CHAPTER 74 Sa pagkakataon na ito ay lubusan na niyang nakilala ang dalaga. Para bang isang libro na nagbukas sa kanyang harapan para kanyang basahin na may pag-unawa. Para bang nasimulan na niyang basahin ang isang libro na tinalikuran basahin ng lahat dahil hindi nila nagustuhan kung ano man ang nasa cover nito. Hindi na sila nag-abalang magbuklat ng pahina dahil lang sa bumungad sa kanila na hindi maganda kung ano ang nasa cover nito. Pero nagpapasalamat siya na binigyan niya ng pagkakataon ang kanyang sarili para buksan at basahin ang mga nakasulat na pahina sa libro. Na naging malakas ang kanyang loob kahit na sinasabi ng ibang tao na huwag niya dapat basahin dahil magsasayang lag siya ng oras. Pero alam niya na hindi siya mag-aaksaya ng oras lalo na kapag ang dalaga iyon. Hindi m

