Episode 54 Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang niloloko lang pala ako ni Brent. Na ang lahat ng pinakita niya sa akin ay pakitang tao lamang at utos sa kaniya ni Cludette. Pero bakit dati ang sabi ni Leroy anak nila ni Cludette iyon. Tapos ngayon itinatanggi niya!? Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Kaya kailangan ko talagang makausap si Brent! Gusto ko sa kaniya ko mismo marinig ang mga sagot sa katanungang gumugulo sa aking isipan. Ang hirap lang paniwalaan na ang itinuturing ko na kaibigan ay ginagamit lang ako dahil iyon ang gusto ng mahal niya! "Kanina ka pa tulala. May problema ba anak?" Tanong ni Inay at tumabi sa akin. Nasa bahay ako ngayon. Sina kuya at itay ay pumasok na sa kanilang bagong trabaho. Umiling ako. Hindi ako sanay na nagsasab

