Nakatitig ako sa lalakeng kausap ni papa na bisita namin ngayong araw.
Hindi ko alam pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pagkakatitig sa lalake.
Nang makita ako ni papa ay agad niya akong pinalapit sa kanila kaya nahihiya ako na lumapit dito.
“Anton ito nga pala ang pangalawa kong anak si Lirabelle.“ Pakilala ni papa sa akin sa lalake na tinitigan ako at tumango lang sabay ngiti.
“Anak ang Ninong Anton mo nga pala, kadarating lang niya galing ng Amerika at mananatili siya ng ilang araw dito.“ Sabi ni papa ulit kaya tumango lang ako.
“How old is she Leroy?“ Tanong nito kay papa na may accent ang boses.
“Sampung taong gulang na.“ Sagot ni mama nang lumabas ito mula sa kusina at may dalang miryenda.
Natakam ako dahil may biko na ginawa si mama.
“Oh, parang kailan lang ng kinalong ko siya sa simbahan ngayon ay may dalagita ka nang anak.“ Sabi nito kay papa at nagtawanan sila.
Kumuha ako ng platito at naglagay ng slice ng biko at binigay ko kay Ninong Anton kaya napangiti ito at nagpasalamat.
“Thank you sweetheart.“ Sabi nito na ikinainit ng pisngi ko.
Kumain na lang ako at nanood ng telebisyon, habang si papa at ninong pogi ay nagkukwentuhan.
Pogi kasi pogi naman talags ito at tila isang action star dahil sa bakat ang itim na t-shirt na suot nito sa matipuno nitong katawan.
Nababaliw na ako dahil sa naiisip ko, kung malalaman ni mama ang nasa isip ko ay tiyak na kurot sa singit ang abot ko dito.
Mayamaya lang ay maingay na dumating si kuya at ang bunso kong kapatid at nang makita ng dalawa na may bisita kami ay agad itong nanahimik.
Nag-mano sila kay mama at papa at saka kay ninong.
Tumayo ako at kinuha ang towel na nakasabit sa may hagdan at pinunasan ko ang pawis ni Lino.
“Ate may bago akong laruan.“ Masaya nitong turan kaya napangiti ako at at pinindot ang pisngi nitong matambok.
“Piggy ako rin may pawis.“ Sabi ni Kuya Miro kaya napasimangot ako pero tumawa lang ito ng malakas at kaya napapadyak ako.
Oo nga pala medyo may katabaan ako at normal lang naman ito kapag nag-thirteen na ako sisiguruduhin ko na papayat ako at magpapa-seksi.
Hindk ko sinasadya na mapatingin kay Anton na nakatitig rin pala sa akin kaya namula ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Naglinis kami ni mama ng kwarto sa taas katabi ng kwarto ni kuya at Lino, ang kwarto ko ay sa dulong bahagi at katabi ng library at kwarto ni mama at papa.
Lima kasi ang kwarto dito sa taas at ang isa nga ay ang guest room na uukopahin ni ninong.
Medyo malaki ang bahay namin at may third floor pa at dito ang billiard area ni papa at kuya at ang labahan at sampayan na rin namin.
Ang hagdan papunta dito ay sa tapat ng kwarto ko at madadaanan ito.
Habang inaayos ko ang kobre kama ay napatingin ako sa unan na gagamitin ng gwapo namin na bisita at pinalo ito.
Eleven years old pa lang ako pero grabe na ang imahinasyon ko.
“Anak kapag natapos ka ay puntahan mo na si papa mo at ninong mo na pwede na nitong ayusin ang gamit nito dito sa kwarto.“ Sabi ni mama kaya tumango lang ako at nag-spray ng air freshener para lalong bumango sa buong silid.
Nang matapos ako ay dumaan muna ako sa kwarto ko para patayin ang aircon ko na pinalamig ko na ang kwarto ko at umakyat na ako papunta sa third floor.
“Kumusta ang mga kaibigan natin Anton?“ Narinig ko ang seryoso na tanong ni papa kay ninong kaya napahinto ako.
“Nasa iba't ibang lugar na sila at may kanya-kanya na rin na buhay kagaya mo.“ Sagot naman nito kay papa.
“May deathtreats ka pa rin ba na natatangap?“ Nagulat ako dahil sa tanong nito kay papa kaya napalunok ako.
Alam ko ang ibig sabihin nito may banta sa buhay ng pamilya namin kaya napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang kabog.
Muli akong bumalik sa baba ng dahan-dahan at nagulat ako ng makita ko ang bunso kong kapatid na palapit sa akin.
“Ate ko si papa nandyan? akyat ako.“ Sabi nito kaya tumango ako at sabay ulit kami na umakyat ng kapatid ko.
Agad na napangiti si papa nang makita kami at agad na kinarga ang kapatid ko.
Napatingin ako kay ninong na nakangiti na rin kaya lihim akong napaismid.
Ganito ba talaga ang mga sundalo? Magaling magtago ng emosyon lalalo na si papa na retired na sa pagiging sundalo.
Limang taon na rin mula nang umuwi dito sa Pilipinas si papa na nagtatrabaho sa Amerika bilang isang US Navy, at nag-for good na ito mula nang isilang ni mama ang bunso namin.
Sa ngayon ay ang trabaho ni papa ay may welding shop at car wash siya na nasa labas lang nitong subdibisyon na tinitirhan namin.
Pero hindi ko pa rin makalimutan yong narinig ko at kinakabahan ako dahil may ganito pala na bahagi ng buhay namin.
Napapakamot na lang ako sa ulo habang nag-sosolve ng math problem na takdang-aralin ko at bukas ay ang math test namin.
Sa lahat ng subject ay ito ang pinakaayaw ko dahil sumasakit ang ulo ko.
Nagpapaypay ako ng karton ng gatas ni Lino na basta ko lang pinunit para maging pamaypay.
Mainit pero ayaw ko ng electric plfan kaya nagtatyag na lang ako sa pagpaypay.
Dito ako naabutan ni ninong na kakababa lang mula sa taas at nakabihis ito.
Agad kong inayos ang maluwag kong t-shirt na basta ko lang sinuot kanina pagkagaling ko ng school.
Si mama at papa ay nagpunta ng palengke para mamili para sa hapunan kasama si Lino at si kuya naman ay may volleyball practice kaya ako lang at si ninong ang tao dito sa bahay.
“Bakit hindi ka gumamit ng electric fan?“ Tanong nito na umupo dito sa sofa at sinilip ang ginagawa ko.
“Ayoko po ng hangin na nagmumula diyan.“ Sagot ko lang dito at nagpatuloy sa ginagawa ko.
“Kakaiba ka talagang bata.“ Sabi na lang nito na ikinabelat ko.
Nagulat ako ng hawakan ako nito sa likod kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.
“Gusto mo turuan kita?“ Tanong nito na nalatingin sa papel ko kaya tumango na lang ako.
“Baka po aalis ka.“ Sabi ko dito na umupo sa tabi ko kaya naamoy ko ang bango nito na nanuot sa ilong ko.
“Mamaya pa naman ako aalis, kapag nakauwi na ang mama at papa mo.“ Sabi nito kaya tumango lang ako.
At dahil naka-focus ako sa tinuturo niya na teknik sa pag-solve ng math problem ay namangha ako sa paraan nito.
Fast learner naman ako kaya agad ko itong nakuha kaya nagpasalamat ako dito.
“Ayoko ng thank you lang gusto ko may kiss.“ Sabi nito na nakangiti kaya nanlaki ang mga mata ko pero agad itong napatawa sabay gulo sa buhok ko.
Pero dahil pagkakataon ko na ay agad akong dumukwang at hinalikan ko ito sa pisngi at saka ako tumakbo paakyat.
Narinig ko pa ang malakas nitong tawag sa akon pero napatawa lang ako at agad na tumakbo papasok sa kwarto ko.
Three months na nanatili sa bahay namin si ninong at sa tatlong buwan ma iyon ay wala akong kasingsaya.
Marami kaming naging bonding syempre kasama si kuya at si Lino na naging malapit na rin dito.
Pero nang matapos ang araw na iyon ay aalis na naman ito at hindi ko alam kung kailan na naman ito babalik.
“I will try to comeback and visit you again.“ Sabi nito nang ihatid namin siya sa airport kaya masama ang loob ko.
“Tumawag ka Anton kapag nasa Amerika ka na.“ Sabi ni papa dito na nagkamayan pa sila at nang mapatingin sa akin si Ninong Anton ay lumapit ito sa akin.
“Be good Lirabelle and remember the things that i teach you.“ Sabi nito kaya napangiti na ako at yumakap ako dito ng mahigpit.
“Huwag kang mag-asawa hintayin mo ako kasi ikaw ang pakakasalan ko.“ Lakas loob kong turan dito na ikinatawa nito ng malakas, habang si papa naman ay sinaway ako pero tumawa na rin.
“Mukhang tinamaan sayo ang unica hija ko.“ Sabi ni papa kaya napasimangot ako at hinalikan ko sa pisngi si ninong.
“I have gift for you kunin mo sa kwarto ko pag-uwi mo.“ Bulong nito kaya napatango ako at napangiti.
Habang pauwi kami ni papa ay nasa isip ko na kailangan kong maging maganda at seksi sa future para magustuhan ako ni Ninong Anton.
Alam ko na bata pa ako at para kina papa at ninong ay isang pangbatang banat lang sinabi ko kanina pero para sa akin ay totoo ito.
Pag-uwi namin ni papa ay agad akong umakyat sa taas at pumunta ng kwarto na inukupa ni ninong.
Agad kong kinuha ang maliit na box na may card rin at may pa advance birthday gift pa ito.
Napaupo ako sa kama at nakangiti ko itong binasa.
Kinilig ako at napangiti ng malawak, next month pa ang birthday ko pero naka-advance na ang first ever gift na natangap ko sa crush ko.
Binuksan ko ang maliit na kahon at nakita ko ang isang necklace na silver at may letter ng pangalan ko ay sa gitna ay isang hugis puso.
Napaka-unique ng pagkakagawa nito pero this is my most precius treasure now.
At nagmula ito sa unang lalake na nagpatibok ng bata kong puso.