Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi ng makitang walang malay si Zacchaeus. Hindi ko naman sinasadya na ito ay batuhin, sadyang nagulat lamang ako. Ano ba kasi ang ginagawa ng isang 'to rito? Hindi ba't kausap siya ng aking ama? At hinabilin ko na rin kay Issac na huwag itong papapasukin pero ito'y nakalusot pa rin. Pero sandali, hindi kaya hinayaan ito ni Ava? But she promised me that she won't let Zacchaeus enter too! Mabilis kong isinuot ang aking roba at naupo sa tabi ng walang malay na si Zacchaeus. Wala naman akong nakikitang dugo sa noo nitong tinamaan ko ng perfume bottle, and that makes it more dangerous kasi baka mamaya internal bleeding ang nangyayari. Magiging kriminal na ba ako? Huwag naman sana. I bite my lower lips as I shakes Zacchaeus shoulders repeatedly. "Z

