan ko ang picture. Gusto kong mapamura ng makita ko ang picture.
"Where did you get this?" Tanong ko.
"A-Aksidente lang po iyan sir. May dinala lang akong mga papers sa bahay niya na kailangang kailangan nyo daw. Tapos aksidente na may nagdeliver sa kanya. Hindi ako makapaniwala na siya iyan kaya panakaw na kinuhanan ko siya ng litrato." paliwanag nito.
"Alam mo ba na pwede kang kasuhan sa ginawa mo?" Pananakot ko dito. Hindi naman ito nakakibo.
"Sino sino na ang merong kuha nito?" Tanong ko.
"Accounting at HR Department palang po." Tumango tango ako.
"Tell them to delete it! Oras na makalabas ang picture na ito. I will fired and sue all of you. Understood?"
Sunod sunod naman nagsitango ang mga ito.
"All of you! Go back to work!" I hissed at them.
Paalis na ako ng tawagin ako ng head ng HR.
"S-Sir, iyong phone ko po?" Alanganing tanong nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at tuloy tuloy na lumabas ng department at dumiretcho agad ako sa office. Nang nasa office na ako ay tiningnan ko ulit ang picture na nasa cellphone. Hindi ako makapaniwala na si Liway ang nasa litrato.
Damn! The woman in the picture was totally hot and gorgeous. Gusto kong mapangisi ng bahagyang gumalaw galaw ang alaga ko.
"Man! Welcome back! Konting tiis nalang gagaling ka rin."
Masayang masayang sabi ko. Nasa malapit lang pala ang sagot sa problema ko. I evilly grinned.
"Liwayway Magdalena Enriquez, huh?"
Saka ako tumawa ng nakakaloko.
"Simon may bayad itong ginawa mong pangangarag sa akin." sabi ko kay Simon kahit hindi naman ako nahirapan.
Kanina pa ako angal ng angal dito dahil kung sino sino kase ang pinatatawagan nito sa akin. Pinapunta pa ako nito sa pag gaganapan ng press con.
"Kanina ka pa angal ng angal Gab. Oo at babayaran kita. Name your price." masungit na sabi nito sa akin.
"You know I don't need your money. I'm rich enough." pagyayabang ko.
He smirked. "Then what do you want?"
"Pinag iisipan ko pa. Don't worry makakabawi ka rin sa akin." saka ako tumawa. Napailing nalang ito at si Hermes.
"How about you Hermes. What do you want?" baling nito sa tahimik na si Hermes.
"Except from guns, of course!" dagdag ni Simon.
"You know what I want Emperor." Seryosong sagot nito.
"Ano? Pagkain na naman?" nakangising sabad ko sa usapan. Hermes and Simon made a face.
Nakita kong nagbulungan pa ang dalawa at mukang seryoso ang pinag uusapan.
"Baka gusto nyo akong isali sa bulungan nyong dalawa?" sarkastikong tanong ko sa mga ito.
"Huwag na, pang gulo ka lang." sabi sa akin ni Hermes.
"Duh! Nagsungit na naman ang matandang binata. Palibhasa may lumot na iyang iyo. Kulang sa s*x!" asar ko dito.
"Atleast I still have an erection. How about you?" balik asar sa akin ni Hermes.
"Hermes don't worry malapit na ulit makibaka ang alaga ko. I already found my mate."
Nagkatingin si Simon at Hermes when I gave them my signature grin. They both knew what does it mean.
"Don't you think Gab it's time for you to settle down?" biglang tanong sa akin ni Hermes. Natawa lang ako.
"Not in my dictionary man! Never!"
"Baka kainin mo iyang sinabi mo."
Nabaling lang ang atensyon ko ng makita kong papalapit sa amin si Liway.
"Goodevening Emperor. Sir Hermes." bati nito sa dalawa kong kaibigan.
"Already done?" Tanong ko dito. Tumango ito.
"Good. Now, wait 'till this press con was over. Just take your dinner first." utos ko.
Tumango lang ulit ito at walang salita na tumalikod. Tinitigan ko itong mabuti. Sinong mag aakala na ang isang Martha Hunt ay nagtatago sa katauhan ni Liway The Maria Clara?
I smirked. Wala pa akong nabubuong solidong plano para dito. I'm still thinking. Dahil alam kong hindi ko basta basta makukuha ito ng ganun ganun lang.
"Gabriel, I know that look." bulong sa akin ni Hermes at kay Liway nakatingin.
"What?"
"You're planning something. Not her. Alam mong magagalit sayo si Tito Alfonso. Lalo na ang Mama mo pag iyang si Liway ang nawala." seryosong sabi nito sa akin.
"I am not planning anything. Masama na bang tingnan si Liway?"
"Oh, cut that crap! Don't make her your mate." bulong din sa akin ni Simon.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. This is the first time na pinakialaman nila ako tungkol sa isang babae.
"You make me laugh Emperor. Look at her!" sabay turo ko pa sa nakalayo nang si Liway.
"She looked like Betty Lafea with the twist of Maria Clara. Tingin nyo gugustuhin ko siya? And you two know that I hate virgin. They are really clingy."
"You're so judgemental Gabriel. She's the type of girl that is for keeps." sabi ni Hermes.
"Talking thru experience Hermes, huh?"
Sinamaan ako nito ng tingin. I will never back down. Nagsukatan kami ng tingin. Pumagitna na sa amin si Simon ng mahalata nito na may namumuong tensyon sa pagitan namin.
"Okay, guys. That's enough."
"Give me a call if you need anything Emperor. I better leave." paalam ko dito.
Tuloy tuloy akong lumabas ng function hall at agad na hinanap ko si Liway. Hindi naman ako natagalan at natagpuan ko itong nakaupo sa lobby ng hotel.
"Ms. Enriquez!" tawag ko dito ng makalapit ako. Agad itong tumayo ng tawagin ko.
"Sir?" Inayos pa nito ang malaking salamin sa mata.
"Let's go"! nagpatiuna na akong lumabas ng hotel.
Now, I have a better idea. I will taking it slow. Katulad ng ginagawa ni Emperor kay Cassandra.
Sinulyapan ko ito. Pinipigil ko ang mapangisi ng pasadaan ko ang kabuuan nito.
"You better prepare!" bulong ko.
Kung baga sa bunga kailangan kong maghintay para mahinog.