CHAPTER 70 (Part 2) Habang nanonood sila sa sala ay hindi maiwasan ni Lindsey na pagmasdan ang kanyang kaibigan dahil sa naalala niyang nangyari noong orientation. Alam niyang kayang totohanin ni Avery ang sinabi niya kay Marina. Ang nakakatakot kasi kay Avery ay hindi mo man mababasa ng ganoong kadali ang mood niya, hindi mo makukuha kung ano man ang nasa isip niya. Iyong mga ngisi niya ay hindi mo malalaman kung ano nga ba talaga ang kahulugan. Ang mata niya na para bang sinusuri at sinusunog ka na ng mga ito pero kita mo ang ngiti sa kanyang labi kaya naman maguguluhan ka kung dapat ka bang matakot o hindi. Ilang taon na silang magkasama. Pero sa loob ng ilang taon na iyon ay hindi pa rin mabasa o mamemorya ni Lindsey ang kanyang kaibigan. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit na

