Attira: 02

1092 Words
Tahimik na naglalakad si Azazel patungo sa silid na pagdadausan nang kanilang pagpupulong. Lahat ng taong kaniyang nadaraanan ay halos manginig sa takot dahil sa kapangyarihan na pumapalibot sa kaniya. Diretso lamang ang kaniyang paningin at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa kaniya. “Mahal na Hari,” bati ng kaniyang mga tauhan at sabay-sabay na yumuko. Hindi ito pinansin ni Azazel at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Ang tanging nasa isip nito ay ang sitwasyon ng kaniyang asawa at kung ano ang dapat niyang gawin. Kinakabahan ito sa posibleng mangyari rito dahil baka bigla na lang itong ma-stress na maging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Alam ni Azazel na masama kay Morgana ang mag-alala ng sobra. Seryoso lamang na naglalakad ang mahal na hari at hindi nito na pansin ang paglapit ng isang katulong. Nakayuko itong naka-sunod kay Azazel habang hinihintay nito na mapansin ng Hari ang kaniyang presensiya, sapagkat natatakot siya sa pwedeng gawin nito sa kaniya. Naka-suot ang babae ng isang maluwang at mahabang damit. Litaw-litaw ang umbok nitong tiyan na kapansin-pansin ng lahat. Kinakabahan itong sinasabayan ang lakad ng hari pero hindi pa rin siya nito napapansin. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang mahabang pasilyo na walang kahit ni katiting na liwanag. Sobrang dilim ng paligid at nakakatakot. “Ano ang kailangan mo, Diana?” Tanong ng hari at tumigil sa paglalakad. Nanatili itong nakatingin sa kaniyang harapan at hindi man lang nag-abalang lingunin ang babae. “Nais po sana kitang maka-usap, Mahal na Hari,” saad nito habang naka-yuko pa rin. Hindi umimik si Azazel at hinayaan lang niya itong magsalita. Huminga nang malalim ang babae bago umimik muli. “Buntis po ako, Mahal na Hari,” walang patumpik-tumpik na sabi ni Diana at kinuyom ang kaniyang kamao, “Ilang buwan ko na po dinadala ang iyong supling, ngunit, wala po akong lakas upang sabihin ito sa iyo. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas na sabihin sa’yo ang tungkol dito.” Napatalon si Azazel ng bahagya dahil sa gulat. Hindi nito alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa kaniyang nalaman. Gulat man ay hindi pinahalata ng hari sa kaniyang kasama ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang mali ang na gawa niya nitong mga nagdaang buwan. Labis ang galit at kaniyang pagkadismaya noong nalaman niyang hindi magkaka-anak si Morgana. Kung kaya ay nakipag-talik ito sa isa sa kaniyang mga alalay. Ikinuyom ng hari ang kaniyang kamay. “Sigurado ka ba na sa akin ‘yan?” Galit na tanong ni Azazel, “Baka sinasabi mo lang ‘yan dahil may nangyari sa atin?” “Wala po akong rason upang magsinungaling sa inyo, Mahal na Hari.” Saad ng babae at tinignan ito. Unti-unting umikot ang hari upang harapin si Diana. Itinaas nito ang kaniyang kamay na naging dahilan ng pagsindi ng mga lampara sa dingding. Naluluha at naka-ngiting nakatingin si Diana sa hari, ngunit napalitan din ito nang labis na takot dahil masama itong nakatingin sa kaniya. Tila ba hindi ito masaya sa kaniyang nalaman. “Kung talagang sa akin ‘yan ay huwag kang mag-alala at ibibigay ko ang pera na gusto mo,” saad ni Azazel, “Ibibigay ko ang lahat na kailangan niyong mag-ina at bibigyan ko rin kayo ng bahay, ngunit, sa isang kondisyon.” Hindi makapaniwalang nakatitig lamang ang babae kay Azazel. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman gayong lalaki ang kaniyang anak na walang ama. Sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam at unti-unting namumuo ang galit sa puso nito. “Lumayo kayo rito at huwag na huwag mong susubukan na ipaalam kahit kanino na nagbunga ang pagkakamali nating dalawa. Kapag ito ay kumalat at makakarating kay Morgana, tandaan mo Diana,” banta ni Azazel at mahigpit na hinawakan ang pisngi ng babae, “Hindi ako magda-dalawang isip na patayin kayo.” Marahas na binitawan ni Azazel ang pisngi ni Diana bago ito tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Samantalang si Diana naman ay na iwan sa madilim na pasilyong iyon na umiiyak at labis ang galit sa kaniyang puso. Labas sa kaalaman ng hari. May isang taong nakarinig pala sa usapan nilang dalawa. Hindi nito alam na ang taong iyon ang magiging dahilan sa pag-aaway nilang dalawa ni Morgana. Iyak lang nang iyak si Diana habang naka-upo sa sahig. Ilang sandali pa ay siya naman ang pagdating ng mga kawal at pinalibutan siya nang mga ito. “Diana,” tawag nang kaniyang matalik na kaibigan, “Inutusan kami ng Hari na ihatid ka sa bago mong pamamahay.” Hindi umimik si Diana at hinayaan na lang niya na hilahin siya nito papunta roon. Tahimik nilang binabaybay ang pasilyo ng kaharian nang bigla na lang itinaboy ni Diana ang kamay ng kaniyang kaibigan. “Diana!” Gulat na tawag ng kaniyang kaibigan sa kaniya, ngunit masama lamang niya itong tinignan bago nagpatuloy sa paglalakad papalabas sa pasilyo. “Hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi ko kailangan ang pera na ibibigay mo. Nais ko lang mabigyan ng kompletong pamilya itong anak ko pero hindi mo magawa,” bulong nito sa kaniyang sarili. Galit na galit si Diana kay Azazel, “Sisiguraduhin ko na malalaman at malalaman din ni Morgana ang nangyari sa atin sa pagdating ng panahon. Papalakihin ko ang anak ko mag-isa. Wala kang kwentang halimaw!” Tuluyan nang makalabas si Diana sa malaking pinto ng kastilyo. Halos lahat ng kaniyang mga nadadaanang tao ay napapatingin sa kaniya. Nagtataka ang mga ito kung bakit siya umiiyak at kung ano ang nangyari. Patuloy lamang sa paglalakad si Diana hanggang sa tuluyan na itong makalabas. Masamang tinignan niya ang kastilyong pinagsisilbihan nito ng halos isang dekada. “Sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita pa kahit kailan ang iyong anak!” Sigaw nito bago tinignan ang tore na kung saan nananatili si Morgana, “Huwag kang mag-alala, wala akong balak na ipapaalam sa kaniya ang tungkol sa bata. Naisip ko, wala nga pa lang sekreto ang natatago ng matagal.” Iyon ang huling mga katagang binitawan ni Diana bago ito tuluyang umalis sa kastilyo ng Underworld. Hindi na ito kailanman bumalik pa. Lumayo-layo na ito sa pamilya ni Azazel at namuhay ng tahimik. May ilang buwan lamang na pagitan ang anak ni Morgana at Diana, kung kaya ay isa sa kanila ang talagang susunod sa trono ng Underworld. Ayaw man ni Azazel na tanggapin at panagutan ang bata pero alam nito na bunga pa rin ito ng kaniyang pagkakamali. Sinubukan niyang ipa-hanap si Diana upang bigyan ito ng pera at iba pang mga kailangan nito upang mabuhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD