Chapter 14 : "Don't wake the beast"

2116 Words

Chapter 14 °Clare° Sobrang lamig ng tubig at dahil wala akong suot na kahit na anong undergarments ay mas lalong naging presko ang pakiramdam ko. Nakakahiya naman kasing manghiram ng undergarments kay Celine, hindi rin kami magka size ng dibdib dahil mas malaki ang akin. Hindi sa pagmamayabang pero ito ang isa sa mga asset ko. Hindi ko lang pinahahalata dahil ayokong nababastos ng mga manyak sa jeep, kaya nga tuwing aalis ako ay laging oversized ang suot kong shirt. Ganoon rin ang aking uniform at iba pang damit. "Wosh!" Sagad ang ngiti ko habang pinupunasan ang basa kong buhok, nilabhan ko yung mga undergarments ko at for sure bukas pa matutuyo iyon, kailangan kong magtiis sa pinahiram na shirt ni Celine. Speaking of Celine, hindi ko pala natanong sa kanila kung saan ako matutulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD