Nasa conference room na ang mga akusado at taas noo ako na nakasunod kay Anton na agad akong inalalayan na makaupo sa tabi nito. Nandito si Diane at ang ama nito at syempre ang mga accomplice nilang mag-ama at ang kasama na nambully sa dalawa kong kaibigan. Nagsimula si Mrs. Reyes sa pagtatanong sa nangyari at gusto kong tumawa dahil sa lakas ng loob magsinungaling ng mga ito. I want to speak but Anton is warning me with his looks. Napahalukipkip na lang ako at inis ko itong tinignan. “Hindi namin tinotolirate ang bullying dito sa kumpanya kaya alam niyo naman siguro kung ano ang mangyayari sa inyo.“ Sabi ni Ares na nandito na rin kaya napahinga lang ako ng maluwag. “Pero wala naman basehan na nabully ang mga bago dito Ares.“ Sabi ng ama ni Diane na malakas talaga ang loob kaya nakit

