I still don't know how to talk to Anton right now because of his revelation the other day when he came back. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ito at hindi ko man lang namalayan. And it's been three days now since he came back but i still don't want to talk to him. May tampo ako at hindi ko alam dahil siguro ito sa pagbubuntis ko kaya hindi ko ito magawang kausapin. Gabi na naman at makakatabi ko na naman ito sa pagtulog kaya napahinga na lang ako ng malalim. Nang pumasok na ito dito sa kwarto ay napasimangot ako dahil tila masaya pa ito base sa buska ng mukha nito. Nakapagpagupit na pala ito at wala na rin balbas kaya napakagwapo na naman nito pero galit ako kaya humiga na ako at nagkumot. Nakaligo naman na ako at handa nang matulog hinaplos ko ang tiyan ko at napapikit.

