CHAPTER 65 Pumasok si Avery sa likuran ng mall dahil doon ang recommended na pauskn ng kanyang manager at editor niya. Ang ibang mga fans kasi ni Avery at mga bata pa, mga mahihirap suwayin at baka masaktan si Avery. Kapag nangyari iyon ay hindi nila alam kung ano ang ire-react ng dalaga. Kung ayos lang ba iyon sa kanya since ayaw niyang ipakita sa kanyang mga taga-hanga ang kanyang tunay na ugali o mawawala ba siya sa mood dahil nasaktan siya ng isang estranghero sa kanya. Hindi nila mabasa ang kanyang mood kaya iyon ang naisip ng kanyang manager at editor na mai-ingatan si Avery hindi lang pisikal kung hindi maging ang mood nito. May apat na bodyguard din na nakasunod kay Avery kung sakali man na may ibang fans na makakita sa kanya para maprotektahan din siya. Hindi lang ang apat na b

