Episode 15

910 Words

Episode 15 Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko kanila Inay para maniwala sila na hindi ko nobyo si Leroy. "Anna anak, hindi naman kami magagalit ng tatay mo kung nobyo mo itong binata na 'to. Nasa tamang edad ka na." Bakit ba nila ako pinipilit na nobyo ko si Leroy? Sabi na kasing hindi. "Inay, hindi ko ho siya boyfriend. Ilang beses ko pa po bang sasabihin sa inyo 'yon!" "Anak, hindi mo kailangan na ikaila sa amin ang iyong nobyo. Tingnan mo siya, nalulungkot dahil itinatanggi mo na siya ang nobyo mo." Sabi ni Itay. Wala na akong nagawa. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko at tiningnan si Leroy. Bakit ganyan ang hitsura niya? Akala mo natalo sa lotto at.... "Anong arte 'yan, Sir?" Bulong ko sa kaniya. “Hindi ko iisiping tinawag mo ‘kong sir, so I wont get mad.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD