OCCUPATIONAL HAZARD

1641 Words
"Magsalita ka! Alam mo diba?! Alam mo! Pero bakit wala kang sinabe? Jim alam mong patay na sya" nanginginig ako sa galit dahil sa nalaman ko "Oo alam ko, matagal na. Dahil ako ang pumatay sa kanya" walang emosyong saad nya Napaupo ako sa kama ni Jim at naitakip ang mga kamay ko sa mukha ko "First and foremost we are hired killers Monique, and you of all people, should know the hazards and consequences of this job" tumingin sya sa kisame at isinuklay ang mga daliri sa buhok nya "Yeah, I know" mahina kong tugon Malungkot at masakit pero wala naman kaming magagawa dahil ito ang pinili naming buhay Umupo sya sa tabi ko at niyakap ako "Sorry. Umiyak ka kung kailangan. Hindi na natin maibabalik ang natapos na" hinapit nya ang ulo ko at inilapat sa dibdib nya, hindi ko na napigilang lumuha. Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng silid ko, napatingin ako sa orasang nakapatong sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama ko, 4:30 ng madaling araw "Punyeta ang agang istorbo" bulong ko Pupungaspungas pa ako ng buksan ko ang pinto at agad ko din isinara yun ng makita kung sino ang nasalikod nun "s**t! s**t! s**t! Lupa kainin mo na ko" bulong ko Dali dali akong nagmumog, naghilamos at isinuklay ang mga daliri sa buhok ko bago muling binuksan ang pinto ng silid ko "Pasensya na nagising kita, importante kasi" hinging paumanhin ni Michael "Ayos lang. You need anything?" lumabas na ako ng pinto "Ipapakiusap ko sana sayo si Albert, I need to go back to US for a couple of days to run some errands, one week at most. Okay lang ba? Mag iiwan nadin ako ng pang gastos nya" nahihiyang tanong nya Ang cute talaga ng isang to, sarap hilahin papasok ng silid "Sure, no problem, ako nang bahala kay kulit" nakangiting tugon ko "Salamat" binigyan nya ko ng mahigpit na yakap Ang bango nya, nakakainis! "Ate magsisimula na ba tayo ngayon?" tanong ni Albert "Oo pero may kasama tayong magsasanay" bulong ko "Sino naman yun?" nakangusong tanong nya "Ako" biglang lumitaw si Jim sa likod ko at inakbayan ako "Wag mong hawakan ang ate ko" seryosong sambit ng bata habang nakatitig kay Jim Nagkatinginan kame ni Jim at napangiti, mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag akbay sakin "I don't like you" matigas na saad ni Albert na masama padin ang tingin kay Jim Lumapit si Jim sa bata at iniangat sya sa sahig, binitbit sya sa tagiliran gamit ang isang kamay "Tara na wala ka nang magagawa" nagtatatawang sabi nya habang nagpupumiglas ang batang karga nya Mukhang magiging masayang pagsasanay to Dinala ko sila sa bahay namin sa Ikibukuro kung saan kame nagsimulang magsanay ni Omi Wala namang magawa ang lolo namin kundi pumayag sa gusto ko na duon sanayin ang batang makulit Tingin ko nga ay mas gusto pa nya si Albert kaysa sakin dahil nag prisinta syang tumulong sa pagsasanay sa bata Hindi narin ako nagulat na magkakilala sila ni Jim Ilang araw palang kaming nagsasanay pero nagiging bihasa na si Albert sa paghawak baril na ikinatuwa naman ng lolo ko Wala namang patid sa pagtatalo sila Jim at Albert, at madalas na napipikon si Jim sa bata Sumusunod naman ang bata sa mga itunuturo nya kayalang ay palagi itong nagkukumento ng nakakainis na bagay kaya napipikon yung kumag Nasa kalagitnaan kame ng pagsasanay ng makatanggap ako ng text mula kay Omi Omi: may client tayo urgent! Uwi ka muna M: ngayon na ba? Omi: magaling ka pero minsan tanga ka, urgent nga diba M: lagot ka sakin pag dating ko Mukhang mainit nanaman ang ulo nya kaya nagpaalam muna ako kila Albert at sa lolo ko "Kailangan ko munang umuwi ng Shibuya, gusto mo bang sumama pauwi?" tanong ko sa bata "Hindi na ate dito na lang ako. Isama mo nalang pauwi ang pangit na lalakeng yun" itinuro nya si Jim "Sige iuuwi ko na sya" natatawang kinusot kusot ko ang buhok nya "Matagal pa naman bago bumalik si kuya, pwede bang dito nalang muna ako kay lolo?" nakangiting tanong nya "Ano lolo? Lolo ko yun hindi sayo" saad ko "Ate kita kaya lolo ko nadin sya saka sabi nya lolo daw itawag ko sakanya" paliwanag nya "Aba ang matandang yun ipinagpalit na yata ako. Sige na dito ka na muna. Kailangan ko kasing magtrabaho, isa pa may pasok din kame sa school" nagpaalam na ko sa bata Nang makapag paalam sa lolo ko ay agad kaming umalis ni Jim "May trabaho ka?" tanong ni Jim habang nagmamaneho "Yeah" nakatungo kong sabi "What are you thinking? It is really hard for me to read what's going on inside that beautiful head of yours" hinawakan nya ang isang kamay ko habang ang isang kamay naman nya ay nasa manibela "Jim tama ba na tinuturuan nating pumatay si Albert?" tanong ko Saglit syang tumingin sakin at tipid na ngumiti bago tumutok ulit sa daan "Gusto nya yun kaya ayos lang. May kanya kanya tayong dahilan kaya ito yung napili nating gawin" mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko Dumiretso kami sa silid ni Omi ng makarating kami sa bahay "Sa wakas dumating kadin, tagal mo" seryosong saad nya Binatukan ko sya "Ano tingin mo sakin lumilipad? Ano bang problema at nagsusungit ka dyan?" tanong ko "Nakaka stress kasi tong client natin, nagmamadali, isang araw lang din kasing nandito sa Japan yung dalawang target at ngayong araw lang yun tapos magkaibang lugar pa" parang pagod na pagod syang sumandal sa silya "Anong problema? Nandito naman tong kamoteng to" inakbayan at itinuro ko si Jim Napatingin sakin si Omi "Jim pwede ka ba?" tanong ni Omi "Sure" sagot ni Jim Iniabot ni Omi samin ang papel na may impormasyon "Mag iingat ka, papakasalan pa kita" hinalikan ako sa nuo at kinindatan pa ko ni Jim bago kame naghiwalay ng landas Sinundan ko ang target ko hanggang sa makarating sa kanyang hotel room Nag isip ako ng paraan kung paanong makakapasok duon ng hindi nakikita Sumakay ako sa ilalim ng utility cart ng papasok ang isang chamber maid at dahan dahan akong bumaba ng makapasok sa silid Kasalukuyang nagbababad sa bathtub at nakapikit ang target ko ng mapasok ako Ikinabit ko ang silencer ng .45 calibre Colt Cobra Mack IV series ko, itinutok ko ang baril sa pagitan ng naka awang na pintuan ng cr saka sya pinaputukan sa nuo Nang matapos ang aking misyon ay agad akong umalis duon at nag tungo sa kalapit na coffee shop Nasa kalagitnaan ako ng pagkakape nang maisipan kong buksan ang cellphone ko, may dalawang mensahe dito: Jim: nasaan ka na? Jim: may tama ako, pabalik na ko sa bahay Agad akong lumabas sa coffee shop at nagmadaling umuwi Dumiretso ako sa silid ni Jim para tignan ang lagay nya, dinatnan ko syang nakahiga, nakapikit ang mga mata at balot ng kumot ang katawan Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya, bumangon sya at nakangisi at nagtatatawa "Bwisit ka, sabi mo may tama kang tarantado ka" galit na sabi ko "May tama nga ako, may tama ako sayo. Kinabahan ka ba?" malapad ang ngiting sabe nya Binunot ko ang baril ko at itinutok sakanya "Uy uy anong gagawin mo" bumangon sya sa kama at tumalon palayo "Tatamaan ka talaga sakin gago ka" nakatutok padin sa kanya ang baril ko "Di mo kayang iputok sakin yan, nag aalala ka nga sakin, umamin ka nag alala ka diba?" pang aasar nya Ibinaba ko ang baril at binalik sa holster bago bumuntong hininga "f**k you" saad ko bago tumalikod para lumabas ng silid nya "Harder please" sagot ni Jim Nilayasan ko na ang kumag na yun "Nahanap ko na yung hinahanap ni Trent" walang emosyong saad ni Omi "Talaga? Saan? Pwede ba natin syang puntahan? Para mapaghandaan yung pagkikita nila ni Trent" sunod sunod kong tanong "Don't get too excited. Yeah pwede natin syang puntahan pero tingin ko hindi na sila magkikita ni Trent" rumehistro ang lungkot sa mukha ni Omi Nagpunta kame sa isang sementeryo para hanapin ang puntod ng babae Nakita namin si Jim na nakatayo sa harap ng isang puntod, lumapit ako sa kanya Nagtaka ako kung anong ginagawa nya dito nang mabasa ko ang pangalan sa lapida: Daidouji Chiharu Ito yung puntod ng babaeng hinahanap ni Trent Nakalapit nadin samin si Omi at bago pa kame nakapagtanong ay nag paalam na samin si Jim "Mauuna na ko sa inyo. Sa bahay nalang tayo mag usap" tinalikuran na nya kame at umalis Nagkatinginan kame ni Omi, pareho kaming napaisip "Ang mga Daidouji, ay malaking pamilya at may mataas na posisyon sa Yakuza. Yung tatay ni Chiharu ay isang Oyabun" paliwanag ni Omi "Kung head ng yakuza ang tatay nya, malamang may kinalaman din sa yakuza ang pagkamatay nya kaya nahirapan si Trent na hanapin sya tama ba?" tanong ko "Oo, at hanggang ngayon hindi parin nahahanap ang pumatay sa kanya" sagot ni Omi "Kailan mo planong sabihin to kay Trent?" malungkot na tanong ko "Pinapunta ko sya ngayon" walang emosyong tugon nya Ilang sandali pa ay dumating na si Trent at ipinaliwanag ni Omi ang mga nalaman nya "Atleast now I know where she is. Thanks you guise. I can visit her whenever I want" nangingilid ang luhang sambit nya Sabay sabay na kaming umuwi ng bahay Nag tungo ako sa silid ni Jim at kinumpronta sya tungkol sa nangyari kanina "Anong kinalaman mo sa mga Daidouji? Alam mong hinahanap ni Trent yung babaeng yun? Hindi ba kaibigan ang turing mo kay Trent? sunod sunod na tanong ko Lumalaki nadin ang galit na nararamdaman ko, pakiramdam ko pinaglihiman at pinagtaksilan ako Nagulantang at nanlumo nalang ako sa sagot na narinig ko galing kay Jim Wala na akong nagawa kundi ang umiyak Bakit hindi patas ang mundo? Bakit hindi pwedeng masaya lang palagi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD