THE ELITES

2434 Words
"f**k! It's you again! You're starting to get on my nerve ugh!" gigil na sabi ko habang paupong nakasandal sa malaking puno at hawak hawak ang tama ng bala sa aking kaliwang tagiliran "If I didn't show up you'll be a dead meat by now. Come on let's go" sabi ni Jim habang tinutulungan akong tumayo "I can handle myself" tumayo ako ngunit agad din nanghina ang mga tuhod ko Bumagsak ako pero nasalo naman nya ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. "Yeah right, you can handle yourself" nangingiti pang saad ng kumag na yun. Sa ngayon halos puno na ng estudyante ang aming bahay, dalawang silid nalang ang bakante. Ang pinaka bungad na silid pag akyat ng hagdan sa bandang kaliwa ay kay Chang na nagsisilbing guardian namin ni Omi, dahil kahit pumapatay kame ng tao ay menor de edad padin naman kame, sya nadin ang nag aasikaso ng lahat ng kailangan namin sa bahay. Katabi naman nun ay ang silid ng magkapatid na sila Tomoyo (ang panganay) at Ayame (ang bunso), kapwa sila nasa highschool at nag aaral sa ekwelahang pinapasukan namin ni Omi, si Tomoyo ay kaklase namin ni Omi. Madalas tahimik lang silang dalawa pero palagi naman nila akong tinutulungan kapag nagluluto o nagbi bake ako. Kasunod naman nun ay ang silid ni Justin Terence or Trent kung tawagin namin, 1st year college na sya ngunit sya ang pinaka makulit sa aming lahat. Tennis player sya, mas pinili nyang dito sa Japan maglaro kaysa sa America na sarili nyang bansa. Ayon sa kwento nya, nasa 3rd year highschool palang sya ng mainlove sya sa isang haponesa habang nasa kumpetisyon, simula nuon ay nagpasya syang lumipat dito sa Japan para hanapin yung babae pero hanggang ngayon ay di pa nya ito natatagpuan Wala pang tao ang silid na nasa bandang dulo na katabi ng library. Yung unang silid naman sa bandang kanan ay kay Omi Kasunod naman nun ang silid ni John Mark o JM, sya naman ang pinaka palabiro sa lahat, kaklase din namin sya at madalas napipikon sa kanya ang pinsan ko pero madalas din naman silang magkasama. Naglayas sya sa kanila pero yung ama padin naman nya ang nagbibigay ng mga kailangan nya at nagbabayad ng renta sa kwarto. Bakante ang kasunod na silid at nasa dulong bahagi naman ang silid ko na katabi din ng library. Mejo nagkaroon na ng buhay ang bahay namin kahit paano. Napansin ko din na madalas ng ngumingiti ang pinsan ko na tila pinaglihi sa sama ng loob dati Tapos dati puro mura o panglalait at kalokohan lang ang lumalabas sa bibig nya pero ngayon para na syang pipi kapag kaharap nya si Tomoyo Minsan nakita ko silang nagkasalubong paglabas ng silid, napansin ko na nauutal si Omi sa pagsasalita at tila napako na sya sa kinatatayuan nya Nilapitan ko sya para asarin "Uy Omi may gusto ka kay Tomoyo no! Di ka papatulan nun" sabi ko "Bakit naman?" seryosong tanong nya "Umai buso dayo" pang aasar ko "Hindi naman ako pangit ah, ikaw nga yung pangit dyan. Pangit na amasona pa" tinalikuran na nya ko at bumaba na sya Natatawa padin ako kase parang ngayon lang sya umarte na parang bata "Pinsan may panibagong uupa na, pareho silang lalake. Yung isa dadating mamaya, yung isa naman bukas ng gabi. Hindi kase ako makakaharap mamaya, may pupuntahan ako. Pwede bang ikaw na makipag usap? Nakapag transfer na naman sila ng bayad kaya sasamahan mo nalang sya dun sa kwarto na katabi ng sayo." saad ni Omi "Sige. Ano bang pangalan nung tenant?" tanong ko "Si miss jessie ang kausap ko pero James Ian Miguel Lamer yung pangalan ng tenant" sabi ni Omi bago umalis "Galit siguro sa pangalan yung nanay nun" bulong ko "Young miss the new tenant is here, they are waiting for you downstairs" tawag sakin ni Chang "Please tell them I'm coming. Thanks Chang" sumunod na ako sa kanya pababa Agad ko namang napansin ang mejo may edad na ngunit mapaka gandang babae at isang lalake na nakatalikod, maganda itong manamit at maganda din ang tindig. "Hi! Ako nga pala si Jessie secratary ni Sir James, at sya naman po ang boss ko, si Sir James" pagpapakilala ng babae Humarap samin ang lalake at agad inalis ang shades na suot nito "James Ian Miguel Lamer but you can call me Jim" inilahad nya ang palad nya "Putangina anong ginagawa mo dito?!" napalakas ang boses ko, tumaas yata ang presyon ko "Ganyan mo ba ko namiss kaya ganyan mo ko batiin sweetpea? I told you that is not the last time we're going to see each other" malambing at sarkastikong tanong nung kumag Napatingin sakin si Chang at ang babae "Magkakilala kayo Sir?" nagtatakang tanong ng babae "Hindi lang basta magkakilala, nag kiss na nga kame, right my sweetpea?" nakangiti ng nakakaloko ang kumag "Out, get out now" naiiritang sabi ko sabay talikod "May I remind you, bayad na ko sa renta for 1 year at nakapirma nadin ng contract ang secretary ko kaya wala ka ng magagawa. Magsasama tayo ng matagal sweetpea" nangaasar nanaman sya "Fine! Tara sa itaas" asik ko "Magha honeymoon na ba agad tayo? Masyado pang maaga, paalisin na muna natin sila Miss Jessie" pinamulahan ako ng mukha dahil sa narinig ko "Ulol!" sigaw ko "Chang show him his room please" at tuluyan na akong tumalikod at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig "See you later sweetpea" pahabol ng lalakeng arogante Matutyuan yata ako sa isang yun Maya maya pa ay narinig ko na nagpaalam na si Miss Jessie kay Chang Pumunta naman si Chang sa kusina "That boy seems to like you alot" natatawang naiiling nalang sya "I like him too, I like to kill him alot" saad ko Kasalukuyan akong tumutugtog ng piano ng may kumag na nagsalita at binasag ang pananahimik ko "Nocturne Op. 9 No. 2, tama ba ko" seryosong tanong nya "Yeah" maikling tugon ko, nakakaubos ng lakas makipagtalo sa isang to "Magaling pumatay at magaling din tumugtog, ano pa bang hindi ko alam sayo?" nakahawak ang kamay nya sa ilalim ng baba nya na tila nag iisip "Wag kang maingay baka may makarinig sayo" tumayo na ako at umalis ng sala "Alam mo ba na yung bagong tenant natin hired killer din? Sya yung naikwento ko sayo na nauna sakin" nahiga ako sa kama ni Omi na parang pagod na pagod "Hmm... Kailangan natin makiramdam ng maiigi kung ganoon" seryosong pahayag nya "Yeah. Lalabas muna ako may bibilhin lang ako" tumayo na ko at inayos ang sarili "May bagong client tayo pero out of the country to, next week pa naman ang trabaho, gusto mo ba?" iniabot nya sakin ang papel na may nakasulat na detalye ng target at kliyente namin "Sa Baton Rouge? Sige okay sakin" sagot ko at tuluyan na kong lumabas ng silid ni Omi Lumabas ako para bumili ng libro at magkape Nang makarating ako sa bookstore ay nakakita ako ng isang libro na may magandang sypnosis kaya agad ko itong kinuha kaya lang may nakasabay ako sa pagdampot ng libro "Uh sorry, go ahead miss kunin mo na" tipid na nakangiti ang lalake Mejo napatulala ako, gwapo nya kase "Sure ka ba?" tanong ko "Ah yeah, siguro naman may ibang copy pa yan" "Sige thanks" nagpunta na ako sa cashier para magbayad tapos tumuloy ako sa coffee shop Kasalukuyan akong nagkakape at nagbabasa ng libro ng may kumalabit sakin "Hi miss, sorry to interrupt, pwedeng makiupo?" yung lalake sa bookstore kanina "Ay sige. Salamat nga pala ulit kanina, Monique nga pala." pagpapakilala ko "Micheal, actually sinundan kita kase sabi dun sa bookstore iisa nalang daw yung copy ng book na yan at matatagalan pa bago sila magka stock. Baka pwede kong mahiram yung book pagnatapos mo basahin, tapos pahiramin nadin kita ng ibang books." may kung ano sa ngiti nya na parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya "Uhm... Sige ba" napangiti nadin ako "Hatid na kita para alam ko kung saan kukunin at dadalhin yung mga book" alok nya "Sige salamat ah" hinatid nya ako matapos naming magkape "Dito ka nakatira? Dito din ako lilipat bukas ng gabi. Small world" naiiling na nangingiting sabi nya "Oo nga ang liit ng mundo, oh paano kita nalang tayo bukas" paalam ko Nag umpisa ko nang ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa America para sa aking misyon Sa isang linggo pa naman yun kaya may oras pa akong maghanda at magsanay Araw akong nagsasanay at araw araw din akong binubwisit ng kumag na yun Hindi talaga nya ko tinitigilan, hanggang sa eskwelahan sumusunod din sya "Uy may bagong student na senior natin, ang gwapo nya" maharot na sigaw ng kaklase ko "Ay oo nga Jim daw ang name nun eh, ang tangkad at machong macho" kinikilig na saad ng isa ko pang malanding kaklase "Ang iingay nyo naman" asik ko Maya maya pa ay bigla nalang lumitaw ang ulo nung kumag sa pintuan ng classroom namin "Papa pogi may hinahanap ka?" tanong ng kaklase kong bakla "Hoy okama, matuto kang gumalang sa senpai natin" sita naman nung kaklase kong siga "Senpai may kailangan ba kayo?" halos pagkaguluhan na sya ng mga kaklase ko "Ah hinahanap ko kasi ang girlfriend ko, hindi sya katangkaran, lagpas limang pulgada lang ang taas, cute sya parang keychain at maputi na parang walang dugo. Monique ang pangalang nya" kung makangiti ang isang to parang di pumapatay ng tao Nakatitig sya sa kinaroroonan ko habang nagsasalita, ipinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko pero agad ko din yung inalis dahil napatingin nadin sakin yung mga kaklase ko Ang mga hinayupak na yun mga walang dignidad at agad akong hinila papunta sa kumag na lalakeng yun Maghapon nanamang sira ang araw ko Araw ng alis ko ngayon patungo sa America para gawin ang misyon ko Kasalukuyan akong nasa airport ng may dumaan sa harap ko na kamukha nung kumag, kinusot kusot ko mga mata ko pero di ko na nakita ulit yung lalake. "Tangina pati ba naman dito nakikita ko sya, na overdose na yata ako sa siraulong yun" bulong ko Ilang ulit ko pang inakala na nakita ko sya, sa eroplano, sa airport, sa subway at sa hotel. Sakit sa ulo kahit kailan Mula New York ay nag byahe ako patungong Baton Rouge sakay ng isang Bell 407 helicopter na pag aari ng pamilya namin Nag land kame sa tarmac matapos ang sampung oras, naghihintay na saken ang isang dark-red na Jaguar Ito ang sinakyan ko patungo sa Radisson Hotel kung saan ako manunuluyan ng tatlong araw Nang makapasok sa silid ko ay agad akong naligo at nagpahinga Kinabukasan ay maaga akong gumising at inihanda ang mga gagamitin ko Inilagay ko sa ankle holster ko ang .357 magnum Smith & Wesson 340PD na may kargang limang rounds ng Speer Gold Dot 125-grains, inilagay ko naman sa shoulder holster ko ang dalawa ko pang baril. Isang .40 calibre Glock 27 na may sampung rounds na Hydra-Shok 135 grains at isang P 226 SL Sig Sauer 9mm na may labing anim na rounds ng Hydra-Shok 124 grains Muli kong tinignan ang mapa ng mansyon at ubasan na pupuntahan ko at kinabisado ang mga detalye bago tuluyang umalis ng hotel Nang marating ko ang mansyon ang agad akong nagtungo sa loob at ginilitan ng leeg ang unang taong nakita ko Nagtungo ako sa ikalawang palapag, nakita ko ang isang bata na mahimbing na natutulog, hinayaan ko nalang sya Bumaba ako ulit at nagtungo sa labas kung nasaan ang pintuan ng underground wine cellar, marahan kong binuksan iyon and dahan dahang bumaba, binubuo ang wine cellar na ito ng mga chambers na gawa sa bato, nagkalat din ang mga oak barrels na may lamang wine Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng boses ng lalake, sumisigaw ito at humihingi ng tulong, sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses, naka kadena ang lalake at nakasabit ang mga kamay nito sa magkabilang dulo ng chamber, wala syang suot na pang itaas, duguaan ang kanyang ulo at napakarami nyang sugat at pasa sa katawan may mga paso din sya na hugis bilog at may marka sa gitna Sinubukan ko syang kalagan ngunit hindi ko makita ang susi "Pakakawalan kita mamaya, wag kang mag iingay" bulong ko bago ko sya iniwan Nakarinig ako ng boses ng isang babae at mga lalake na nagtatalo Agad kong hinugot ang 9mm ko, nanatili akong nakakubli sa likod ng pader Isa isa ko silang pinaputukan ng makahanap ako ng pagkakataon, patay ang apat pero dahil nadin sa ingay ng putok ng baril ay nagdatingan pa ang ilang miyembro ng sindikato Isang lalake ang sumulpot sa likod ko at tinutukan ako ng baril sa ulo "Turn around slowly then give me your gun" malalim ang boses ng lalaki at tunog pranses Umikot ako at sinipa sya, nang matumba sya ay agad ko syang pinaputukan sa gitna ng noo "Weak!" bulong ko Nagpatuloy ang pagdating ng mga asungot, isa isa ko silang pinatumba hanggang sa marating ko ulit ang chamber kung nasaan yung lalake na nakakadena "Papatayin ko to kapag lumapit ka" tinitukan ng baril sa ulo ng miyembro ng sindikato yung lalake "Patayin mo, di ko naman kilala yan. Gusto mo ako na gagawa para sayo, baka pagod ka na" binaril ko yung kadena at yung isa pa para makawala ang lalake Dahil nawala sakin ang atensyon nung miyembro ng sindikato ay agad ko syang binaril "Salamat. Akala ko tutuluyan mo na ko" saad ng lalakeng tinulungan ko "Wag kang maingay tutuluyan talaga kita" iniwan ko na sya Paglabas ko ng wine cellar ay may lalake na bumaril sakin pero sa tagiliran ko iyon tumama Pagbagsak ko sa lupa ay agad ko din syang pinaputukan Pinilit kong tumayo at naghanap ng mapagpapahingahan, nakakita ako ng malaking puno at sumandal duon "Putangina di nga ako napuruhan mauubusan naman ako ng dugo. Napapadalas pag sasalita ko mag isa, nababaliw na ata ako" bulong ko habang inaayos ang pagkakasandal ko sa puno "Buti alam mo. Ano buhay ka pa ba" biglang may nagsalita Bigla kong hinugot yung baril ko na nasa ankle holster dahil at ipinutok sa lalake pero hindi ko sya tinamaan "Jeez! Monique do you like me that much? You almost killed me" sarkastikong sabi ng lalake Kumulo ang dugo ko ng makilala ang lalake Ilang minuto pa ay nawalan na ako ng malay Nagising na lang ako sa hotel at nakahubad ang pang itaas, may benda na ang tagiliran ko at nakakumot lang "Gutom ka ba?" tanong ni Jim "Hindi" pero nagtaksil ang sikmura ko, biglang kumulo at nag ingay yun "Hindi pala ah, oo nga pala salamat sa pagliligtas sakin" sarkastiko nanaman ang hambog na to "Salamat" napatingin sya sakin at mukhang nabasa nya ang iniisip ko "Hindi kita ginalaw, wala akong balak makipag s*x sa bangkay, di ako necrophiliac" mahabang salaysay nya Natawa ako pero natigil din nang kumirot ang sugat ko Sabay nadin kameng bumalik ng Japan Ang daming tanong sa isip habang nasa eroplano kame pabalik ng Japan Sino nga ba talaga ang lalakeng to? Bakit palagi nya akong sinusundan Ano bang kailangan nya sakin? "s**t! Kamatayan is that you" napalakas yung pag iisip ko "Hey tumahimik ka nga nakakahiya sa ibang pasahero" masungit na saad nya "Anong ibang pasahero pinagsasabi mo, private plane namin to" ayun binatukan ko sya tapos hinalikan nanaman ako nung ungas saka sya lumayo sakin at natulog sa isang cabin Nako batman bahala ka na nga
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD