CHAPTER 60 (Part 2) Ilang minuto ang lumipas at ganon ang kanilang posisyon. Si Elisa na walang sawang umiiyak at humahagulgol habang si Marina naman ay nagpipigil ng kanyang luha. Gustong-gusto na niyang sugurin ang kanyang pinsan dahil sa ginawa nito sa kanyang kaibigan ang kaso nga lang ay hindi niya pa maiwanan sa ganitong kalagayan si Elisa. Kahit na kating-kati na ang kanyang palad na dumapo sa pisngi ni Oliver ay hindi niya kayang iwanan si Elisa nang ganito ang kalagayan niya. Dahil noong siya ang may kailangan ng kaibigan sa kanyang tabi ay hindi siya iniwan ni Elisa at kahit na hindi siya nagsasabi dahil mataas ang kanyang pride na aminin na nagkamali siya sa lalaking pinili niya ay hinayayaan lang siya ni Elisa at hindi niya ito hinayayaang mag-isa o ‘di kaya naman ay pinilit

