Nandidito kami ngayon ni Winwin sa bandroom ng Aces V. Napapadalas na rin ang pagpunta namin dito dahil ito rin ang madalas na tambayan ni Miguel. Mukhang gusto rin naman dito ni Winwin at ngayo'y nakikialam na rin sa ilang instruments ng banda. Minsan ko na ring narinig tumugtog si Winwin ng bass guitar at napakahusay niya sa paggamit nito. Lumaki rin naman kasi siya sa mundo ng musika dahil ang pamilya niya'y nagpapatakbo ng isang business related to music. A recording studio, I guess. "Nabalitaan ko ngaw pala na nagkagulo sa party noong sabado," ani WInwin habang pinagmamasdan ang banda na ngayo'y naghahanda sa pagtugtog. Hindi pa sila makapagsimula kasi hinihintay pa nila si Wys na ngayo'y nasa klase pa. "Hindi naman masyadong naging malaki yung gulo. Mukhang nagalit ko si Thunder ka

