Nang mareceive ko ang text ni Winwwin ay nagmadali akong kumilos at bumaba ng dorm. Nakita ko ang pamilyar na puting CUV sa harapan at naroon sa loob si Win na naghihintay kanina pa. Sumakay ako sa katabi ng driver's seat. "Ang bagal mo talagang kumilos," aniya at nagpeace sign naman ako. "Sorry na. Akala ko kasi e mga ten mo pa ako susunduin!" Tumawa ako. Habang nas byahe kami ay kinuwento ko sa kaniya ang pagdating ng parents ko pati ang mga pasalubong ni mommy sa kaniya. Nae-excite na tuloy siyang makauwi agad ng dorm. Nabanggit pa niya ang tungkol sa gig ng banda mamaya. Hindi ko alam kung saan niya nahagilap ang schedule ng banda pero nagdadalawang isip ako kung pupunta ba o hindi. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung rejection ni Wys sa akin. "Ba't ka nabisita hija?" ngiting s

