Episode 23 Sobra ang aking kaba habang paakyat kami sa taas. Nandoon daw kasi ang kaniyang Inay. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "You're shaking," natatawa niyang saad pagkahawak niya sa kamay ko. "Kinakabahan ako Leroy, paano kung hindi ako magustuhan ng Inay mo? Paano kung ayaw niya sa akin paano kung.." pinatong niya yung hintuturo niya sa labi ko para pigilan akong magsalita. . Hindi mawala ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa akin. "Shh... don’t say that. Magugustuhan ka ni mom kahit na ano pa ang mangyari. Okay? Trust me." At saka ano naman kung hindi ako magustuhan ng mom n’ya para sa kaniya? E acting lang naman namin ‘to. Nagpapanggap lang akong girlfriend niya. Binuksan niya ang isang pinto at pumasok kami doon. Tahimik ang loob ng kwarto. Mas lalo ako

