Around eight ng umaga dumating si Harley kanina. Sobrang aga, tulog pa nga ako ng dumating siya. Ginising ako ni Nanay kanina, pero inaantok pa talaga ako kaya hindi ako bumangon. Nagulat na lang ako kasi boses na ni Harley ang narinig ko na gumigising sa akin. Harley: wake up my beautiful sleepyhead! Napabangon talaga ako ng marinig ko ang sinabi niya, pero hindi ko naman magawang magsalita. Unang-una shock ako. Pangalawa, kakagising ko lang at hindi pa ako nakakapag-toothbrush. Hiyang-hiya talaga ako kanina, napatakbo na lang tuloy ako papasok sa banyo. Mabuti na lang din, pajama at t-shirt na maluwag ang suot ko. Before nine nakapag-ayos na ako ng sarili ko at sa sala na niya ako hinintay habang nakikipag-kwentuhan sa tatay ko. After naman namin magsimba nag-decide kaming dalawa na

