"Hey Quynh, bakit ang pula-pula ng magkabilaang pisngi mo? May lagnat ka ba?" Kunot noong tanong ni Issac at ako ay nilapitan pa. Mabilis naman akong umatras at sinapo ang magkabilaan kong pisngi. "Don't come near me. I don't have a fever or cold okay? Sadyang mapupula lang talaga ang pisngi ko," depensa ko at sinamaan ito ng tingin. Umarko ang kilay ni Issac na tila ba'y hindi naniniwala sa mga salitang namumutawi sa labi ko. Ang ayaw ko lang naman ay ang magtanong pa ito dahil baka maungkat pa ang nangyari sa panaginip ko, and knowing Issac kahit panaginip pa 'yon ay paniguradong mang-iinit ang ulo nito. "There's something fishy about it Quynh..." "Because you smells like fish!" I shouts in Issac's face before turning back to our tent. Nadatnan ko roon si Naisha na abala sa pag

