Lumipas ang ilang oras ay na isipan na rin nila Khrisna at Laurice na umalis dito sa amin. Hindi ko alam kung ano na naman ang trip nila at nagpaalam sa aking ina na kung pwede, babalik sila rito bukas at dadalhin nila ako sa bahay nila Laurice. Ayon sa dalawa ay gusto raw nila akong makasama.
"Bukas?" Tanong ng aking ina habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Napatingin naman ang aking ina sa akin habang may nagtatanong na tingin. Mabilis akong nag-kibit balikat dahil wala talaga akong alam sa plano ng mga ito.
"Opo, tita. Gusto po sana namin isama si Attira sa girls night out namin,"ani ni Khrisna.
Nagtatakang napatingin naman ako sa mga ito dahil wala talaga akong alam sa pinaplano ng mga ito.
"Minsan na lang po kasi kami nagkakasama kaya nais sana namin na isama siya sa amin,"paliwanag ni Laurice, "Huwag po kayong mag-alala, tita. Kami lang naman tatlo ang nandoon."
Napataas ang aking dalawang kilay dahil sa kanilang sinabi. Sa loob ng halos ilang oras na pagsasama naming tatlo kanina. Wala man lang ni isa sa mga ito ang naglakas loob na sabihin sa akin ang kung ano ang nangyayari o kung ano man ang kanilang pinaplano?
Napatingin ang aking ina sa gawi ko habang may nagtatanong na mga mata.
"Ano ang pinaplano niyong gawin?" Tanong nito gamit ang kaniyang kapangyarihan.
"Aba malay ko sa mga ito. Gusto ko man sagutin ang tanong mo ay hindi ko rin naman alam kung ano ang rason ng mga ito,"tugon ko sa kaniya at bumuntong hininga.
"Sigurado ka ba riyan?" Tanong muli nito.
"Subukan niyong tignan. Nang malaman niyo kung ano talaga ang totoo, basta para sa akin. Wala talaga akong alam,"saad ko.
Ngumiti lamang ang aking ina habang pigil-pigil ang kaniyang hininga at tumingin sa mga kaibigan ko.
"Well, unfortunately, Attira's dad will be home tonight,"sambit nito na naging dahilan ng pagdilat nang aking mga mata.
Uuwi si Daddy ngayon? Akala ko ba ay marami pa siyang dapat gawin sa underworld? Bakit babalik na siya rito? Kapag ito nga ay totoo, malalagot talaga ako. Hindi ko pa nahahasa ang kapangyarihan ko sa alchemy at iyon ang pinaka dapat kong alamin. Noong huling bisita ni Papa rito sa bahay, ang dami niyang sinabi tungkol sa akin.
I am very incompetent daw at hindi ko man lang ginagawa ang lahat para mag-improve ako.
My dad is very strict in terms of enhancing my powers. Hindi ko nga naiintindihan kung bakit ganito na lang siya ka strikto pagdating sa akin. Alam ko naman na malakas si Daddy, at kahit si Mommy. Nakikita ko iyan, dahil isa ito sa kakayahan ko na hindi alam ng aking mga magulang at hindi ko man lang sinubukan na ipaalam.
Ayaw kong sabihin ito sa kanila dahil baka dadagdagan nila ang dapat kong gawin. Hindi ko na nga nakakaya sa isang araw ang gawain ko sa school tapos madadagdagan pa.
Tapos, ngayon na alam ko na na babalik si Daddy. Mas naiintindihan ko na ang rason kung bakit sabi ni Mama ay off ko ng isang linggo.
Off ng isang linggo? Oo, off sa kaniya pero hindi kay Daddy. Sa tingin ko nga ay halos times five ang pag-eensayo ko kay Daddy kung ihahalintulad ko ito kay Mommy.
Kung papipiliin man ako, walang pag-alinlangan na pipiliin ko ang paraan ng pag-eensayo ni Mommy. Mas madali ito at kaya kong maging mahina. Samantalang kay Daddy naman ay kailangan ko pang magkaroon ng ilang sakit sa katawan at ilang malalaking pasa na hindi ko alam kung saan galing.
"Ganoon po ba, tita?" Malungkot na tanong ni Laurice.
"Oo, mga iha. Pasensiya na kayo ha? Alam ko naman na gusto niyo lang makasama ang anak ko pero alam niyo naman ang Daddy ni Attira. Gusto niya itong nakakasama lagi kasi minsan lang sila nagkakasama,"paliwanag ng aking ina at ngumiti sa kanila.
Unti-unti itong lumapit sa mga kaibigan ko sabay haplos sa mga braso nito. Isang haplos na alam kong magdadala sa mga kaibigan ko sa pagtulog.
"Opo, tita,"sabay-sabay na tugon ng mga kaibigan ko at yumuko, "Aalis na po kami."
"Mabuti pa nga mga iha. Kailangan niyo na rin magpahinga dalawa,"ani nito at bahagyang itinulak ang mga ito.
Parang robot naman na naglakad ang mga kaibigan ko palabas ng aming pintuan. Pinitik ni Mommy ang kaniyang mga daliri at bigla na lang lumabas ang aking driver sa may pinto.
"Mahal na Reyna,"bati nito sabay yuko.
"Ihatid mo ang mga kaibigan ng aking anak sa kanilang tahanan,"utos nito sabay talikod at hinawaka ang kamay ko.
"Masusunod po,"tugon ng driver.
Simula noong bata pa ako ay isang malaking tanong sa akin kung bakit mahal na reyna ang tawag ng driver at maids kay ina. Samantalang mahal na hari naman sa aking ama. Hindi ko alam mung bakit pero sa tingin ko ay isa ito sa mga paraan ng mga tulad namin na magbigay respito sa kanilang mga amo.
"Mommy?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kamay nitong hawak-hawak ang aking kanang braso.
"Alam ko kung anong tanong mo at ang masasagot ko lang diyan ay oo. Oo at darating ang iyong ama bukas," ani nito habang diretso pa rin ang kaniyang paningin.
Sabi ko na nga ba eh!
"Bakit hindi niyo po sinabi agad?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"Ayon ang utos ng iyong ama. Ang hindi sabihin sa iyo na darating siya dahil gusto ka niyang esurpresa,"sabi ni Mommy, "Kaya umakyat ka na sa taas at magpahinga."
Mabilis kong hinila ang aking kamay habang naka-kunot ang aking noo na nakatingin kay Mommy. Mabilis naman itong napalingon sa akin na may nagtatanong na mga mata.
"Why?" Tanong nito.
"Mommy! Paano po ako magpapahinga kung si Daddy na ang pinaguusapan natin? Alam mo naman po kung gaano ito ka strikto pagdating sa ensayo! Hindi ko pa nga po natatapos basahin ang libro na ibinigay niya noong huling bisita niya!" Paliwanag ko rito.
Gulat na napatingin naman sa akin si mommy ngunit kalaunan din ay unti-unti na siyang ngumiti hanggang sa tuluyan na itong lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.