CHAPTER 69 Nakangiti si Avery habang naglalagay ng hikaw sa kanyang tenga. Ngayon ang enrolment nila para sa second semester ng kanilang academic year. At excited siyang pumasok dahil alam niyang maagaw niya ang atensyon ng lahat ng estudyante lalo na kapag nakita nilang magkasama silang dalawa ni Oliver. Tama, magkasama silang dalawa ni Oliver na magpapa-enroll dahil nadatnan siya ng ina ni Oliver sa bahay noong bumisita ito noong nakaraang linggo. Iyong mama rin niya ang nag-suggest sa anak niyang samahan siya nito. Siguro ay nakabuti rin na sinabi niyang wala siyang magulang na nakasama sa paglaki dahil dumagdag ang simpatya ng ina ni Oliver sa kanya. At hindi niya maiwasan na mapangiti dahil konting-konti na lang ay mabibilog niya ang binata sa kanyang dalawang kamay. Umaayon nam

