Palibhasa ay Ngayon lang Siya nakalabas Ng Loghouse kung kaya nagulat pa Siya nang Makita Ang makipot na daang tinutukoy Ng babae.
Sementado nga iyon na napapagitnaan Ng malagong mga halaman at may frame na bakal sa itaas na ginagapangan Ng mga halamang bagong at nagsisilbing bubong Ng daan.
Kung gayon ay dito dumaan si Jaylord at marahil ay sa hacienda ito nagpupunta.
Lihim na nagpupuyos Ang kalooban Niya. Pero lihim Rin Siyang nasasaktan sa natuklasan dahil nararamdaman Niya na may nabubuo na Siyang damdamin para sa lalaking iyon.
Kung gayon ay Ang lalaking ito mismo Ang nakabuntis sa Kapatid Niya.
Pero sino Ang lalaking kasama ni Mer sa picture?
Subrang naguguluhan Siya Ngayon.
SA KABILANG BANDA...
"LOLO, Ano yong gagawin ko? Hindi ko na yata kayang pigilan pa Ang nararamdaman ko para sa kanya."
"Ikaw Ang may katawan kaya't Ikaw Rin Ang makakasagot sa kaya mong Gawin para sa babaing tinutukoy mo."
"Pero may dapat Siyang Malamang."
"Eh, di ipaalam mo sa kanya Ang totoo."
"Sana nga ay matanggap Niya Ng madali Ang katotohanan. Napaka gwapo Ng anak ni Kuya, lolo. Ang gaan kaagad Ng loob ko sa kanya."
"Nasasabik narin akong makita siya apo "
"Nagbago Ang unang Plano ko. Hindi ko na ipaglalaban Ang custody Ng bata. I think, gusto kong package deal na Ang lahat."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I want to have them both... Ang pamangkin at Ang tiyahin."
"Kailangang pagbutihin mo Ang convincing power mo, Jaylord. Or else, pareho silang mawawala sa iyo.
"Saan ba Tayo pupunta,mommy?" Tanong ni Jaywon sa kanya habang binabagtas nila Ang connecting road sa Villa Haciendo.
"Kay Tito Jaylord mo."
"Talaga po?"
"Huwag kang matuwa dahil pagkatapos naming mag-usap ay uuwi na Tayo sa atin."
"BAkit po?"
"Basta! Huwag kanang magtanong!" High pitch na sagot Niya.
"Galit ka po ba Kay Tito Jaylord?"
"Oo, dahil niloko Niya Ako!" Sumbong Niya
Nakarating sila sa dulo Ng daang iyon at bumulaga sa kanila Ang isang nApakalawak at kaaya-ayang bakuran na natataniman Ng Bermuda grass Ang kabuuan at kung saan ay nakapagitna Ang isang napakalaking Villa na marahil ay Ang mismong Villa Haciendo.
Tama Ang matandang babae. Ang konkretong daan ay dire-diretso hanggang sa Pinaka porch Ng nasabing Villa.
Paano Siya nagawang lokohin Ng lalaking iyon na inisip pa niyang tagapagtanggol.
Kinarga nya Si Jaywon at mabilis Ang lakad na tinungo Ang Villa.
"BABALIK na Ako sa loghouse, lolo. Baka naiinip na Ang magtiya sa pagdating ko."
"Siya nga pala. Naroroon Si Kunsing, Hindi ba? Araw Ng linis at laba Niya. Papuntahin mo rito pagkatapos magtrabaho sa iyo."
Napadta siya. Nakalimutan Niya na pupunta nga pala doon Si aling Kunsing at daratnan Si Almera.
"Kinukutuban Ako,lolo. Tiyak na nai-tsismis na Tayo ni Aling Kunsing."
Hindi na nagawang sumagot ni lolo Haciendo. Biglang tumungo Ang doorbell. Binuksan Ng Isa sa mga katulong iyon at bumungad Buhat Sa pinto Sina Almera at Jaywon.
Pasugod na lumapit sa kanya Si Almera at WAlang babalang binigyan Siya Ng Isang malakas na sampal.
Sampal na mas masakit kesa sa naunang sampal nito. Naniningkit ang mga Ng babae. Halatang matindi Ang Galit na taglay nito.
"Hindi ko na kailangan Ang paliwanag mo, pero Masaya na Ako na nasampal Kita! Salamat sa tulong mo sa Amin ni Jaywon at amanos na Tayo!"
Biglang tumalikod Ang babae pero maagap na nahawakan Niya ito sa braso.
"We have to talk!"
"Hindi na kailangan! Malinaw na sa aking Ang lahat! Isa kang User" umiyak na sumbat nito sa kanya.
"Hija, Ako Ang lolo ni Jaylord. Mas makakabuting mag-usap muna kayong dalawa at akina, muna Ang aking apo."
"Apo?" Gulat na gulat na react ni Almera sa sinabi Ng matanda.
Dahil yata mukhang kagalang-galang Ang matandang lalaking iyon ay Hindi niya nakuhang magtaray pa nang Kunin nito Si Jaywon at dalhin sa itaas Ng Bahay.
Napangakuan Ng laruan at kaagad sumama Ang bata.
Napagsolo sila ni Jaylord at muling sumambat Ang Galit Niya. Tinangka niyang dalawahan ito Ng sampal pero Hindi na Siya umobra. Nahawakan nito Ang kamay Niya at saka Siya kinabig at niyakap Ng mahigpit.
Nanlaban at pinagbabayo Ang lalaki sa dibdib pero bigla Siyang binuhat ni Jaylord sa bewang at inilabas Ng Bahay .
Dinala Siya nito sa gitna Ng malawak na lupaing nababalutan Ng Bermuda grass.
"Sige. dito ka mageskandalo. At least, Hindi gaanong maririnig Ng mga katulong at ni Jaywon Ang pagsigaw mo." Mahinahing wika nito at saka Siya ibinaba.
"How dare you to do this to me? To us? Matapos mong lokohin Ang Kapatid ko, Ako naman! I hate you! Isa kang mang gagamit, manyakis! Babaero!" Sumbat Niya rito.
Hindi pa nakuntento Ang dalaga at sinugod uli Nya ito Ng suntok Ang lalaki.
Sa lahat ng sinabi Niya ay WAlang naging reaction Si Jaylord. Nanatitiling nakahalukipkip lang ito at nakatunghay sa kanya.
"BAkit di ka kumibo? BAkit Hindi ka mangatwiran?"
"Gusto kong mahinahon ka na bago Ako magsalita."
"Hindi Ako magiging mahinahon! Nasusuklam Ako sa 'yo manloloko ka!"
"Hindi Kita niloko kailan man...."
"Anong Hindi? Ipinagkaila mo Ang tunay mong pangalan! Ikaw pala mismo Si Jaylord Haciendo! Ang lalaking nakabuntis sa Kapatid kong Si Mer!"
" Yah... I admit na totoong na buntis Si Mer pero Hindi Ako Ang naka buntis sa kanya."
"At sino Ang ituturo mo?"
"Ang Kapatid kong Si Eibanrev."
Naalala Niya Ang larawang Nakita Niya na kasama ni Mer Ang isang lalaki. Wala Siyang Nakita ni Isa Mang larawan na kasama nito Si Jaylord para patunayan Ang mga bintana Niya rito.
"Pero Ang sabi Ng kaibigan ni Mer ay Jaylord Haciendo Ang pangalan Ng lalaking nakabuntis Kay Mer."
"Alam ko. Dahil Ako Ang nag-uutos sa kanya na iyon Ang sabihin sa iyo para Ako Ang hanapin mo pagpunta mo rito sa Quezon dahil Wala na Ang Kapatid ko.
I know na Malaki ang naging Galit mo sa nangyari Kay Mer And I'm very sorry to know na nagdamdam Siya at ikinamatay Ang paglayo ni Eibanrev."
"Bakit nagawa iyon Ng Kapatid mo sa Kapatid ko?"
"Nasabi ba sa iyo ni Mer kung bakit lumayo si kuya sa kanya ?"
"Wala Siyang sinabi. Maliban sa mangibang bansa Ang ama Ng ipinagbubuntis Niya."
"God knows mahal na mahal Ng kuya ko Si Mer. Pero lingid Kay Mer ay may sakit na leukemia Si kuya at may taning na Ang Buhay.
Kinailangang magpunta nito sa ibang bansa para magpagamot. I was with him, nang magtungo sa Australia with a hope na Maka-recover Siya pero Wala na ring nagawa Ang siyensiya doon."
"BAkit Hindi ninyo sinabi Kay Mer?"
"Ayaw ni Kuya na magkaroon pa Ng isipin Si Mer. Kaya labis Ang IYAK nito nang Malamang namatay Si Mer dahil alam niyang masama Ang loob nito sa kanya Ng mamatay."
*S-siya ba Ang lalaking nasa mga pictures na Nakita ko sa wooden box na nasa closet mo?"
"Siya nga. Ang Loghouse na 'yon ay naging saksi sa matamis nilang pagmamahalan. Madalas sila ni Kuya sa Bahay na iyon. Kung mapupuna mo ay may mga damit pa Ng babae roon. Kay Mer mga iyon. Binili ni Kuya sa kanya Ng mga panahong nagpupunta Siya rito."
Ngayon Niya naisip na madalas na nag-out of town Si Mer noon. Ang idinadahilan ay nadedestino sa probinsiya.May posibilidad na sa kuya ni Jaylord nag punta ito.
Unti-unting nagkakalinaw sa kanya Ang maraming katanungan na nasa isipan Niya.
May naalala Siyang sinabi ni Jaylord at Hindi Niya ito pinalampas Ang pagkakataon.
" BAkit ayaw mo kong papuntahin sa Villa Haciendo? Ano Ang motibo mo?
"Ayokong matuklasan mo Ang katotohanan na Ako pala Si Jaylord Haciendo."
"Ang sabihin mo nag iisip ka Ng masama laban sa akin, iniisip mo na baka manghingi Ako Ng sustento para Kay Jaywon. Thank you pero kaya kong buhayin Ang pamangkin ko!"
"Actually ay may iba akong Plano. Balak ko sanang Kunin Ang custody ni Jaywon at daanin sa legal Ang lahat pero nang Makita ko kung gaano mong kamahal Si Jaywon ay nagdadalawang isip Ako."
"You mean, alam Mona from the start na Kapatid ko Si Mer?"
"Oo. napa -trace na kita sa manila bago kapa magtungo Ng Quezon. Sinadya kong pasundan Ang kilos mo sa inupahan kong secrete agent dahil may nakapagsabi sa akin na napakalaki Ng Galit mo sa ama ni Jaywon. Ako rin Ang nagpapunta sa kaibigan ni Mer sa iyo upang ibalita na dumating na Ang ama ni Jaywon Buhat Sa Australia."
"So, ano Ang gusto mong palabasin mo Ngayon?
Kukunin mo sa akin Si Jaywon? No way! Over my dead body!
"Wala na akong balak Kunin Si Jaylord."
"Mabuti naman! Niloko mo na nga Ako at kuKunin mo pa Siya! Sobrang sama mo na!"
"Hindi Nga Kita niloko."
"Anong Hindi? Pinagsamantalahan mo Ang kahinaan ko. Hinalikan mo Ako gayong Hindi naman Tayo mAgkarelasyon!" Prangkang wika nito.
Nararamdaman Niya na lalo siyang hinapit ni Jaylord.
"Para papatunayan ko sa iyo na Hindi Ako manloloko ay gusto kong panindigan Ang ginawa kong panghalik sa iyo na WAlang permiso..."
"Ano?"
"Mahal na kita kaya ko nagawa iyon. Hindi ko napigil Ang sarili ko. Sa maikling panahong nagkasama Tayo, hindi ko maiwasang mahalin ka, Almera."
"Nanloloko ka lang. Hindi 'yan totoo!"
"Totoo. Hindi Ako nagbibiro. And I know na mahal mo Rin Ako.Nararamdaman ko iyon sa mga halik mo. Nararamdaman ko iyon habang magkausap Tayo Ngayon. Mahirap magtago Ng damdamin, Almera."
Bigla Siya napahagulgol. Tama Si Jaylord.
"Liar!! Ayaw kong maniw..."
Hindi na Niya nadugtungan Ang sasabihing pa. Naririto at angkin na ni Jaylord ang mga mapupulang labi Niya. At Hindi narin Niya nagawang ipagkaila Ang tunay niyang nararamdaman.
She was responding to his kisses. Paano ba Niya tatanggihan Ang halik Ng Isang taong nag-iisang Mahal mo?
Kung Hindi nya ito mahal, baka nasapak na nya ito at pandirihan Ang ginagawa nitong panghahalik sa kanya.
Panghahalik na biglang natapos nag kumalas ang mga labi ni Jaylord sa kanya.
"Sige . Ngayon mo sabihing Hindi mo ko mahal... Magkakasubukan Tayo kung sino Ang liar sa ating dalawa.."
"BAkit mo ito ginagawa?"
"Dahil ayokong matapos Ang nasimulan na. Seryuso Ako Almera. Sa palagay ko, ito na Ang katapusan Ng paghahanap ko. Now, ito Ang tanong.
"Will you be my Girl?"
Nakatitig ito sa mga mata Niya at Siya man ay gayon din. Totoo Ang sinasabi nito. Hindi nya kayang ipagkaila Ang kanyang damdamin. With this guy holding her, parang Ang hirap nitong tanggihan. Tsaka love na nya ito. Pride lang Kasi Ang umiiral sa kanya.
Your time is running. Do you love me or you love me not?"
"Tinatakot mo ba Ako?"
"Hindi. Inoorasan Kita. kapag naubos Ang uras ko... Gagamitan Kita Ng puwersa.
"Ano Ang Ibig mong sabihin?"
"Pupuwersahin kitang Isama Ako sa pag-uwi mo para ipakilala Ako sa parents mo at mga Kapatid."
Nakagat nya Ang labi. tapos unti-unting napangiti. Tapos,Hindi na siya nakatiis at yumakap Kay Jaylord.
"Yah... I love you, too."
The next thing na namalayan Niya ay nilaplap na naman uli Ang kanyang malambot na labi, kissing her passionately na may malakas na kalayo na kahit unos ay Hindi ito kayang patayin.. BAkit ba Kasi masarap humalik Ang unggoy na ito, Hindi na nya ma-resist.
"Mommy! Tinig ni Jaywon at bigla silang naghiwalay.
Sinalubong ni Jaylord Si Jaywon at kinarga ito.
"Gusto mo bang dito na tumira?"
"Opo. Basta po kasama Si Mommy."
"Wala Ng problema," baling sa kanya ni Jaylord.
Naiiyak na kumapit Siya sa bisig ni Jaylord at humilig sa balikat nito.
"Mommy, bati Mo na Si Tito Jaylord?"
"Pakakasalan ko na Ang Mommy mo. Para magkaroon ka na Ng daddy."
"Talaga po? Ikaw po Ang magiging daddy ko?"
"Payag ka ba?"
"Yeheey!!!! Magkaka-daddy na Ako!" Pumapalakpak sa tuwa. Wika Ng bata at pinupog pa nito Ng halik Si Jaylord.
"Let's go inside and tell lolo about the good news.
Hindi na Siya nagpatumpik-tumpik. Baka Hindi na dumating Ang Isa pang pagkakataong ganito kung magpapakipot pa Siya.
At saka sure na sure na Siya sa sarili Niya.
Mahal ko talaga Ang unggoy na ito.
Alam Niya na magugulat ang pamilya nya at mga kaibigan Niya kapag nalaman na nabihag ni Jaylord Haciendo Ang puso Niya.
Pero okay lang.
Alam Niya, panalong-panalo Siya sa pagkakapunta nya sa Villa Haciendo.
Nagawa na nyang sampalin si Jaylord gaya Ng wish nya noon. Hindi lang Niya AKALAIN na mabihag Ang kanyang puso sa lalaking ito.
Isang maluwang na ngiti Ang pinakawalan nya.ngiti Ng kaligayahan at tagumpay..
The End
A/N:
Gusto ko lang pasalamatan Si @Mannymaya na bumoto sa aking mga chapter na ginawa..nag iisa man Siya pero Malaki na yong tulong para matapos ko tong storyang ito...(My first Book)
Oo nga pala,may ginagawa akong ibang story ang Title ay " Turn to Nothing...
Abangan NYo Si Era, Ang mabuhay bilang mahirap..
Ito ay hindi short story...
Hanggang sa muli