Nag apply si Anita bilang katulong sa mansion ng limang abnoy na lalake upang takasan ang pamilya n'ya at ang mga plano nito para sakaniya.
Abnoy ang tawag n'ya sa mga ito dahil iba-ibang ugali at trip ng mga ito sa loob ng bahay.
“Asan na 'yong brief ko Anita?!”
“Gusto ko ng eklog nagugutom na ako Anita!”
“Anita makikisuyo ako kasi late na ako. Nakita mo ba 'yong susi ko?”
“Anita are you free? Let's play a game.”
“Anita.”
Si Nate pinakahuling tumawag sa dalaga. Yamot na yamot na s'ya dahil sa utos ng mga ito. Hindi n'ya kinalakihan ang kahirapan kaya naman hirap na hirap s'ya mag adjust, at nayayamot kapag inuutusan ng mga ito.
“Ano?! Anong utos mo sir?” Hindi maitago ng dalaga ang kaniyang yamot.
“Wala kang bra.”
Wika nito bago tumalikod sakaniya. Malutong s'yang napamura. Hindi kasi n'ya ugali ang mag bra kapag matutulog na sa gabi kaya naman sa taranta n'ya ngayong umaga dahil sa utos ng mga boss n'ya, ay pati pag ba-bra nakalimutan na n'ya.
“Minumura mo ba ako?”
Malamig na tanong ng pinaka panganay sa mag ka-kapatid.
“H-hindi sir nabigla lang ako” Bawi n'ya.
Napabuntong hininga si Anita. Sa mag ka-kapatid kasi ay si Nate ang hindi n'ya masupla. Dahil sa pagiging malamig na pakikisama at masungit na pag-uugali nito. Isang maling galaw at pananalita lang ay tiyak na hindi ito mag aalinlangan na tanggalin s'ya sa trabaho.
“Takot ka?”
Mapang-asar na tanong ni Blake.
Si Blake na ubod ng babaero. Isang linggo palang ang tinatagal nya'y pin4gnanasahan na s'ya nito. Mabuti na nga lang at may rules sila na ginawa ng panganay na si Nate. Hindi nila maaring patulan ang dalagang si Anita dahil katulong ito sa pamamahay nila.
Pabor sakaniya ang rules. Maganda narin ang trabahong napasok n'ya kahit na hindi kalakihan ang sweldo at sapat lang na may maipang bili lang s'ya ng pangangailangan n'ya sa araw-araw. Hindi ito sapat kumpara sa perang hawak n'ya kong nasa dating trabaho parin sana s'ya.
Doctor s'ya sa isang private hospital na sila rin ang nag mamay-ari, pero hindi n'ya ito maaring magamit ngayon. Dahil mabilis s'yang mahahanap ng ama n'yang makarunungan pa sa buhay n'ya.
Maging credit cards at perang naipon n'ya sa bangko hindi n'ya magalaw. Kaya naman ang pagiging katulong na nga yata ang the best na option n'ya. Hindi n'ya kailangang mag inarte dahil walang mangyayari. Kapag nahanap s'ya ng ama ay hindi na ito papayag na makawala pa s'ya.
Kinaylangan lang n'yang ibahin ang kwento ng buhay n'ya para paniwalaan s'ya ng mga amo n'yang puro barako. Nakiusap rin s'ya sa kaybigang si Tiffany na ipagawa s'ya nito ng pekeng impormasyon, tulad ng resume at ID. Mabuti nalang ay gumana ito ng ipasa n'ya at ma-interview s'ya ng mga ito.
Dahil masyado kasing mausisa ang panganay na si Nate kaya naman dito s'ya nahirapan.
“Takot ka rin naman Blake.”
Sabat ni Frost, pangalawa sa panganay. Si Forst ang pinakamatino at mabait sakanila. Marunong makisama hindi tulad ng iba nitong mga kapatid.
Kaya naman ganun nalang ang pag hanga ni Anita kay Forst. Lagi n'ya itong minamasdan ng palihim sa tuwing ta-tambay ito sa sofa para manuod. Inaabot s'ya ng isang oras sa sala masilyan lang ang binata.
Hindi n'ya alam kong papano nya nagawang mag tiis sa mga amo n'ya. Si Forst na nga lang yata ang nakakapag pa bago ng isip n'ya kapag inis na inis na s'ya. Isang linggo palang ang tinatagal n'ya sa mansyon na 'to ngunit pakiramdam n'ya ilang taon na s'yang namamalagi sa impyerno.
“Anita nakita mo isang box na c0ndøms ko? Hindi ko pa nauubos 'yon mamaya palang sana.” Tanong ni Blake.
Napaawang ang labi n'ya sa tanong nito.
Pati ba naman c0ndøms ay obligasyon pa n'yang hanapin?
“Babae parin s'ya. Ikaw dapat ang nakakaalam ng personal na gamit mo.” Walang emosyong pangangaral ng panganay na si Nate.
“Bakit si Gummie itlog nalang pinapaluto pa kay Anita?” Reklamo ni Blake.
“Well, at least hindi n'ya mismo ítl0g iyon. Dumedepensa ka pa eh.” Sabat naman ni Frost.
“Wrong pronounciation kapatid.” Mabilis na sabat ni Gummie. "Eklog is the right term. Do you get it?" Napabuntong hininga pa ito. "E, K, L, O, G. Eklog, oki?" Paninigurado pa nito.
“Jejemon.” Bulong ni Bambam.
Si Bambam ang bunso. Hindi alam ni Anita kung isip bata ba talaga ito o sinasadya nalang nito ang pagiging makulit at kalog.
“Jejem0an dapat dahil term ko rin 'yan.”
Napabuntong hininga si Blake bago binalik ulit ang atensyon sakaniya. "Nakita mo ba c0ndøms ko?" Ulit nito sa tanong kanina.
“Hanapan po ba ako ng nawawalang protection n'yo sir?" Pamimilosopo ni Anita sa amo.
Kapag 'yong alagang júnjún ng mga amo n'ya pwedeng maalis sa pagkaka-kabit. Tiyak na pati 'yon ay hinahanap na ng mga ito sakaniya.
“Anita may pagkain na? Eklog gusto ko sunnyside up.” Utos naman ni Gummie.
Napahilot sa sentido ang dalaga. Si Gummie kasi 'yong tipo ng tao na kahit lamon ng lamon, gutom parin. S'ya ang patunay na kain ng kain pero payat parin. Hindi naman sobrang payat, kumbaga tama lang ang pangangatawan nito.
“Bagong kain kalang di'ba sir?”
“Talaga? Naidumi ko na eh. Kaya siguro wala na naman laman tiyan ko." Napailing pa ang binata sakaniya bago ngumiti.
Ngiti na hindi na naman n'ya mapapahindian. Wala rin naman s'yang karapatang tumanggi sa mga ito. Parang hawak na nga mga ito ang buhay n'ya at ginawa s'yang alila. Ayos na ang kalagayang ito para sakaniya kaysa maging alipin ng ama, at ikulong s'ya sa hawlang masikip. Walang kalayaan, walang sariling desisyon at kontrolado.
Kahit anong mangyari ay pagiging katulong parin ang pipiliin n'ya.
“Ano na iluluto mo ba ako o hindi?” Si Gummie na nayayamot na kakahintay.
“Nasaan na c0ndøms ko?" Follow up question ni Blake. Tanong na hindi na matapos-tapos kanina pa.
Gusto n'yang sabihan ng p4taygutom ang amo n'yang si Gummie ngunit hindi n'ya magawa. Maging ang binatang si Blake ay hinihiling n'ya na mag katúl0 sana para mabawasan ang pagiging babaero. Si Nate naman ay iniwan na pala sila, marahil ay napipikon na sa kaingayan ng dalawang kapatid.
“Tigilan n'yo si Anita.” Saway ni Frost. "I think i saw your box of c0ndøms there.” Ituro nito ang kusina.
“And you young boy.” Turo naman ni Frost kay Gummie. “Ako na magluluto ng itlog mo.”
Lihim na napangiti si Anita at tinago ang kilig. Napakabait talaga ni Frost sakaniya. Lagi nalang kasi s'yang sinasalo nito kaya naman hulog na hulog na s'ya sa binata.
“And you.” Napakamot sa ulo si Frost bago nahihiyang umiwas ng tingin sakaniya. “Isuot mo na muna 'yong bra mo.”
Automatikong tumakip ang palad n'ya sa hināhar4p n'yang hindi naman kalakihan ngunit hindi rin naman maliit. Patakbo s'yang pumasok sa kwarto ng katulong, na maliit lang pero pwede na pagtiisan.
Binatukan ni Anita ang sarili n'ya. Dapat kahit na naibigay na n'ya ang kaniyang puri sa lalakeng nak4tal!k n'ya that night ay maging maingat parin s'ya. Magiging maingat na s'ya. Huli na ng magsisi si Anita na ibinigay n'ya ang sarili, kung pwede naman pala s'yang tumakas nalang tulad ng ginawa n'ya kaya s'ya nasa kalagayan na ito.
Pilit na n'yang kinakalimutan ang gabing iyon. Sana talaga hindi na mag tagpo ang landas nila kahit pa hindi n'ya ito nakilala. Sana hindi rin s'ya nito nakilala. Limot na kasi n'ya ang mukha nito dahil sa kalasingan. Para bang nabura ang memorya n'ya sa one night st4nd na iyon.