Episode 52 "Miss, pwede ko po bang malaman kung saan naroroon ang room ni Leroy Buenaventura?" Tanong ko sa nurse. "Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong nito sa akin. "Ako yung kaibi... girlfriend niya. I'm his girlfriend." Ngumiti ako para hindi mapagkamalang nagsisinungaling. I tried my best to hide it. Nangunot pa ang noo ng nurse bago sinabi sa akin kung saan ang room ni Leroy. Hindi siguro makapaniwala na nobyo ko ang isa sa pinakamaimpluwensiyang tao. Lalo na sa industriya ng business. "Anna," Napatingin ako sa lugar kung saan may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Andrea. "Andrea," "Anna, mabuti at nakarating ka." "Ano ba ang gusto mong sabihin?" Tanong ko. Tiningnan ko ang hawak niyang plastik. "Pagkain to," Sinabi niya sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa

