Lucy Heartfilia
It's been a week since nangyari yung kay Leandro. Leandro is a good friend of mine. Kuya-kuyahan ko sya. His a human like me. Basta tao syang katulad normal. Kasi kahit may kakayahan ako tao pa rin ang tingin ko sa sarili ko.
"Ate Lucy?" Bigla akong napatingin sa tumawag sa akin. Si Zeref. Simula kasi last week pag kaming dalawa lang ang magkasama ina - ate nya ako. Wala daw syang ate eh! Wala pa daw yung mate ng kuya nya.
"Tapos na yung report na pinapagawa mo sa akin. Nai ayos ko na ring yung mga meetings mo this month."pahayag ko sa kanya.
"Ahm, ano kasi ate?" Alanganing tugon nito sa akin.
Napatawa nalang ako sa kanya. Alam ko naman kasi kung bakit sya aligaga.
"Fine! Magbabakasyon ako, mga isa or dalawang buwan. Tapos, gawin mong temporary secretary yung mate mo. Gawin mo ang lahat para makuha mo ang kanyang loob." Suggest ko bigla sa kanya.
"Oh, come on! I know everything. You know bago pa mangyari sayo, nakita ko na lahat." Sabi ko ulit sa kanya.
"Thank you talaga, Ate!"
"Bago ka magpasalamat sa akin. Ihanap mo muna ako ng place kung saan ako pwede magbakasyon." Sabi ko sa kanya.
"Ano bang gusto mo ate?" Tanong nito sa akin.
Nasa labas kasi kami ng office nya. Nasa table ko lang dito sa labas ng office nya. Umupo lang sya sa harap ng table ko. Hindi naman kasi cubicle. Para kasi kita ako ng boss ko kung nagttrabahi ba ako o hindi.
"Gusto ko tahimik, yung bang malayo sa syudad. Hmmm, gusto ko sanang umuwe sa mga lola ko, yun nga lang nakakasawa nang dun ako umuuwi." Sabi ko dito.
"Okay lang sayo sa bukid? Yung malayo sa kabihasnan?" Zef
"Yeah! Sa mga ganon places ko nga gusto." I answered.
Mas gusto ko kasi yung malayo sa syudad, yung bang tahimik lang.
"What do you think of our pack?" Biglang suggest naman nito sa akin. Sasagot na dapat ako sa kanya ng may mga nakita akong images sa utak ko. Hindi ko maintindihan ang nakita ko masyadong mabilis para bang pahapyaw lang ang nakita ko. Dahil dun bigla akong napahawak sa sentido ko agad.
"You okay, ate?" Biglang tanong sa akin ni Zeref nahihimigan ko rin ang pag aalala sa boses nya.
"Hmmm, mukhang may mangyayaring sa akin sa pack nyo." Biglang pahayag ko sa kanya.
Nagkaroon naman gatla sa kanyang noo. "What do you mean, Ate?" He asked me.
"Dunno, minsan lang naman tong mangyari sa akin eh, para bang pag tungkol sa akin lagi nalang may prelude. Bago ko pa makita ng buo kelangan makarating na muna ako sa tamang lugar." Paliwanag ko sa kanya.
"Baka naman mated ko sa isa sa mga kapack members namin." Patawa tawa nyang tugon sa akin.
"Maybe yes or maybe no! Na eexcite tuloy ako. HAHAHA! So kelan mo balak papuntahin dito ang mate mo? Aba, marami rami din akong ituturo sa kanya. Lalo na't feeling ko magtatagal ata ako." Mahabang alintana ko sa kanya.
"Papuntahin ko na sya agad tomorrow. Ngayon palang tatawagan ko na si kuya para sabihin sa kanyang uuwi ako at may kasama akong pupunta sa pack." Sagot nito sa akin at saka naman nya ako iniwan agad. Biglang may nagring ang telephone dito sa table ko at syang sinagot ko naman.
"Good morning, this is Lucy Heartfilia executive secretary of Zeref Dragneel the CEO of Dragneel Corp. How may i help you?"
***
"Lunch time. Tara sabay na tayo." Nag ayos na kami ng gamit namin.
Nang makarating kami sa cafeteria dito sa corp. Bumili lang kami ng pagkain namin at nakahanap na agad kami ng upuan.
"After lunch, pupunta tayo sa every department para malibot mo ang buong corp. Ipapakilala na rin kita sa kanila." Pahayag ko sa kanya.
"Kelangan ba talaga na ipakilala mo pa ako sa mga heads ng bawat department?" Tanong nito sa akin.
"Yes, sa katunayan kasi nyan naka indefinite leave kasi ako, hindi ko alam kung kelan ako babalik, gusto ko kasing magbakasyon matagal na kaso di ko naman maiwan ang trabaho ko. Wala kasing makatagal sa ugali nyang si Zef." Sabi ko dito. Ewan ko ba naman kay Zef at napaka moody.
"Matagal ka na bang nagttrabaho kay sir Zeref?" Tanong nya sa akin.
"Yes, 5 years na akong nagttrabaho sa kanya." Tugon ko sa kanya.
Natapos ang tanghalian namin ng mga ilang sandali pa. At nagsimula na naman akong ipakilala si Mavis sa mga heads ng bawat department. Nagulat pa nga sila na magbabakasyon ako. Alam naman kasi ng lahat na hindi ako basta basta makakaalis ng trabaho ko. Hindi namin namamalayan ang oras kung hindi lang tumawag sa akin si Zef.
"Tapos na ba kayo, Lucy?" Bunggad nito sa akin.
Sinabihan ko kasi syang wag akong tawaging ate kapag may ibang nilalang akong kasama. Lalo na ang kanyang mate wag nyang iparinig na ang tawag nya sa akin ay ate.
Nung una ay nagtataka pa sya kung bakit pero dahil wala naman akong karapatan sabihin walang nakuhang sagot si zef sa akin.
"Kakatapos lang namin."
"Okay, I'll pick you up. See you later Lucy. " Pagkasabi nun sa akin saka naman nya agad binaba.
On the other side, nakita ko si Mavis na matalim ang tingin sa akin. Alam kong naririnig nya kung ano man ang pinag usapan namin ni Zef at kung paano maging malambing ang boses nya habang kausap ako. All i can say is she's not a human that's it. It's not my story to tell.
"Let's call it a day!" Masayang pahayag ko sa kanya.
"Sure!" Balik naman nya sa akin. Habang pababa na kami ng lobby i saw him agad na nag aabang sa akin. Pero hindi naman sa akin nakatingin kundi sa aking kasama.
"Zef!" Agaw pansin ko dito at saka naman hinalikan ko sya sa pisngi bilang pagbati ko sa kanya. Inakbayan naman nya ako saka tumingin kami pareho kay Mavis.
"Ms. Vermilion sumabay ka na sa amin" sabi naman ng isang to.
"No need, Sir. Malapit lang naman po dito ang apartment ko. Thanks for the offer." Tugon naman nito.
"Okay then." Tugon naman ulit ni Zef.
Minutes has passed
"Are you ready for tomorrow?" Tanong nya sa akin.
"Yeah, everything is ready." Tugon ko naman dito.
Paalis na kami tomorrow. Hindi ko namamalayan nasa apartment na pala ako. Bumaba na kami sa ng sasakyan. Dito kasi matutulog itong si Zef. Baka daw hindi sya magising ng maaga kinabukasan. Saka para madali nalang hindi na nya ako susunduin pa dito.
****
Maaga kaming nagising para magready na paalis. I'm just wearing jeans and T-shirt then rubber shoes same with Zef.
"Wala sana tayong makasalubong." Biglang pahayag sa akin ni Zef.
"Don't worry, kung meron man makakaiwas tayo." Saad ko sa kanya.
Ang ibig sabihin nya yung mga rogoues, yung mga lobong hindi nabibilang sa pack. Karamihan sakanila ay masasama pero meron pa rin namang mabubuti. Makalipas ang ilang oras nasa kagubatan na kami. Ang sabi sa akin ni Zef. Malapit na kami sa pack nila.
"Zef sa kanan ka dumaan." Sabi ko sa kanya.
Buti naman at hindi na sya nagtanong pa. May nakita kasi akong mga rogoues at nakita ko rin na mapapalaban si Zef sa mga yun. At dahil sa dami nila mapapahamak pa kami.
"Nasa borderline na tayo nang pack namin." Saad naman ulit nito sa akin.
Scene 1
"Sinong kasama mo, Zeref? She's a human." Tanong ng isang pack warrior ata. Ang tawag sa kanila.
"Yeah, she's a friend. Nasabi ko na sa Alpha na may kasama akong tao." Sagot naman ni Zef sa kausap.
"Tsk, mukhang hindi sinabi ni kuya na may kasama akong tao." Alintana nya bigla.
"Thanks, at tinawag mo pa rin akong tao." Ngiting pahayag ko sa kanya.
"Sayo na rin nanggaling tao ka." Balik na sabi naman nito sa akin.
"Anong nirason mo sa kuya mo?" Tanong ko bigla dito.
"Hmmm, katulad ng usapan natin. Naghahanap ka ng tahimik na lugar para makapagbakasyon ka. Sinabi ko rin sa kanya na mas gusto mo ang liblib na lugar na hindi ka agad mahahanap ng kung sino. Tho sabi ko pa sa kanya na wala naman naghahanap sayong tao." Mahabang sagot nya sa akin.
"Right, walang tao ang naghahanap sa akin. Pero mga lobo meron." Sagot ko dito na biglang ikinalingon nya sa akin.
"At sinong lobo naman ang naghahanap sayo?" Tanong nito sa akin.
"The Alpha King and The Soon-to-be Luna Queen." Sagot ko dito na ikinalaki ng mga mata nya. Hindi nya inaasahan ang sagot ko sa kanya.
"Drop the topic." I sense someone listening to us. Pero alam kong hindi nya narinig ang huling sinabi ko kay Zef.
"Nga pala Lucy, sa bahay ko ikaw titira. Knowing you, mas pipiliin mong mag isa sa bahay. Pero wag kang mag aalala ihahabilin kita sa isang omega na puntahan kada may kailangan kang iutos." Saad nito sa akin. At tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
"At saka bago tayo pumunta sa bahay ko. Pack house na muna tayo para makilala mo ang Alpha ang kuya ko." Huling saad nya sa akin.
***
May natatanawan na akong isang mansion na may magandang garden sa harap. Mukhang ayun na ang sinasabi ni Zef na pack house. Ang ganda. Nang makababa kami ng sasakyan ay talaga nakatulala pa rin ako sa mansion.
"What do you think?" Pagkasabi sa akin ni Zef pagkapasok namin sa pack house.
"You were right!" Saad ko dito.
"Right about what?" Tanong nya sa akin.
"On your wild guess. But i don't know who." Tugon ko sa kanya. Hindi kami nagbubulunga kasi may mga werewolfs kaming kasama rinig pa rin naman nila kahit magbulungan kami.
"Palabas na si Kuya. Dito na muna tayo sa salas." Saad nya sa akin.
"Lucy, this is Grey Fulbuster, the beta. And Grey this is Lucy Heartfilia my friend." Pagpapakilala sa akin ni Zef sa beta.
Nakipagkamay naman ako dito ng akmang aalis na nya ang hawak sa kamay nya ng biglang humigpit ang kapit ko sa kamay nya. Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahugpo. I saw images running in my mind.
"Miss, can let go of my mate? I'm kinda possessive with him." Biglang sabi ng isang babae sa amin.
"I'm sorry!" Saad ko.
"Are you okay, Lu?" Tanong sa akin ni Zef. Bahagya lang akong tumango sa kanya.
"Zeref?" May biglang tumawag kay Zef kaya ang lahat napatingin sa nilalang na iyon.
Isang lalaki ang nakita ko. Nakatingin lang din ako sa kanya. Nakatitig lang din naman ito sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa nilalang na to. Bigla naman ako napatingin sa tumikhim nagbalik agad ako sa realidad.
"Hi, I'm Lucy Heartfilia" pagpapakilala ko sa bagong dating saka nilahad ang aking kamay. Please, tanggapin mo ang pagpapakilala ko.
"Etherous Natsu Dragneel" Maikling pahayad nya sa akin saka inabot ang kanyang mga kamay.
Pagkahawak na pagkahawak nya na ng kamay ko. I saw sceneries of what will gonna happened to us. We are mates. But cannot be together. Hindi kami maaring magsama. Pagkatapos kong makita ang mga images na yun. Unti unti ko nang binawi ang mga kamay ko sa kanya. Na halata ko pang ayaw nya pang butawan ang mga kamay ko.
"Apologies Alpha, I want to rest. Zef, let's go."
Tumango lang naman ito sa akin. I can see in his eyes his happy at the same time sad.
"Were here, Lu!" Biglang sabi sa akin ni Zef. Hindi ko na napansin.
"Something's wrong?" Nakaupo na ako dito sa salas pagdating namin.
"His my mate."
"Who?" Tanong nito sa akin.
"The Alpha of this pack, your brother. Etherous Natsu Dragneel" pagkasabi ko nun biglang tumulo mga luha ko. Hindi ko na napigilan pa.
Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya. Na may halong pagtataka.
"We can't be together. He knows that."
I want to be with him but i can't.
Why moon goddess?
Death.