Kabanata 2

1306 Words
“Siya na ang bago mong daddy ngayon, Lyara! Bigyan mo siya ng respeto dahil mahal siya ni mommy!” “Paano mo po nasasabi na mahal mo siya? Dalawang buwan palang po simula ng mamatay si daddy, mommy! Paano mo napalitan ang daddy ko ng gan’on lamang!” hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko ng mga oras na ‘yon. Ang mga luha ko ay nagsimula ng magpatakan habang madiin na nakahawak sa tinidor ko. Ngunit hindi nagalit si Death. Sa halip, dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang upuan, ang mga daliri ay magkakasalabid habang pinagmamasdan ako. May isang mapanganib na kislap sa kanyang mga asul na mata—hindi galit, kundi pagka-aliw. “Let her be, Elena,” utos niya kay Mommy nang hindi man lang ito nililingon. “I like her spirit. Defiance is such a rare quality in a child. It makes the process of... breaking them... more satisfying.” Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'breaking them,' pero kinilabutan ako. Tumayo si Death at dahan-dahang lumapit sa aking pwesto. Ang bawat yabag ng kanyang sapatos ay tila ingay na siyang mas nagpapakaba sa akin. Huminto siya sa likuran ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan sa likod ko. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa sandalan ng aking upuan, tila ba kinukulong ako sa loob ng kanyang mga braso. “What do you want, Lyara? Anything in this world. Sabihin mo lang, at ibibigay ko sa iyo,” bulong niya sa aking tainga. “Gusto ko... gusto ko lang bumalik sa garden,” sagot ko, pilit na pinipigilan muli ang pagluha. “The garden?” mahina niyang tawa. “The world is too big for a garden, little bird. But if that's what you want, I will build you the largest garden in the country. But with one condition.” Yumuko siya nang bahagya, sapat na para masalat ng dulo ng kanyang ilong ang aking buhok. Huminga siya nang malalim, tila ba ninanamnam ang amoy ng aking pagkabata. “You will only play there when I am watching. You will not show your smiles to anyone else. Only to me. Do you understand?” Tumingala ako at nagtama ang aming mga mata. Sa lapit na iyon, nakita ko ang sarili ko sa repleksyon ng kanyang asul na mga mata. “Bakit?” tanong ko. “Because you are mine now, Lyara Castellano. Your mother sold this house, her soul, and her daughter to save her pride. And I am a man who likes to keep his properties in pristine condition.” Hinawakan niya ang aking pisngi, ang kanyang hinlalaki ay marahang hinahaplos ang aking labi. “You will grow up to be the most beautiful thing I own. I can already see it. Fifteen years... I can wait. I have all the time in the world to watch you bloom.” Mabilis akong tumayo, muntik nang mabuwal ang upuan ko. “Mommy! Aakyat na ako!” Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Patakbo akong lumabas ng dining room, paitaas sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay agad kong ni-lock ang pinto at sumandal doon, habang ang puso ko ay parang gustong kumawala sa aking dibdib. Natakot ako, sampung taon lamang ako ngunit bakit naiintindihan ko ang sinabi niya? Papatayin ba niya ako? Ibebenta din ba niya ako? Unti-unting kinain ng takot ang bata ko pang puso sa mga oras na ito. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng gate sa living room. Sumilip ako sa bintana ng aking kwarto na nakatapat sa driveway. Nakita ko si Death na lumabas ng mansyon para sagutin ang tawag sa kanyang cellphone. Ngunit bago siya sumakay sa kanyang sasakyan, tumingala siya. Isang ngiti na naman na kakaiba ang ibinungad niya sa akin. Habol ko ang aking hininga nang bigla akong napa-upo sa kama. Basang-basa ng malamig na pawis ang aking noo, at ang t***k ng puso ko ay parang tambol na nagwawala sa loob ng aking dibdib. “Panaginip lang…” bulong ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit alam kong nagsisinungaling ako. Hindi iyon basta panaginip. Iyon ay isang alaala—isang bahagi ng nakaraan ko na pilit kong ibinabaon sa limot sa loob ng labinlimang taon, pero tila isang multo na laging humahanap ng paraan para bumalik. Ang malamig na haplos ng mga daliri ni Death sa aking pisngi... ang kakaibang kislap sa kanyang asul na mga mata... ramdam na ramdam ko pa rin ang kilabot na dulot niyon hanggang ngayon. Tumingin ako sa paligid. Hindi ito ang aking kwarto sa London. Ito ang kwarto ko sa mansyon ng mga Roosevelt—ang gintong hawla na iniwan ko noong sampung taong gulang pa lamang ako. Ang bawat gamit ay naroon pa rin, tila ba huminto ang oras sa silid na ito habang ako ay tumatanda sa ibang bansa. Kahit ang amoy ng kwarto ay hindi nagbago. Amoy ng mga mamahaling bulaklak at luma pero malinis na muwebles. Ngunit sa likod ng lahat ng karangyaan, naroon ang amoy ng pait. Ang magulo at malungkot kong buhay lalo na ngayong wala na si mommy. Tumayo ako at naglakad patungo sa salamin. Ang batang may gulo-gulong buhok at puting dress sa panaginip ko ay wala na. Ang nakaharap sa akin ngayon ay isang babaeng may magandang inukit na panga, malungkot na mga mabibilog na mata, at katawang hinubog ng pagdadalaga. Lumaki akong di hamak na mas maganda kay mommy, ang mukha ni mommy at daddy. “Bakit ako bumalik?” tanong ko sa aking repleksyon. Dahil ba sa huling hiling ni Mommy? O dahil sa utos ng lalaking kailanman ay hindi ko matakasan? Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin, ngunit ang init ng Maynila ang sumalubong sa akin. Mula sa itaas, natanaw ko ang garden kung saan ako huling naglaro kasama si Yaya Celia. Ngayon, ang garden na iyon ay mas malawak na, mas maganda, at mas... pribado. Naalala ko ang sinabi ni Death noon: 'I will build you the largest garden... but you will only play there when I am watching.' Napakapit ako nang mahigpit sa hamba ng bintana hanggang sa mamuti ang aking mga buko ng daliri. Hindi lang pala pangarap ang mga sinabi niya noon. Tinupad niya ang lahat ng banta niya. Napalingon ako nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. “Ma'am Lyara? Gising na po ba kayo? Nakahanda na po ang almusal sa ibaba. Hinihintay kayo ni Sir Death.” Ang boses na iyon... si Yaya Celia. Ang tanging taong naging sandalan ko bago ako ipatapon sa ibang bansa. Ngunit ang pangalang binanggit niya—Sir Death—ay sapat na para bumalik ang panginginig ng aking mga kamay. “Susunod na ako, Yaya,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses. Humarap ako muli sa salamin at nag-ayos. Isang simpleng itim na dress ang isinuot ko—ang kulay ng aking pagluluksa, hindi lang para sa aking ina, kundi para sa kalayaang alam kong unti-unti nang mawawala sa akin ngayong nasa ilalim na naman ako ng bubong ni Death Roosevelt. Sa bawat hakbang ko pababa ng hagdan, parang bumabalik ang eksena noong bata pa ako. Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang Mommy na naghihintay sa dulo. Nang marating ko ang dining area, napatigil ako. Nakaupo siya roon, eksakto sa pwesto kung saan ko siya huling nakita sa panaginip ko. Hawak niya ang isang dyaryo at isang tasa ng kape. Ang sikat ng umaga ay tumatama sa kanyang mukha, na lalong nagpatingkad sa talas ng kanyang mga asul na mata. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Ang mga asul na matang iyon... ang mga matang naging bangungot ko sa loob ng labinlimang taon. “You're late, Lyara,” bungad niya. Walang emosyon ang kanyang boses, “Did you sleep well? O dinalaw ka na naman ng mga alaala natin?” ngisi niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD