CHAPTER 75 (Part 3) Halos hindi makagalaw si Elisa sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan niya ang dalawang pigura na pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang buong akala niya ay nawala na ang sakit dahil isang buwan na rin ang nakalipas at nakikita naman niya palagi ang lalaki sa campus, nalulungkot siya dahil naghihinayang siya na hindi sila ang para sa isa’t-isa. Ang kaso lang ay kailangan na niyang tanggapin na wala na talaga sila, na wala na kung ano man ang relasyon na meron sila. Wala na rin ang dating lalaking kilala niya na palaging nandiyan sa oras na kailangan niya. Ang buong akala niya ay unti-unti na siyang nakakapag-move on dahil hindi na masyadong masakit kapag nakikita niya ang lalaki at nakakasalubong niya sa campus. Oo nandoon pa rin ang kirot sa t’wing naririnig niya

