Episode 36 Mabilis na lumipas ang araw. Sa tuwing nakikita ko si Leroy na sinusundo si Cludette sa department namin at kung maghalikan sila kung magkikita na akala mo walang nakakakita sa kanila ay nagpapasakit sa dibdib ko. Bakit kailangan pa nilang ipamukha sa akin na sila na!? Bakit kailangan nilang ipamukha sa akin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa!? "Napag-usapan na natin ito, Anna. Titigil ka sa trabaho mo at magpapahinga nalang pag apat na buwan na ‘yang pagbubuntis mo." Ani Brent. "Brent, natatakot ako. Paano kapag nagalit sa akin sina Inay kapag nalaman nilang buntis ako? Paano kung..." "Shhh. I'm here. Hindi kita pababayaan. Hindi kita iiwan. Huwag kang matakot kasi hindi ka nag-iisa. Kasi nandito ako lagi, para sa ‘yo. Nandito kaming dalawa ni Belen," "Promise?" I ask

