Matapos niyang mahatid ang babae sa tinutuluyan nito ay agad itong dumeretso sa presyento dahil pinatawag sya ng kanilang hepe dahil sa certain assignments. Binigay sa kanya ang imbestigasyon sa kaso tungkol sa pagkamatay ni Atty. Villegas noong nakaraan at ang kaso ng Villaroses Massacre.Naghihinala ang kanilang hepe na ang pagkamatay ni Atty. Villegas ay may kinalaman sa nagyaring m******e sa Pamilyang Villaroses. Isang mayamang angkan ang Villaroses sa Norte de Cadia, malayo ang lugar na ito. May taong humahawak sa kaso ng Villaroses pero mabagal ang imbestigasyon dahil sa kakulangan ng mga impormasyon. Lahat ng myembro ng pamilya nila ang pinatay noong nakaraang taon at si Atty Villegas ay secret family lawyer ng Villaroses. Possibleng pinatay si Atty. Villegas dahil sa ari - arian ng mga Villaroses at iyon ang dapat nyang tuklasin. Sa dami ng sumasagi sa isip ni Theo ay hindi ito dalawin ng antok kay tumayo ito at pumunta sa library ang inumpisahan na pag iimbestiga tungkol sa Villegas Murder at Villaroses m******e. Tinipa niya sa laptop ang pamilya Villaroses. Nag search siya ng mga balita o featured tungkol sa kanila. Natuon ang pansin nito tungkol sa headlines ng m******e, pinatay matandang Don Philip Martin Villaroses Sr. at kanyang asawa Martha, ang anak na si Philip Martin Villaroses Jr. at ang asawang Cecilia Camino - Villaroses pati ang kanilang mga anak na si Philip Marthy Villaroses, asawa at anak, at bunsong anak na si Philip Martin Villaroses III na 21 years old. Nang matapos basahin ang article ay sinipat nito ang envelope na binigay sa kanya ng kanilang hepe. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tiningnan ang laman. Mga litrato ito ng mga Villaroses, inisa - isa niya itong binusisi ngunit isang lumang litrato ang naka - agaw ng kanyang pansin. Ang lumang litrato ng pamilya, sa petsa na nakalagay sa litrato ang talagang matagal at luma na ito. April 3, 2001 ang petsa na nakasulat doon at nasa 20 years na ang nakalipas. Ang mga nasa litrato ay si Don Philip Martin Sr. at ang asawa nitong si Donya Martha, ang kanilang kaisa - isang anak na si Philip Martin Jr. kasama at kanyang asawa at tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Napa - isip si Theo dahil sa balitang m******e ay dalawa lang ang anak ni Philip Martin Jr. at puro lalaki. Malaking palaisipan sa kaya kung sino at saan ang batang babae na nasa lumang larawan ng pamilya. Kinuha niya ang kanyang planner para e schedule ang kanyang pagpunta sa Norte de Cadia. Tutuklasin niya kung sino ang batang babae at kung nasaan na ito ngayon.
Saktong palabas na nag building si Iyah kung saan sya nagta - trabaho at may tumigil na puting d-max sa harapan niya at bumaba ang makisig na lalaking naka -green camouflage na uniporme. "Tara na." saad nito.
Halos lahat ng mga officemates niyang nakakita ay nahulat at nagtaka kung sino ang biglang sumundo sa kanya dahil wala namang sumusundo sa kanya. Maging ang close niyang si Ann ay nagtaka rin. Tiningnan sya nito na halatang nagtatanong kung sino ang lalaki ngunit hindi nya ito pinansin.
Umiling ang babae bilang pag - ayaw.
"Sasakay ka o bubuhatin kita." ma otoridad na sabi nito.
"Anong problema mo?" Walang muwang na tanong nito.
"Hinahanap ka ni Mama." sabi nito.
Saka niya naalala na nangako pala sya sa ina nito na dadalawin. Halos mag - isang buwan na nang mula sya ay nakitulog sa bahay nito. Kibit balikat itong sumakay sa kotse. Kumaway lang ito sa kaibigan bago tuluyang pinaharurot ng lalaki ang sasakyan.
Medyo mahaba - haba na kanilang biyahe ay wala silang imikan sa loob ng kotse. Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan. Nilingon sya ng lalaki ngunit hindi niya pinansin habang nakanguso.
"Ang haba ng nguso mo." puna ng lalaki kaya umayos sya.
"Eh bat kasi bigla ka na lang darating at sapilitan akong pinapasakay sa kotse mo." diin nya.
"Nag - promise ka kay mama na dadalawin mo daw siya noong nakaraan. Kinukulit ako." wika nya.
"Pasensiya. Busy lang."sagot nito.
"Hmmmmp....." tanging sagot ng lalaki.
Hindi na sya sumagot sa lalaki. Pumikit na lang sya at upang magkunwaring tulog. Ang sungit talaga ng mukong, sa loob - loob nito.
Maya - maya ay narinig nitong pumito ito kaya dumilat sya at inayos ang sarili. Sa pintuan ng kanilang mansyon ay naka - abang ang ina ng lalaki at maluwag ang ngiti.
Nang bumaba sila sa kotse ay sinalubong sya ng ginang at yumakap ito sa kanya. "Iha." sabi ni ginang Saavedra.
"Hi, tita." sukli nito at yumakap rin dito.
"Bakit ngayon ka lang? Hinihintay kita." wika ni ginang Saavedra.
"Sorry po tita ngayon lang po ako nakapunta. Medyo busy po sa trabaho." sabi nya.
"It's okay. You are here now. Halika ka sa loob, doon na tayo magkwentuhan." yaya ng babae sa kanya. Hinawakan pa sya sa kamay ni Mrs. Saavedra. Nilingon niya si Theo, ngumiti ito sa kanya sinuklian nya iyon ng maliit na ngiti bago sumunod sa dalawang babae.
Sa sala sila dumeretso, umupo sila ni Mrs. Saavedra sa mahabang sofa na magkatabi samantalang sa pang isahang couch naman si Theo. Pinapanuod at nakikinignlang sa usapan ng dalawa.
"Kamusta ka na, iha? Hindi ka ba pinapasakit ng aking anak ang ulo?" tanong ni Mrs. Saavedra sa kanya.
Tumingin muna si Iyah sa kinaruruunan ni Theo dahil nag aalinlangan itong sagutin, nakatingin lang ito sa kanya at blanko ang mukha ng lalaki.
"Ah...., hi - hindi na-naman po tita." utal na sagot nito.
"Mabuti naman kung ganon. Pag nalaman ko lang talaga na aawayin, sasaktan at paiiyakin ka nitong anak ko." lumingon ito kay Theo. "Hay nako, kahit anak ko 'yan hindi ko kukunsintihin." seryosong wika ng ginang.
"Syempre, hindi ma." ang lalaki ang sumagot at tumayo sa kinauupuan patungo sa kanya. "Hindi ko gagawin sayo yun, honey." sabay halik nito sa noo ng babae sa harap ng ina. "Bihis lang ako, honey, ma." pagka sabi ay umakyat na ito.
Sinunod na lang nya ng tingin ang lalaki. Bakit nya ako hinalikan sa noo ng mukong na yun? sa loob - loob nito. Pero ang bago at lalong sya gwumapo sa camo green na uniporme. Dugtong ng isip niya. Naputol lang ang kanyang pag - iisip ng dahil may sinabi ang ina nito.
Doon na nag hapunan si Iyah dahil gusto ng mama ni Theo na maka bonding pa sya. Simula ng dumating ito hanggang sa matapos silang kumain ay hindi tumitigil so Mrs. Saavedra ng kwento sa kanya. Sa dami ng kwentuhan nila ay inabot na sila ng alas 11 saka nila namalayan ang oras. Dahil late na ng gabi ay hindi na sya pinauwi ng ina ni Theo.
"Andito ka na matulog,iha. Late na din." sabi ni Mrs. Saavedra sa kanya.
Walang siya maisasagot na palusot sa ginang at hindi nya rin masagot ng deretso ang ina ni Theo kung bakit hindi pwedeng makitulog doon dahil malamang sa kwarto na naman sya ni Theo patutulugin nito.
"Ah..." akmang sasagot na sana sya.
"Huwag ka nang tumanggi, iha. Sooner or later magiging bahay mo na rin ito. And beside, ano naman ngayon kung mauuna ang apo ko kaysa kasal, diba?" mahabang wika ng ginang.
Napaismid siya sa sinabi ng babae. Giatay. Sa loob - loob nito. Napalunok sya ng lalamunan dahil hindi na nya alam ang talagang isasagot sa ina ng lalaki kaya minabuti na alng nyang e change topic ito. Hindi naman siguro gagawa ng kalukuhan ang mukong na yun kahit pa sa kwarto ako ni matulog ulit. Binaling ni Iyah ang atensyon ng ginang at dahil naaasiwa ito sa mga sinasabi ng ginang. Ano kaya sasabihin nito pag nalaman na hindi naman pala totoong nobya siya ng anak. Sinabi lang iyon ng lalaki dahil wala itong pwedeng pagdalhan sa kanya noong nalasing siya. Napakagat ng labi si Iyah dahil nakokonsensiya sya. Niloloko namin ang mama nito na may relasyon kami ngayong wala naman.
Hindi mapakali si Iyah hanggang sa nakahiga na ito sa kama sa loob ng kwarto ng lalaki. Wala roon ang lalaki dahil ang sabi ng mama nito ay nasa library pa ito ng mansyon at nagtatatrabaho. Inaayos at inaasikaso nito ang kanilang negosyo. Iniisip ni Iyah paano napagsasabay ni Theo ang trabaho bilang pulis at pag - aasikaso ng negosyo nila.
Nagulat pa si Iyah ng pumasok sa kwarto ang lalaki.
"Oh, nagulat ka ata na pumasok ako, honey?" tanong ng lalaki.
"Don't call me honey." sagot nya.
Hindi sumagot ang lalaki bagkos tumingin lang ito sa kanya na parang pinag - aaralan ang buong katawan. Nakaputing tshirt lang sya at halatang wala syang suot na bra at naka cycling na black. Nakita niya kung paano sya tingnan ng mga mata ni Theo kaya bigla niyang tinakpan ng mga kamay ang kanyang dibdib.
"Anong tingin - tingin mo? Lumabas ka na kaya." sabi nito sa lalaki.
Tumawa konti ang lalaki. Lumapit ito sa kanya, inilapit ang mga bibig sa taenga nito "This is my room, honey. I can do whatever I want." bolong ng lalaki sa kanya. Dahil sa inis sa sinabi ay tinulak niya ang lalaki pero walang nagawa ang lakas nya sa lakas ng lalaki kaya imbes na matumba ay ng smack kiss ang lalaki sa kanyang labi.
Humalaklak sa tawa ang lalaki patungo sa banyo habang iniiling ang ulo. Naiwang nakatulala naman sa kawalan si Iyah.