Hindi ko mapigilan na mapa-ikot ang aking mga mata bago sinagot ang tawag ni Laurice. Isang malawak na ngiti ang bumungad sa akin at isang tulog na tulog sa kaniyang tabi.
"Ano na naman ang kailangan mo, Laurice?" Tanong ko sa kaniya, "Bakit ba at na isipan mo pa na sa ganitong oras mo pa talaga na isipan ang tumawag?"
"Why? Is something wrong? Isa pa, gising na gising ka na naman eh,"depensa nito, "Hindi kasi ako makatulog dahil ang ingay nitong isa kapag ganitong oras."
Tinignan ko naman kung sino ang tinutukoy niya at nakita ang isa pa namin na kaibigan na talagang sobrang ingay kung matulog. Napailing na lamang ako at humiga sa aking kama. Nakatuon pa rin ang screen ng cellphone sa aking harapan.Umayos naman ng upo si Laurice at medyo lumayo sa kung saan kanina. Hinayaan ko lamang ito sapagkat, siya naman iyong nandoon. "Kailan pa pala kayo uuwi?" Tanong nito sa akin, "Nais ka sana namin ayain gumala. Huwag ka muna umangal, pagkatapos na ng final exam ang plano namin. Isa pa, nitong mga nakaraang araw, abala kami sa pag-aaral."
"Mabuti naman kung ganoon, akala ko ay kung saan-saan na naman kayo nakakarating at tuluyan ng pinabayaan ang inyong pag-aaral,"saad ko, "Nakuha niyo na ba ang notes na hiningi niyo kay Sir?"
Mabilis naman itong tumango at ngumiti sa akin. Tapos ay bigla na lang itong may itinaas na isang folder na sobrang kapal. Siguro ay ang notes na niya iyon na hiningi niya kay Sir kanina. Narinig ko ang pagkatok ng mahina mula sa pinto kung kaya ay agad akong napatingin dito.
"Pasok,"tugon ko.
"May tao ba riyan, Attira? Ang aga pa ah?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Si Hill lang. Maaga kasi akong na gising ngayong araw kaya maaga rin siyang na gising,"paliwanag ko.
"Ang weird,"ani nito.
"Weird?" Nagtataka kong tanong sabay taas ng aking isang kilay, "Paano mo naman na sabi na weird ang bagay na iyon?"
Inilipag ni Laurice ang kaniyang cellphone sa tingin ko ay sa phone stand at pumatong sa kaniyang upuan. Doon ko lang na pansin na nasa harap pala ito ng kaniyang computer na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang mesa sa kaniyang study table.
"Ngayon ko pa lang na rinig ang tungkol sa ganiyan, nagigising ng kaparehong oras sa kaniyang amo? I mean, don't get me wrong. I never heard of such a thing, para bang napapaisip tuloy ako na may koneksiyon kayong dalawa. Hindi naman kasi consistent ang pagbangon mo, minsan maaga ka, minsan naman ay late,"paliwanag niya, "Kaya nakakapanibago lang na ang isang katulong ay ganiyan kung umasta. Oh well, never mind. Halos lahat naman na tungkol sa pamilya mo ay talagang weird. No offense."
"No offense taken but, diyan ka nagkakamali. Laging gising si Hill sa ganitong oras. Lagi rin niya akong tintignan kung maayos lang ba ako o ano, may nangyari kasi sa akin habang mag-isa lang ako,"paliwanag ko sa kaniya.
Nilingon ko si Hill at nakitang hinahanda na nito ang pagkain ko. Hinayaan ko na lamang siya at ibinaling ang aking atensiyon kay Laurice.
"Kung sabagay pero, speaking of may nangyari ba sa iyo, kaya ba hindi ka namin ma-contact these past few days ay dahil diyan?" Nag-aalalang tanong nito. Isang marahan na tango lamang ang aking ibinigay at ngumiti sa kaniya, "Oh My! What happened? Ayos ka lang ba? May masamang nangyari ba sa iyo? Nasaktan ka ba?"
Heto na naman po ito.
"Calm down,"sabi ko, "As you can see, I am perfectly fine. There is nothing to worry about. Hindi nga lang ako na gising ng ilang araw pero overall, I felt perfect. Like all those fatigue were gone."
Natahimik naman ito at hindi agad umimik. Nakatingin lamang si Laurice sa akin na para bang sinusuri ang aking kabuuan. Siguro ay iniisip nito kung nagsasabi ba ako ng totoo o talagang nagsisinungaling lang. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya. Ito lang 'yong paraan para mabigyan ko siya ng kasiguraduhan na maayos lamang ako. Alam kong ilang tanong na ang nasa isipan nito at maya-maya ay baka bigla na lang itong sasabog.
"I wonder if you are really telling the truth,"she said, "I am really doubting tho. I don't know if it is the truth or not."
Huminga ako ng malalim tumayo na mula sa pagkakahiga. "Alam mo, kung hindi talaga ako okay. Sasagutin ko ba tawag mo? Alam ko kung anong klaseng kaibigan ka, alam kong nababasa mo kinikilos namin. Kaya para saan pa kung magsisinungaling ako? Hindi ba?" Depensa ko.
Sumimangot lamang ito atsaka inirapan ako.
"Handa na po ang iyong pang-umagahan, Mahal na Prinsesa,"sabi ni Hill at yumuko sa aking harapan. Tumango lamang ako at tinignan muli ang aking kaibigan.
"Sige na. Kakain na muna ako. Magpahinga ka na rin diyan, ikaw din, magsisisi ka rin,"paalam ko at tumayo na mula sa aking higaan.
"Sige. Sige. Inaantok na rin ako eh. Nais ko na rin magpahinga rito,"ani nito, "Good Night, Attira. Mag-ingat ka riyan."
"Kayo rin, at oo nga pala,"sambit ko, "May sasabihin ako sa inyo sa oras na makabalik kami riya. Panigurado ay hindi niyo ito magugustuhan pero tsaka ko na sasabihin kapag nandiyaan na ako."
"Ano na naman kaya iyan? Baka bigla ka na lang magpaalam sa amin at sasabihin na lang bigla na aalis sa pinas,"ani nito, "Alam ko naman na may mali talaga sa iyo. Kaya hindi na ako magugulat kung tungkol man sa bagay na iyan ang iyong sasabihin. Isa pa, pamilya mo iyan, desisyon niyo iyan kaya wala kaming karapatan na pigilan ka. Just, Just, please, inform us, okay?"
Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi at tumango, "Pangako, sasabihin ko rin sa inyong dalawa ang lahat. Sa ngayon ay kailangan ko muna ituon ang aking atensiyon sa pamilya ko,"tugon ko rito.
Tumango lamang si Laurice at nagpaalam na. Nang marinig ko ang mahinang tunog na nagpapahiwatig na pinatay na nito ang tawag ay agad kong binaba ang cellphone ko.
"Hill,"tawag ko sa kaniya.
"Bakit po, Mahal na Prinsesa?" Tanong nito at mas lumapit sa akin, "May kailangan po ba kayo?