Attira: 14

1010 Words
“Hindi namin iyan kasalanan dahil si Bradeth ang naghanda ng lahat ng ito,”tugon ng aking ina, “Sinabihan na naman namin ito na huwag na maghanda ng marami pero tignan mo nga naman." Napatingin ako kay Bradeth na ngayon ay iniiwas nito ang kaniyang paningin habang umiinom ng wine. Napailing na lamang ako at kumuha na ng pagkain. “Kamusta naman ang pahinga mo, anak?” Tanong ni Daddy. Oo nga pala. Mabuti na lang at nagsalita agad itong si Daddy, naalala ko tuloy kung anong nais kong sabihin sa kaniya. Umayos ako ng upo at hinarap si Daddy. “Maayos man po, Dad,”tugon ko, “Pero...” Nagtatakang napatingin naman sa akin si Daddy at ganoon din si Mommy. “Bakit, anak? May problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Daddy. “Ayaw mo ba sa beach namin?” Nag-aalalang tanong naman ni Bradeth. Kitang-kita ko ang takot sa mga matan nito na hindi ko alam kung bakit. Gusto ko sana malaman pero mukhang may koneksiyon ito sa magulang ko. “Hindi po, hindi po, sa katunayan niyan ay gusto ko po talaga ang beach niyo. May iba lang akong concern kay Daddy at Mommy,”nakangiti kong tugon habang nakataas ang dalawa kong kamay. “Kung hindi ito tungkol sa beach ni Bradeth, ano iyon, anak?” Tanong ni Mommy. Kita ko naman ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ni Bradeth nang marinig nito ang tugon ko. Sa tingin ko ay labis ang kaniyang pag-alala na baka dahil sa sinabi ko ay may gawin si ama. Minsan talaga ay napapatanong na ako kung anong klaseng demonyo ang aking ama at bakit ganito siya tratuhin ng iba. Tapos, kadalasan pa sa aming mga katulong ay Mahal na Hari ang tawag sa kaniya. Kung hindi ko lang siguro sila kilala ay masasabi kong hari at reyna ang mga ito. “Kailangan po ba talaga na kasama ko ang mga guards niyo?” Tanong ko. “What do you mean?” Tanong ni Dad, “Kailangan mo ng mga bantay, anak. Hindi natin alam kung anong pahamak ang naghihintay sa iyo.” “Dad, nandito naman po si Hill. Saksi po kayo kung gaano ka makapangyarihan ito,”sabi ko kay Daddy habang nakaturo kay Hill, “Isa pa, mas kaya pa nga nitong protektahan ako kaysa sa dinala mong guro rito.” Natahimik naman si Dad at taimtim na nakikinig sa akin, “Alam ko po na nag-aalala kyo sa akin pero hindi naman po siguro ibig sabihin na kailangan ko na lang ng napakaraming bantay, hindi ba?” Nagkatinginan ang aking ina at ganoon na rin si Ama. Isang marahas na hangin ang pinakawalan ni Dad at tumingin sa akin habang may ngiti sa kaniyang mga lab. "Naiintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig, Anak. Sige, simula ngayon ay hindi ko na ipapala ang iba ko pang mga guards pero, hayaan mo lang ako na kahit dalawa lang sa kanila.” “Dalawa?” Tanong ko. Siguro hindi naman mawawala kung tatanggapin ko na lang ang dalawa kaysa naman ipapadala nila Papa ang anim hindi ba? “Oo, kung ayaw mo ay kailangan ko talagang ipapasunod ko ang anim sa iyo,”saad ni Dad. “Opo,”mabilis kong tugon, “Ayos lang sa akin na may dalawa akong kasama. Ayaw ko talaga ng ganoon kagarang attensiyon. Masiyadong agaw pansin ang ganoon.” Tumawa naman nang malakas si Ama atsaka tumango. Alam na alam talaga ni Daddy kung anong gusto at ayaw ko pero, heto pa rin naman siya. Nilalagay pa rin ako sa sitwasyon na kung saan ay ayaw na ayaw ko. “Sabi ko naman sa iyo mahal na talagang hindi ito magugustuhan ng iyong anak,”tugon ng aking ina, “Hayaan mo anak. Bukas na bukas din ay wala ng iba pang susunod na guards sa iyo bukod kay Hill. Sadyang makulit lang talaga ang iyong ama at ayaw makinig sa akin. “What do you mean?” Naguguluhan kong tanong. “What she mean is, ginawa ko lang ito para makita ang ganiyang ekspresiyon mo. Alam mo naman na minsan lang umuuwi itong ama mo,”tugon ni Daddy. Napahilamos ako sa mukha dahil sa kaniyang sinabi. Sinasabi ko na nga ba eh. “Daddy naman!” Sigaw ko. “Oo na, oo na. Wala na sila bukas kaya huwag ka na mag-alala,”sabi nito, “Kumain na tayong lahat bago pa lumamig itong mga pagkain natin, at lamunin ako ng sarili kong anak.” Tumawa si Ina at Bradeth sa sinabi ni Ama. Samantalang ako naman ay nakasimangot na nagpatuloy na sa pagkain hanggang sa tuluyan na akong matapos. Abala sa pagkwe-kwentuhan ang mga ito tungkol sa mga nangyayari sa underworld. Hindi ko naman sila maintindihan kaya nilabas ko na lang ang aking cellphone at binasa ang ilang mensahe na nagmula sa aking mga kaibigan. Pagkatapos ay ibinalik ko na ito sa aking bulsa at muling tinignan ang taong nasa tabi ng pinto. Tumango si Hill at ngumiti. Tumango lang din ako pabalik at humarap kay ina sabay sundot sa kaniyang braso. Agad ako nitong na pansin habang nakangiting nakatingin sa akin. “Bakit?” Tanong nito. “Nais ko lang po sana magpaalam, ina,”saad ko. “Tungkol saan naman iyon?” “Bukas po sana ay nais kong magpasama kay Hill pumunta sa may dalampasigan. May nakita akong ilang tao o tinatawag silang mangingisda kanina, tapos gusto ko sana masaksihan kung anong klaseng isda ang kanilang mga nahuli,”paliwanag ko rito. Doon ko lang din na pansin ang pagtahimik ng paligid. Nakatingin na sina Ama at Bradeth sa akin na para bang nagtataka sa sinasabi ko. Ibinaling ni ina ang kaniyang paningin sa aking ama. Hindi naman nagtagal at tumango rin ito. Napangiti naman ako nang tumango rin ang aking ina, “Basta kailangan kasama mo si Hill kahit saan ka man mapunta. Kapag lumayo ka sa kaniya, hinding-hindi ka na makakaalis ng walang bantay, maliwanag?” Seryosong sabi nito habang nakaturo ang kaniyang daliri sa’kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD