Chapter 7 - Force Field is weak!

2040 Words
BUMALIK sila sa Valley Ranch makalipas ang halos dalawang oras na pananatili sa burol. Naabutan pa nila ang kaibigang si Jho na abalang-abala sa pagpapakain ng dayami sa isang batang kabayo. Ang binata naman ay isinauli ang ginamit nilang kabayo kanina. "Jho!" nilapitan niya ito. "Oh, Dhem. Ikaw pala. Kumusta ang training?" tanong nito sa kaniya. "Ayos naman. Natututo na ako ng basic." Bumaling siya sa kabayong pinapakain nito. "Kaninong kabayo iyan?" "Ah, si Bolt. Kabayo ko." "Kabayo mo?" "Oo. Anak siya ng kabayo ni Zeus na si Thunder." "Mahilig ka na rin pala sa kabayo." "Sakto lang. Hindi na kami pinapahawak ng manibela kaya kabayo na lang ang pagkakaabalahan namin." "Sinong nagbabawal sa inyo? Oo nga pala. Racer pala kayong dalawa ni Khorie." Alam niyang bihasa sa pagmamaneho ng mga mabibilis na sasakyan ang mga ito lalo na ang Ferrari World Cup na sinalihan nito noon ngunit bigla silang nawala sa limelight. "I'm the one who told her not to drive anymore." Sabay sila ni Jho na napasulyap sa lalaking may dala-dalang isang bungkos ng dayami at ibinigay sa kabayo. Seryoso ang mukha nito na madalas iyon ang ipinapakitang emosyon sa lahat. Si Zeus. "Sinagot na niya ang tanong mo," tukoy ni Jho sa binata. "A-anong masama sa pagmamaneho ng sasakyan? I know, delikado iyon pero sayang naman. Kasagsagan na ng kasikatan niyo noon at—" Humarap si Zeus sa kaniya. "Being a car race driver isn't a bad profession but it's quietly adverse in terms of uncertain consequences. She will put her life into a high-risk stance like what happened the last time in the city. Your life was in danger," tukoy nito sa nangyari sa kanila sa city. "It's my—fault. Hindi ko napansin sa sobrang kaba ko noon ay naangat ko ang lock ng pintuan ng sasakyan. Aksidente naman ang nangyari kaya hindi naman siguro rason para pigilan silang magmaneho." "Hindi bagay sa isang babaeng lagi na lamang humahawak ng manibela para sa isang kompetisyon. It's normal to ride a car for other purposes and not for a certain race." Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng binata sa kanila. "Oo na. Hindi na kami makikipag-karera." Sumang-ayon na lamang ang kaibigan niyang si Jho sa binata. "Oh, andiyan na pala si Demeter." Ininguso pa ito ng kaibigan. Papalapit na ang binata sa gawi nila at saktong nagtama na naman ang kanilang paningin. Sa bawat sandaling nangyayari ang ganoong eksena sa kanila, pakiwari niya ay tumitigil ang kaniyang oras. Gustuhin man niyang iwasan iyon ngunit hindi niya mapigilan at makontrol ang sarili. Tulad ng mga nauna ay tila may mahika itong ginagamit upang doon lang siya mapako. "I'll take you to the Root Valley. Let's continue our training tomorrow morning." anito. "Okay," akma na sana siyang maglalakad ngunit biglang naroon ang isa pa niyang kaibigan. Si Khorie. "Hello! Philippines!" iwinawagayway pa nito ang isang papel. "Anong Philippines?" napangiti siya sa masayahing imahe nito sa kanila. "Sorry, England pala! Siyangapala, may coupon ako. Unli wings!" sabay pinakita nito ang coupon na dala-dala. "Korean Bucket Wings? Nakakuha ka ng coupon?" gulat pa si Jho nang makita ang hawak nito. "Yup. Kumain tayo doon mamaya." "Hmm...sige. Nakaka-miss na rin ang kumain doon," sumang-ayon naman si Jho. Bumaling sa kaniya ang kaibigan. "Sumama ka mamaya. Free ang coupon na ito at hindi mababawasan ang bilyones ni Demeter kung sakali," sabay ngumiti ito. "Ah..." Napasulyap siya kay Demeter. "Go ahead. Don't be late by tomorrow morning." Bahagya siyang ngumiti rito saka bumaling sa kaibigan. "Sige." "Don't forget to bring me one bucket when you came back home," wika ni Zeus sabay nauna na itong naglakad palayo sa kanila. "What flavor?" sigaw ni Jho sa binata. "Honey!" ganting-sigaw ni Zeus. Natawa si Khorie. "Honey, my love, so sweet!" asar nito sa dalawa sabay nauna na rin naglakad. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa tinuran ng mga ito. Naalala niya ang huling sinabi ng kaibigan niyang si Khorie na isa sa sangkap na magpapaliyab ng katana ay ang magkaroon ng koneksiyon ang bawat isa. Na kailangang magmahalan ang isang carrier sa receiver na ngayon ay tila nangyayari naman sa mga ito. Ilang sandali pa ay inihatid na siya ng binata sa tinutuluyan niya upang makapagpahinga.      SA TRAINING ground ng Root Valley, abala sa pagbubuo ng energy inra ball ang mga dalaga  mula sa pagitan ng kanila mga palad. Unti-unti na nilang naipapalabas ang kanilang kakayahan upang makabuo niyon sa maikling panahon. Sa 'di kalayuan naman ay naroon ang mga imortal at nanonood sa kanila sa kanilang ginagawa. "Natututo na sila sa paggamit ng inra. Sana lang ay mas matutunan pa nila ang ibang level dahil pakiramdam ko ay nalalapit na ang muling paghaharap natin sa iba pang mga dark casters," wika ni Persius sa mga kalalakihang naroon lang sa tabi nito at nagmamasid. "I gathered information out of this place about them. Sana sa lalong madaling panahon malaman na natin kung saan nagtatago si Vrixen at ang walang hanggang kamatayan ni Zifir," tugon naman ni Dionysus. "Your right, Dion! Our force field is weak. I'm sure the dark casters can enter directly inside. At hindi na ako nagtataka sa bagay na iyon," dagdag ni Zeus. "Tama ka!" biglang sumulpot si Andromeda sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi na nagtataka ang mga ito sa biglaang pagsulpot ng sorceress. "How can we make our force field strong and rigid? Is there another way to do that or spells?" tanong ni Hermes. "Magandang tanong pero napakahirap hanapan ng solusyon." "What do you mean, Andromeda?" Achilles asked too. "The force field can be destroyed by the enemy to infiltrate here. A dark caster like Vrixen can do that on his forbidden spell. Puwera lang kung—hihingi tayo ng tulong sa mga magulang natin," suhestiyon ni Ares. "Hindi tayo pinapakialaman ng mga parents natin. You knew that already. Isa pa, mga diyos tayo at alam nilang kaya natin itong solusyunan," sabat ni Anchises. "May point si Anchises," sang-ayon ni Hephaestus. "Isa lang ang paraan na alam ko," sambit ng sorceress sa mga binata. "Ano iyon?" sabay-sabay pa nilang wika. "Kailangan niyong maglakbay!" "Where?" Anchises asked. "May dalawang Sorceress at dalawang wizard pa na mas mahusay pa sa akin ang nabubuhay noon. Sila ang mga kasama ko sa pagpapalaganap ng kabutihan sa mundong ito at sa Dark World. Nagkawatak-watak lang kami noong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang lahing binuo ng lumikha." "Then we need to find them?" Hermes said. "Sana nga ganoon lang ito kadali, Hermes. Dahil ni hindi ko na maramdaman ang inra nila kahit saang lupalop ng mundo. Sana ay buhay pa sila hanggang ngayon," anang sorceress. "It's difficult to find it out," wika naman ni Demeter. "Bumuo tayo ng plano para mahanap sila," suhestiyon ni Zeus. "Okay. We need to set a plan since you're an oracle god, Zeus." Bahagyang ngumiti si Hercules kay Zeus. "Parang hindi mo kayang gawin," pabulong na sambit ni Zeus. "Alright. Kung iyan ang plano niyo ay mukhang kailangang kasama niyo sila." Napatingin si Andromeda sa mga dalaga. "Malakas ang hatak ng inra nila sa mga katulad nating imortal. Iyon nga lang ay...malakas din ang hatak nito sa kalaban kaya ingatan niyo rin silang protektahan." Napatingin ang lahat sa mga babaeng nagsasanay. Unti-unting nagiging masikip ang kanilang mundo lalo na ngayong buhay ang mga nilalang naging katunggali nila noon sa nakaraang unang nilang buhay maliban sa pagiging Olympus Gods. Nararapat lamang na kanilang paghandaan ang anumang panganib sa hinaharap.   MATAPOS ang training nina Dhem at Demeter ay niyaya siya ng binata na kumain muna sa isa sa mga restaurant sa Central Valley. Hindi na rin siya nakatanggi dahil nakaramdam na rin siya ng gutom at hapdi sa tiyan. Pagkatapos naman nilang kumain ay naglalakad sila upang bumaba ang kanilang kinain. Habang nasa daan ay nakakausap naman niya nang matino ang binata. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya nang mamataan ang dalawang babaeng pamilyar sa kaniya. "Teka—sina Jho at Khorie iyon, ah." Nakita niya ang dalawa sa labas ng Coffee Shop at may kausap na lalaking may edad na at medyo mataba. Tila ba nakikipagdiskusyunan ang mga ito. "Pwede ba natin silang lapitan?" aniya sa binata. "Okay." Sumang-ayon naman ito sa kaniya. Habang papalapit sila sa mga ito ay naririnig na nila ang pakiusap ng dalawa sa lalaking medyo may edad na at nakaupo ito sa bakanteng upuan sa labas. "Sige na, Mr. Pete. Kahit peso ang ibabayad niyo sa service namin magkatrabaho lang kami. Jobless kami ngayon kaya kailangan namin ng part time job." "Jobless? Paano kayo nakapasok dito kung jobless kayong dalawa?" anang lalaking kausap nila. Alam din nitong hindi basta-bastang makapasok sa Green Valley. "Lumusot kami sa alambre." Biro ni Khorie. "Aray!" Napangiwi rin ito nang siniko ni Jho. "Nagbibiro lang po siya, Mr. Pete. Kahit minimum wage lang po pwede na." "Hay. Kayo talaga mga kabataan puro kayo kalokohan. Oh, siya. Bukas mag-report kayo rito." "Talaga, Mr. Pete?" Koring wika pa ng dalawa at tila tuwang-tuwa. "Oo. At maaga ay dapat nandito na kayo." "Sige-sige, Mr. Pete!" Nag-apiran pa ang dalawa. "Wooh! May trabaho na tayo!" "Sa gitna ng training naisipan niyo pang dalawa ang maghanap ng trabaho? Sa mga oras na ito alam na ng dalawang kabaro ko ang mga pinaggagawa niyo," sita ng binata. Bahagyang napatigil ang dalawang kaibigan niya sa kasiyahang nagaganap sa mga ito at humarap sa kanila. Nagkatinginan pa ang mga ito kung sino ang mauunang magsasalita. "Ah, kayo pala. Ano kasi—" Napakamot sa ulo si Khorie. "Ano naman ang masamang maghanap ng trabaho? Jobless nga kami diba? Habang nagte-training ay may pinagkakakitaan kaysa namang umasa kami sa bigay lang." Umirap ang kaibigan niyang si Jho. "Alright. You have your own cards, right? Zeus and Hercules aren't that poverty-stricken to let the two of you working here in Center Valley." Bumaling ito sa lalaking nakaupo sa mesa. "Mr. Pete, don't let them work at your Café, or else they will kick you out of this place." Demeter on his serious tone of voice. Kibit-balikat lang si Mr. Pete saka ito tumayo at marahang pumasok sa Coffee Shop nito. Ni hindi man lang ito tumugon sa binata at nasundan na lang din nila ito ng tingin. "Jobless na naman tayo," sambit ni Khorie. "Oo nga. Tara na at baka dumating dito ang asawa mo at kaladkarin ka na naman pauwi." Hinila na nito si Khorie palayo roon. Hindi na sumulyap si Jho sa kanila at tanging si Khorie na lang ang nagpaalam at kumaway lang habang siya ay napapailing na lang. Hindi na sila nagbago. Bakit pa nila naisipang magtrabaho gayong kaya naman sila suportahan ng mga iyon. “They are not working for their own will,” wika nito sa isipan niya. Huh? Napasulyap siya binata. Anong...ibig mong sabihin? Nag-uusap naman sila sa isipan ng isa’t isa. “Your friends are looking for another way how to help the people around them. Charity works. Ayaw nina Zeus at Hercules na pahirapan nila ang kanilang mga sarili para lamang doon. We earned billions and isn't a big deal for them. Masyadong mataas lang ang ego ng dalawang kaibigan mo kaya ayaw nilang umaasa sa mga kabaro ko.” “Kahit naman ako ay ayoko sana,” tugon niya. “And you don't want any help from me?” Nagsalubong ang kilay nito. “H-hindi naman sa ganoon. I mean—“ Wala na siyang mahanap na idadahilan. Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. “Shall we start again our previous conversation about this?” “Wala akong ibig sabihin doon.” Nakipagtagisan siya ng tingin sa binata. “Naiintindihan ko rin naman ang dalawang iyon. Mahirap din naman kasing umaasa lalo na at wala akong—“ “Ugnayan sa akin?” Bahagya siyang napayuko at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Demeter slowly touch her jaw to turn her attention to him again. Muli na naman siyang nakaramdam ng sparks sa binata sa tuwing nahahawakan siya nito. At ang ginawa nito ang siyang lalong nagpapakaba ng kaniyang musmos na damdamin. “Don't treat me like I am someone else.” Ibinaba nito ang kamay matapos siyang tumingin dito. “Demeter...” “Let's go. Ihahatid na kita sa Root Valley.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD