CHAPTER 74 (Part 4) Napalapit na rin si Manolo kay Elisa dahil sa kanyang kapatid. At sa pag-oonserba niya ay mahinhin, inosente, mabait, mapagbigay at mahaba ang pasensya ng dalaga kumpara sa kanyang kapatid. Kaya siguro sila naging magkaibigan dahil magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Habang ang kapatid niya ay napaka-ikli ng pasensya, ang kaibigan naman niya ay sobrang haba ng pasensya at maintindihin. Minsan nga ay humahanga siya kay Elisa dahil siya lang ang kaisa-isang tao na hindi nila kadugo ang nakakatiis kay Marina. Maging ang iba nga nilang kadugo ay sumusuko na sa ugali nito pero si Elisa ay hindi man lang niya iniwanan o sinukuan ang ugali ng kanyang kapatid kahit na minsan ay napaka-immature at wala na sa hulog ang mga pinagagawa niya. Na-appreciate niya ang nagawa at ginag

