Chapter 25 °Clare° "Huwag kang lalayo sa akin ha." Sabi ng katabi kong halos ayaw nga akong dikitan, kung makaiwas sa akin ito parang daig ko pa ang may malalang sakit. Simula nung lumabas siya sa kwarto na yon, ni hindi na niya ako magawang tapunan ng tingin o irapan man lang. Wala naman akong magawa kasi kung ituring niya ako parang hangin lang ako. Nanatili ang matulis na pagkaka nguso ng aking labi habang naglalakad ako, nasa likoran ako ni Xoul at upang hindi ako mawala ay pinahawak niya ako sa laylayan ng shirt niya. "Malapit na ba tayo? nagugutom na ako." Reklamo ko sa kaniya, bukod kasi sa gutom ay sumasabay din ang tirik na tirik na araw kaya naman pawis na pawis na ako. Sanay ako sa lakaran pero ibang usapan na kung ganito kabilis maglakad ang sinusundan ko. Yung isang ha

