CHAPTER 66 Dahil sa pagkasabik ng mga fans ay hindi na nila napansin kung saan nakatingin si Avery at kung ano man ang sinabi nito. Abala sila sa galak na nararamdaman nila dahil sa nakalipas na isang taon ngayon lang muli nangyari ang pagkakataon na ito. Ngayon lang ulit nila nasilayan ang kanilang iniidolo sa gantong mga event. Oo at nakikita nila siya sa social media lalo na kapag may mga fans na aksidenteng nakita si Avery sa public places at nagpapicture sila sa dalaga pagkatapos ay in-upload nila iyon sa mga social media accounts nila. Sa loob ng isang taon ay nagtiyagang ganoon lang ang balita nila tugkol kay Avery. Hindi nila maiwasan na ma-miss ang dalaga. Halos hindi naman makagalaw si Oliver dahil sa gulat. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ang sinabi ni Avery o kung siya

