Chapter 16

229 Words
“Sana ipinanganak na lang ako na normal,” buntong hininga na wika ni Amelia habang nakatingin siya sa repleksyon niya sa kanyang salamin. “Anak, aalis na ako dahil may kulang pa sa pinamili ko noong isang araw. Saglit lang naman ako sa bayan. Ang iyong ama ay nasa likuran lang ng bahay may kinukumpuni,” paalam ng ina ni Amelia sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. “Mag-iingat po kayo sa daan ina,” nakangiti na sagot naman ni Amelia. “Sila ang mag-iingat sa akin,” natatawang biro ng ina ni Amelia kaya naman maging siya ay napahalakhak na rin. Kahit na minsan ay nakakaramdam ng lungkot si Amelia dahil nga hindi siya makalabas ay nararamdaman pa rin niya na buo siya dahil sa pagmamahal sa kanya ng kanyang magulang kaya naman ipinangako niya sa kanyang sarili na aalagaan niya ng mabuti ang kanyang magulang at kahit na anong mangyari ay hindi niya iiwanan ang mga ito. Sumilip saglit si Amelia sa labas dahil pupuntahan niya sana ang kanyang ama ngunit nakita niya na sobrang tirik ang araw at masakit sa balat ang sinag ng araw kapag ganitong tanghaling tapat sa kanila. Kaya naman pinili ni Amelia na maghugas na lamang ng hugasin. Hindi kasi maaaring maarawan si Amelia dahil madaling masunog ang kanyang balat, isa iyon na kasama sa kondisyon ng pagiging albino niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD