CHAPTER 54 “You supported him?” pagtatanong ni Samuel na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya maatim kapag nalaman ng babaeng kasama niya ngayon sa kanyang condo ang binabalak ng kanyang pinsan. Na-imagine niya palang ang reaksyon ni Marina ay hindi na niya kinakaya, paano pa kaya kapag nakita na niya mismo? “That was for the best,” paliwanag ni Henry. Ang gusto niya sana kanina ay pumunta sa condo nila para yayain na rin si Oliver ang kaso nga lang ay nauna na pala si Samuel at may kasamang iba. Usapan kasi nila noon bago nila bilhin ang condo ay hindi pupunta ang isa kapag may bisita ang isa lalo na kapag babae. Pumayag silang dalawa, to respect each other’s privacy. “For the best? Henry?” mukhang si Samuel pa ang na-stress keysa sa kaibigan niyang makik

