Nagpumiglas ako sa yakap ni Anton at pinilit ko na makawala dito dahil halos mawalan na ako ng hangin sa baga ko dahil sa halik niya na halos kainin na ang bibig ko. “What the hell Anton, bakit mo minukbang agad si Lirabelle!?“ Gulat na sigaw ng isang boses na pamilyar sa akin kaya dito ako nito binitiwan at nakatingin sa amin si Kuya Troy at si Ares na gulat rin ang mababakas sa mukha. Agad kong tinulak paalis sa katawan ko si Anton at agad na tumayo saka ako humihingal na pinagpag ang damit ko. “Wow! I can't believe my eyes na miss ko tuloy ang asawa ko.“ Sabi ni Kuya Troy na tumatawa lang kaya napatitig ako dito. Napatitig ito sa akin at nginitian ako at ganon rin si Ares kaya napairap lang ako at akma na akong tatalikod sa kanila pero nagsalita si Anton. “Are you not going to say

