Episode 38 "Anna!" Napalingon ako sa aking likod nong may tumawag ng pangalan ko. Si Brent! Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata at ngumiti. "Brent..." Tumigil siya sa pagtakbo at humarap sa akin. Hinihingal pa siya kahit na nakangiti. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid namin. Kahit ang ingay na nanggagaling sa mga iba't ibang klaseng sasakyan sa paligid. "You're here." Sabi ko at mas lalong lumawak ang ngiti. "Kapag sinabi ko. Gagawin ko. Ikaw lang ang choice ko, Anna. Wala ng iba." Pakiramdam ko isa ako sa maswerteng babae dahil may isang taong nagpapahalaga sa akin. "Akala ko galit ka sa akin." "Galit? Ako? Bakit mo naman nasabi?" Natatawa niyang tanong. "Lately kasi parang iniiwasan mo ako." "Oo nga e. Pero hindi ko pala kaya. Hindi kita matiis."

