CHAPTER 58 Padabog na pumasok muli si Marina sa kwarto ni Samuel, nilakasan niya talaga ang pagsara non para iparamdam sa binata na hindi siya natuwa sa kung ano man ang ginawa nito. Alam niyang hindi naman siya inaasar ng binata peor parang nainsulto siya sa sinabi nito. Tiyaka teka nga lang muna, e ano naman kung wala siyang bra? Bakit kailangan niya bang tingnan ang bandang dibdib niya?! Susugurin na sana siya ni Marina ang kaso nga lang ay mas pinili niya na lang pumasok sa banyo at nagshower na lang din siya keysa maubos ang kanilang oras sa pagtatalo. Mas kailangan siya ng kanyang kaibigan ngayon keysa paganahin niya ang inis niya kay Samuel. Dahil natuyo na rin naman ang kanyang bra ay iyon ang sinuot niya. Mabilis lang ang pagligo niya dahil ayaw niyang magsayang nga ng oras.

