Dumaan ang tatlong araw nang hindi ko nakikita sa university si Arthur but he kept on texting me at masigla ko siyang nirereplayan. Kahit na sa klase ay pasimple kong itinatago sa ilalim ng arm chair ang phone ko maka-reply lang sa messages niya. Wys is starting to send me messages too at nirereplayan ko rin iyon. Pinagmasdan ko lang maglaro ng bola ang estudyante sa court. Mula sa gilid ko ay kitang kita ko ang ilang babae kung paano kiligin habang pinapanood si Thunder na magdribble at shoot ng bola. Minsan pa ay napapatingin siya sa gawi nila. Sa kabila ng blanko nitong mukha ay kinikilig pa rin sila kapag napapasadahan ng malamig niyang tingin. Bumaba sa aking kamay ang aking mata nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone na hawak ko. Wys: Where are you? Arthur (boby): Kumain

